Tuesday, August 30, 2011

Kung may sama ng loob ako sa isang taga-PB

teka muna.  wala po akong sama ng loob sa sinuman sa PB.  Natanggap ko na po kayong lahat kung sino kaya hahaha.

Ang sinagot ko sa poll ay:  1)Kakausapin ko, 2) Dadaanin sa Joke at 3)Makakalimutan din yan.

1) Depende kasi sa sitwasyon.  Siguro may nakasamaan ako ng loob na medyo matindi, kakausapin ko talaga ng masinsinan.  Bakit, anong nangyari, ano ang puwedeng gawin para di na ulit mangyari.  Mag-sorry kung kinakailangan

2) Pag di naman matindi, yun bang nagkainisan lang.  Puwede ng daanin sa joke.  Dami namang sensitive sa PB kadalasan na-ge-gets na nila iyon e. 

3)  At kung kayo naman ang may sama ng loob sa akin...Makakalimutan nyo rin yan!  hahaha.  Mabait naman talaga ako sa personal, mainitin lang ang ulo.  Di ako sensitive, di madaling masaktan.  Problema ko lang ay naaalala ko ang lahat.  As in lahat-lahat maski ang pang-aasar nyo sa akin nung maliit pa ako, di ba hinabol ko kayo ng saksak dati hahaha.  So subukan nyo...hahaha

2 comments:

che said...

Aba kuya, bakit wala sa mga sagot mo ang "susungitan"? heheh

Darwin's Theory said...

@CheChe - kung sa opisina yan: tatanggalin sa trabaho o susungitan ng matindi. Pero sa PB? mahirap sungitan. hahaha