Tuesday, August 23, 2011

Picture Index

Di ba nung Tagaytay Blessing, merong nagsabi na huwag syang isasama sa mga picture sa Singapore.  At lalong-lalo na huwag syang i-tag sa Facebook.

Pero naman, paano ko naman gagawin iyon.  Not sure kung napansin nyo ano, kung pipili tayo ng wala siya sa picture - wala na tayong mailalagay hahaha.  Dahil sa mga 95% ng group pictures e naka-talampak talaga sya.

ETO ang PB 2G Picture Addict Index

Mga Wala masyadong Hilig sa Picture
Tito Ido (sobrang walang hilig sa pics, masungit pa pag picturean, pero lagi namang nanghihingi ng copy)
Tony (baka nahihiya lang)
Tita Dang (medyo kakagulat, pero baka may iba siyang iniisip - 2 syllables)
Tita Che-Che (pag naaalala, magpapa-picture)
Tita Tetes (sya nga ang photogenic pero ayaw sa picture)
Tito One (di naman walang hilig, basta dedma lang sya)

Medya-Medya lang ang hilig sa pictures
Tita Vangie (kung di si Kuya Jim ang asawa nya, baka wala rin siyang pictures)
Tita Edith (pag-group pic at iyong merong gimik shot mahilig, pag solo medyo dedma)
Tito Egay (isang picture bawat view)
Tita Petite (minsan lang magpa-pic, pero pagnagpa-pic maarte rin, pakita ko later)
Tito Par (gumagaling kasi siya mag-pose lately, so nahihilig siya sa picture)
Tito Jorge (nagulat ako dito, akala ko ka-grupo namin siya)

Adik sa Pa-picture
Tita Bhogs (mahilig sa picture syempre, per at least humahawak siya ng camera)
Tita Helen (nagulat din ako na mahilig pala siya magpa-pic)
Tita Ate (pag gusto ang view bawat anggulo ang posing)
Tito Jim (e di ba nga muntik na syang masayawan ng streetboys, at muntik ng mabulag ang mga animals sa zoo, hehehe.  well pero kung di naman sya mahilig sa pictures, palagay nyo may pictures tayo sa lahat ng view?)

And the award goes to...ang Melchora Aquino combined with Marcella Agoncillo, Rosa Rosal at Caridad Sanchez.  Ang tunay na ALAMAT NG PICTURES...

Tita Yet (clap clap clap).  Puwede rin nyang i-deny.  Pero sige nga, tignan nyo na lang ang mga pictures natin OK.  Iyan ang matibay na ebidensya.

No comments: