So exciting na ang PB ay mag-party para sa Bday ni Lolipot sa Aug 14, Sunday.
BEST (o favorite) HOTELS in TAGAYTAY
Di ko masyado type sa Highlands e. Sorry. I'd say we have tie between Discovery and Vista. Di pa ko nakaka-stay sa Nurture Spa Village - marami nagsasabi sobrang OK raw dito
Discover Country Suites
- Excellent Service. Da best ang pineapple mint cooler na Welcome Drinks. Tapos merong wine and cheese sa hapon at meron pang cookies sa gabi.
- Sobrang linis at ganda ng place
- Medyo mahal ang presyo 8,000 - 12,000 pesos. At di OK ang view ng Taal Volcano. Sayang lang na walang view e asa Tagaytay ka. Kelangan din ilang improve ang ibang lumang rooms.
Taal Vista Hotel
- OK ang service at OK din ang facilities. Maluwag ang rooms lalo na dun sa bagong wing.
- Sobrang OK ng view ng Taal Volcano at Taal lake, di lang sa kuwarto pati na rin sa paligid ng hotel
- Price ay between 5,500 - 8,000 pesos
COUNTRY SUITES HOTEL
TAAL VISTA HOTEL
BEST RESTAURANT
Antonio's
- Antonio's, walang duda ang Best Restaurant sa Tagaytay. One of the best restaurants sa buong Pilipinas at Asia. You should try their steaks - best Pinoy steaks.
- Kaso medyo mahal =). At kelangan ng reservations bago makakain. Pag walang reservation di pwede =(
Other Restaurants
- Daming OK na restaurants sa Tagaytay, kaso lang kalaban nila ang Antonio's
- Sobrang OK ang Steak sa Highlands. Worth the trip - kaso medyo mahal
- Josephine's is one of our favorites esp Mutya ng Cavite you have to try
- Favorite din namin ang Tootsie's. Very unique home-made recipes. Sobrang OK ng Inihaw na Tadyang at ng Baked Chicken. Meron din silang Turon Halo-Halo at Ube Palitaw
- Minsan kumain kami ng Bulalo sa gilid ng kalsada. Sobrang sarap din! Since specialty ng Tagaytay ang Bulalo - I guess everywhere should be good.
JOSEPHINES and TOOTSIE's
BEST PLACE FOR COFFEE
- Dati favorite namin ang Sanctuario. Sobrang OK ng kanilang Pahimis coffee at ang mga suman. Ewan anong nangyari sa kanila at papangit na ng papangit ang lasa ng pagkain. So visit with caution.
- Ang bago naming favorite ay ang Java Jazz Cafe. Masarap na affordable pa ang presyo. At ang mismong cafe ay parang mini-art museum
SANCTUARIO
JAVA JAZZ CAFE
THINGS TO DO
Mag-Zoo sa Paradizoo
NATURE's PARK o KAMAY NI MARIA
Mag ZIPLINE
Mag BOATING sa TAAL LAKE
Mag PICNIC
1 comment:
masarap din sa tootsie's!
Post a Comment