Last day in Singapore is Free time.
Tito Jim, Tita Vangie, Tita Yet, Tito Jorge and Tita Helen decided to explore the city. Pumunta muna sila sa Lucky Plaza at duon na rin nag-lunch. Tapos nag-Amazing Race sila papunta sa Marina Bay Sands
Tita Edith, Tita Dang, Tita Petite, Tito One went full-shopping. Una muna sa mall sa Orchard, tapos humataw pa sa Mustafa.
Tita Ate, Tito Par, Tita Bhogs, and Tita Tetes had lunch with relatives at Jumbo Seafood Restaurant. Eto ang isa sa pinakasikat na restaurants sa buong Singapore. In fact, you need to reserve days ahead para makakuha ng table on a Sunday. Sobrang sikat dito ang Chili Crabs at ang Cereal Prawns. Sobrang daming inorder nung pamangkin nila Tito Par. Sobrang busog
Tito Ido and Tita Che-Che in their typical Singapore spree practically did all of the above. Very good brunch at Bon Marche at Orchard, tapos sumama kila Tita Edith for quick shopping. Then, humataw papuntang Jumbo to gatecrash lunch with kina Tita Ate (at pinakamarami pa atang nakain). Tapos nag-coffee sa lobby ng Marina Bay Sands, pero di nakita sila Tito Jim. Dumaan sa Louis Vuitton (katapat ng Lucky Plaza) para bumili ng wallet. And then bumalik ng Mustafa para bumili ng pabango at nakita sila Tita Edith. Kakapagod!
Sun, Aug 21 3pm Botanical Gardens
Ang usapan ay magkita sa Botanical Gardens ng 3pm. So of course Tita Che-Che and I were there at 2:56pm, mahirap ng maging sanhi ng kunot ng noo ni Par. Tita Vangie and Tito Jim arrived at 2:59. Very good!
Kaso mo, eto na naman. Sobrang laki ng Botanical Garden at meron itong 3 entrances. Ang siste, di alam ng taxi driver kung alin dito ang main gate....Haaay. So di na naman nagkakitaan.
After 30 mins of waiting, we decided to start walking. Here is Tita Edith at the Orchid Garden.
Tita Vangie sa Ginger Garden Falls
Tito Jim sa likod ng Waterfalls - actually apat kami, pero di pala kami makita.
Magkita na lang sa Swan Lake. So mga 4pm finally nagkita na kaming lahat for the final picture inside the Gardens.
Went back to the hotel for last minute repacking
Then punta na sa airport
para mag-GST at mag-check-in
Tapos check-in we had a very quick dinner, para makasama last time ang ating Singapore PBs at Tita Tetes. We had Chicken Rendang, tapos iyong mga may allergies kumain ng Tuna Puff.
At 6:45pm, we said goodbyes. Flight ni Tita Tetes ay past midnight pa and she had to go to Terminal 1.
Our flight was a few minutes delayed. Pero OK lang walang problema. Past midnight nag-land ang flight sinalubong kami ni Lola Maam at ni Tito Ayo. Eto na kami lahat back where we started from - NAIA Terminal 3 Manila.
No comments:
Post a Comment