Not sure kung narinig nyo na ang planong atakihin ng mega-virus ang Facebook sa November. Ang nagsabi nito ay ang online group na "Anonymous". Sabi nila gumagawa sila ng virus na kayang pumasok sa database ng Facebook. So matindi ata ang plano nila - dahil hindi lang papahintuin ang Facebook ng isa o dalawang araw - gusto nila na i- "kill Facebook".
Dati ang mga hackers ay nakapasok sa online gaming server ng Sony at nakuha nila at pinublish pa ang pangalan, address at telepono, pati mga passwords ng mga tao. Actually kasama pati ang email at bank accounts. Grabe nga e, nagkaroon ng widespread outage dati at nag-issue pa ng apology ang Sony.
Kung maging successful ang mga hackers, matindi mangyayari dito. Lahat ng impormasyon na nilagay sa Facebook ay posibleng makita ng ibang tao. Hmmm interesting ito.
Nov 5 daw ang araw ng atake. Gagawin daw nila ito bilang pag-protesta sa patakaran ng Facebook tungkol sa pag-handle ng information ng mga tao. Sabi nila maski nag-delete ka na ng information o maski na nga nag-delete ng account, di pa rin ito tuluyang nawawala sa database ng Facebook.
Pero mukhang may ginagawa na ang Facebook dahil parang dumadalas silang nag-down at sinasabing may ginagawa silang maintainance. Di naman ito ang unang virus threat sa Facebook, pero ito ang posibleng maging pinakamalaki.
Abangan...
1 comment:
sino kaya masmagaling...hacker "Anonymous" o ang security team ng facebook???
Post a Comment