Monday, August 15, 2011

Nanay and Canada

Na-interview ko sandali si Lola Nanay kahapon.   Tungkol sa kanyang Canada trip syempre.  Tinanong ko kung ano ang favorite sa mga nagawa nya dun.

Sabi niya ang favorite nya ay yung paglalakad daw sa yelo.  Kasi nga first time niya yon e, at dun mo lang magagawa iyon.  Tama nga naman.  Nagustuhan din daw niya yung Niagara Falls trip niya.  Maid of the Mist din pala ang tawag sa sasakyan papunta malapit sa falls.

Tapos napagusapan din namin na parang ang bait-bait naman ni Popoy.  hehehe.  Kasi dati di ba medyo bad boy image nya, pero nung dumating sa Canada e nag-transform sa pagiging good boy.  Syempre ako naman ang mga nagsasabi ng kung anu-ano, hinihintay ko lang si Lola Nanay kung sasang-ayon o hindi.  hehe.  Sumang-ayon din naman siya maski paano.

No comments: