Tuesday, August 23, 2011

2G@Sing - Night 1

Thu, 3pm @ NAIA Terminal 3
# ng mga pasaway = 0
# uminit ang ulo = 0

It was an un-eventful flight to Singapore.  Ibig sabihin everything went as planned, actually almost 30 mins ahead of schedule pa nga ang flight.  The flight was in fact NOT full so daming bakante upuan.  Merong paminsan-minsan na turbulence pero nothing to highlight as extraordinary.











After an hour of waiting at the pre-boarding area, sakay na kami sa plane.  Masaya dahil as you can see the PBs are seated together. 


 Thu, 8:45 pm @ Changi Airport, Singapore, Terminal 2

# ng mga pasaway = 0
# uminit ang ulo = 0

Singapore's Terminal 2 has a very nice Orchid Garden.  Syempre imbes na magpunta kaagad ng immigration at kunin ang maleta, photo opportunity muna.  Sayang naman.



Naghihintay na sa labas ng arrival area sila Tita Che-Che, Tony at Tita Tetes para salubungin ang PB.  Pansinin na totoo ang ngiti ng lahat.  Talagang masaya, excited at wala pang umiinit ng ulo.  Everybody happy.



Haaay, eto ang once in a lifetime picture - 16 PB 2Gs at an International Airport.  Maisip nyo bang mangyari ito nung mga bata pa tayo? 



Thu, 10:15 pm @ Hangout at Mount Emily, Upper Wilkie Road

# ng mga pasaway = 0
# uminit ang ulo = 0

Natuwa naman ang maraming 2G sa Hangout.  Very modern at very cozy.  Medyo masikip lang ang mga kuwarto - kasi pang-dalawahan lang naman talaga yon, pinakiusapan lang ni Tita Che-Che na gawing tatluhan para mas mura ang presyo.




Nagdesisyon ang grupo na sumakay ng Bus papuntang dinner.  Sabi din kasi sa travel guide, you have to experience public transportation in Singapore.  So here you go...


Tita Petite decided to meet us at the Hotel instead.  Pero kasama namin siya siyempre sa dinner.  Napansin nga namin na grabe si Tita Petite ay lalong tumata....








ngkad.  =).    Nakatulog pa sya nyan =).



Thu, 11:15 pm @ Boon Rat Hawker

# ng mga pasaway = 0
# uminit ang ulo = 1 (aba'y mag high-heels ka ba!   hahaha)

Sabi ng Lonely Planet,  Top 5 Things to do in Singapore - ay kumain sa Hawker.  Para itong turo-turo na paluto place.  So dito nga kami kumain.  Sobrang dami naming pagkain.  Ang personal favorite ko ay iyong Satay, pero alam ko marami ang nagkagusto sa Char Kway Teow - eto yung medyo maitim na noodles na merong togi at meat.

Meron din kaming stingray, cereal prawns, kangkong, beef something(ano nga ba yon), at special rice.  Ang aming panulak ay Sugarcane Juice - sarap!

Maraming salamat ulit kay Tony at kay Tita Che-Che para sa sobrang OK na Night 1 Welcome Dinner. 


 After naming mag-dinner, nag-lakad-lakad at nagpa-picture sa Esplanade.  Sobrang ganda ng view - kita ang Singapore Harbor against skyscrapers and city nighlights. 


Past midnight na kami nakabalik ng hotel.  Needed to unpack and prepare early for the next day - maaga kasi dapat sa Universal Studios.

2 comments:

tito jorge said...

Sarap kaya ng mga kinain namin, yung cereal prawns kahit cereal lang masarap na. At mga kakaiba, yung stingray, first time ako nakakain, pang singapore talaga!

thank you tony and che-che!

ayo said...

"LIKE" yung last pic ang panalo, kumpleto kayo dito ah, sayang lang at medyo malabo, sana sinama nyo si Camae o si Chucky boy para maganda kuha hehe