Monday, December 19, 2011

What to Buy: new gadgets ang phones

Haaay.  Napadaan ako sa tindahan ng Samsung kanina.  At buong araw akong nababaliw.

Window shopping lang naman ang aking pakay.  Until makita ko itong Series 8 Samsung TV.  Ano ba naman ito?  TV na merong internet,  tapos puwede mong ilipat lahat ng mga files, pictures, movies at music from the PC to the TV na wireless.  At 3D pa!  May libreng salamin at pelikula.  At swivel foot design pa, so puwedeng iikot-ikot ang TV.   I love this TV!


and then, lumabas na pala ang bagong Smartphone ng Samsung.  Eto naman ang Galaxy Note.  Pinagsama ang tablet at cellphone.  Pero astig, dahil puwede kang mag-edit ng mga photos




at puwedeng mag-customize ng screen.  so puwedeng 3 images sabay-sabay. wow!
at high-tech ang pag-cut and paste dito, dahil puwedeng maglipat ng images.  at puwede ring magsulat.  Wow!  Sobrang gaan, tapos Android, at gorilla ang screen


Ngapala kung meron kang Samsung Internet TV at meron kang Samsung Phone, you can use your phone to control your TV.  Di ba, nice?

Sa kabilang tindahan naman ng motorola e lumabas na rin pala ang MOTOROLA ATRIX 2.  Grabe ito ang processor ay pang-PC.



Haaaay.  napakahirap naman mamili.  Pag nainis ako pagbibibilin ko lahat ang mga yan.  hahaha. 

To buy or not to buy that is the question.

5 comments:

Anonymous said...

Ang ganda!

Darwin's Theory said...

ang ganda ng TV at ang ganda ng mga phones. na-de-democratize na rin ang technology dahil dito. meaning, nagiging affordable na ang mga TV. kasi mas mahal pa yung mga TV namin nung 90's kesa sa mga LCD TVs ngayon e.

Evot said...

ung 3D tv dito eh hindi masyado patok kysa sa mga smart TV...
imount mo na lang sa wall ung tv mo tito ido para masmaluwag sa space...katulad nung tv namin na mount ko nlng sa wall...
panget nga daw pla sa games ung 3D tv kasi mabagal ung game mode pero ok na ok sa movie...

Nangangarap said...

Parang gusto konh bumili! :))

Interesado bumili said...

Ang ganda nung tv at nung mga cellphone
Magkano ba yang mga yan?