Tuesday, June 29, 2010

Ideas for Tito Jim's Golden Bday Party

Tito Jim posted a comment on his concept for the Golden Rock & Roll Party.


         ang naiisip ko eh rock & roll na'1960 & 1970 ang dating ,
costume ; ok na yong dati katulad nong birthday ni IA sa greenhills,ang kaibahan lang nito may live band tayo ,

pacontest ; magpapa contest ako sa pinaka magaling kumanta o magperform with the band , ok lang kahit solo o group

program ; parang comedy bar lang dating , what goes on , katulad nangyari sa despidida ni evot,sabi nga ni tita EDIT eh IMPROMPTU

surprises ; bilib naman ako sa PB ,they are full of surprises di ba ! yon ang gusto ko ma surprise , ha ha ha

venue ; ang venue ko garden ito na may pool sa gitna medyo malaki ang place , pag umulan naman meron siyang malaking tent .

gift ; sa gift naman ok lang lang yon nakasobre kahit late o in advance ha ha ha ,di ba tita che che ,'beter late than never"

so anything suggestion sa inyo, sa PB family ,specialy sa iyo IDO , ano masasabi mo ?
Gusto pala ni Tito Jim ma-surprise.  Kinakabahan lang ako na ma-surprise sya na baka walang mangyari sa araw na yon hehehe.  So meron ba kayong ideas?

Tito Jim, dahil may special mention ang name ko sa comment mo, eto ang aking comments.

- Sana iba ang costumes.  Kasi nagawa na natin iyong kay Ia dati, at as much as possible, huwag uulitin.  Para unique.  How about Hippie 70's?  Parang Woodstock and Beatnik ang dating.  Di masyado mahirap ang costume dito, kasi marami pa nagsusuot nito ngayon hehe.  Tutal madamo naman sa venue, baka bagay ito =).




- ok din ang pa-contest Tito Jim.  Iyong kakanta o mag-pe-perform with the band.  Parang cool.  Sana lang marami-rami ang sumali.  Di ko rin ma-imagine ang execution nito.  Paano yon tatawagin lang ang mga tao mag-perform?  o paano ba yon?

- program.  Iyong parang stand-up comedy.   Wow magaling na idea.  Sana merong mag-volunteer, dahil sobrang hirap nito ha.  Gusto mo bang mag-prepare ang mga tao?  O talagang impromptu gusto mo? 

Ngapala Tito Jim, puwede akong mag-host kung wala kang guest na hindi taga-PB.  Sorry yun ang kondisyon ng kumpanya namin.  Pero for sure may bisita kang hindi PB, tama ba?  In that case, di ako puwede mag-host ha, sorry talaga, kaya rin maaga pa lang sinabi ko na.  Sayang ang galing ko pa naman nung Silver Wedding mo hehe.   Or, puwede mo raw akong bayaran =).  So hanap ka na ng ibang host ha, or kung gusto mo talaga ako bigay ko na lang sa iyo ang hourly rate ko hehehe.

Monday, June 28, 2010

PB Family Tree

Kung meron mang nagsasabing tradisyonal, makaluma at konserbatibo ang PB, ang masasabi ko lang, gumawa nga kayo ng Family Tree.  Kaya siguro walang nagtatangkang gumawa ng PB Family Tree - dahil medyo komplikado pala. hehehe.

Ilalagay ba ang mga wala na?  Merong mga boxes nga di ko talaga alam kung ano ang ilalagay, lalagyan pa ba?  Sino ang ilalagay?  Ano ang ilalagay?  hahaha.

So ganito na lang, bago pa lagyan ng pictures ang Family Tree, paki-check naman please.  Nag-so-sorry na po ako sa mga pagkakamali =).  Paki-sabi na lang kung sino ang dapat sa mga boxes.

Eto po ang link...
http://pamilyabanal.blogspot.com/p/pamilya-banal-family-tree.html

Rock&Roll Theme

Tito Jim, meron ka bang specific idea para sa iyong Golden Rock&Roll Theme?  Gusto nating bigyan ng idea ang PB tungkol sa theme, costumes, gagawin etc.  Meron ka na bang idea?

Sinubukan ko kasing maghanap ng look at costume, pero ang mahirap sa Rock&Roll na theme, Tito Jim, is that Rockers do not follow the rules.  Tignan ninyo sa iba ang mga sikat na rockers in the past 50 years.

Bono ng U2 - ang dali ng costume nyan
Janis Joplin - kakaiba, pero madali pa rin ang costume, parang hippie
Mick Jagger (ng Stones) - fashion, at madali rin
and lastly Bamboo - parang pupunta lang ng mall =).

At saka Tito Jim, ano ang na-i-imagine mong happening.  Meron bang banda mag-pe-perform tapos chill-out lang ang PB (meaning kakain at tambay)?  Or meron ka bang naisip na gagawin ng PB?

Let us know your concept Tito Jim. 









Di Umiinom

Very interesting article ng Inquirer about Philippine Presidents. 

- Alam nyo bang si Noynoy ay hindi umiinom?  Yosi at baril, pero di umiinom.  Bukod kay P-Noy, isa lang ang presidente ng Pilipinas na di umiinom.   Si Emilio Aguinaldo.

- "Public Smokers" naman sila Manuel Quezon, Manuel Roxas, Carlos Garcia, and Joseph Estrada.  So magiging pang-lima si Noynoy.

- Pag sinama ang pipe/cigar smmoking, kasama sina (Jose) Laurel, (Fidel) Ramos and (Diosdado) Macapagal and his daughter (Gloria Macapagal) Arroyo) who were all occasional (social) smokers, Aquino III is the eighth President who’s a smoker.

- Alam na nating lahat, si Noynoy ang kauna-unahang Presidente na walang asawa/hindi nag-asawa.  Ang unang presidente na walang anak. 

- Si Noynoy din ang unang "marksman" (susunod kay Marcos) na maging presidente.  -
- Si Noynoy ang kauna-unahang Presidente na grumaduate sa Ateneo

- Si Jejomar Binay, ang unang Bise-Presidente na isang city mayor.  Siya rin ay 66 yrs old ang pinaka-matandang elected Vice-President sa Pilipinas 

Official Announcement

Tito Jim's Rock & Roll Golden Birthday Party


Saturday, July 17 pm
Aguirre Garden Resorts
#44 Carreon Aguirre Subd
San Bartolome, Novaliches Quezon City



Aguirre Garden

Saturday, June 26, 2010

Malayo? Malapit?



Naaalala ko tuwing umuuwi kami dati sa probinsya. Pag nagtanong ka kung asan ang tindahan, sasabihin sa yo, "malapit lang yon!". 

Ayos!  30 minutes ka na naglalakad wala ka pa sa kalahati. 

Sabi ni Tita Tetes, malapit lang daw sa kanila ang Las Vegas.  Hmmm.  naintriga naman ako, kasi parang nalito ako sa geography.  Eto po sa ibaba ang picture hehehe.  Sabagay, malapit nga, kesa naman sa mga asa Pilipinas, yun ang malayo talaga.  jejeje


Driving

Sa ibang bansa lalo na sa US, sobrang laki ng highways.  Iyong tipong dalawang sasakyan kasya sa isang lane.  So talagang OK na OK mag-cruise control, tapos wala ka ng gagawin kundi galawin ang manibela paminsan-minsan.  Iyong isang ka-opisina ko dati, nag-na-nailcutter habang nag-dri-drive!  Astig - at kasama pati kuko sa paa?

Anong exhibition ninyo habang nag-dri-drive?

Gumawa ang National Geographic ng feature tungkol sa mga ginagawa ng tao habang nag-dri-drive.  Nagkakaruon daw ng "comfort protection" ang mga salamin ng sasakyan - iyong parang nagkakaroon ka ng kalayaan na gawin ang mga bagay na di mo pangkaraniwang gagawin in public.  Pero gagawin mo sa loob ng sasakyan.

Interesting ano?  At totoo.  Ilang beses na kayong nakakakita ng mga nag-pe-perform sa loob ng kotse - parang song and dance habang nag-dri-drive.  Ang mga ka-opisina ko inaaming nag-ma-make-up sa kotse habang nag-dri-drive.  Pangkaraniwan na ang nag-yo-yosi, kumakain, nagkakape, nag-te-text. 

Hmmm, parang minsan ayaw mo na rin malaman ginagawa ng ibang tao habang nag-dr-drive =).

Napanood nyo ba ang Toy Story?

Showing pa ang Toy Story 3.  Surprising na OK ang part 3 na ito.  Iyong ibang part 3 kasi medyo nagiging ewan na katulad halimbawa ng Shrek 3=(.  Ewan lang ang paparating na Twilight.  Sabagay di ko napanuod ang Twilight at New Moon so walang basis.

Huwag nating ikuwento syempre, dahil baka marami pa di nakakanuod.  Interesting sa pelikula ay bago na ang mga characters sa Part 3, wala na yung iba sa original movie.  Which is OK!  Kasi ganun naman talaga di ba, nawawala o nagsasawa ka naman talaga sa mga laruan mo.

Konti lang laruan namin nung bata.  Ang uso naman kasi nun ay mga laro sa kalsada, so di masyado sa mga toys at gadgets.  So paborito kong laruan ay "text", di yung sa cellphone ha, iyong papel na maliit na hinahagis tapos tsa or tsub.  Di ata laruan ang patpat, pero peyborit ko rin ang shato.

Ano peyborit nyong toy?

July

Magkikita ang PB sa August for MM's Debut party.  And with the Laker's jersey shirt as the raffle prize - for sure maraming pupunta.

Wala pang official announcement si Tito Jim, so ewan ba kung may party sya jejeje.

Next to September, July din ang buwan na pinakamaraming birthday sa PB, so may chance na magkita-kita:

TIto Egay
Tita Eyan
Tehya
Tita Yet
Tito Jim
Miguel
Charisse

Waking up in Vegas

Seriously, kung gusto ng PB ng trip to Vegas, kelangan na nating mag-ipon.  Una, puwede tayong mag-hanap ng friends in Vegas para makatipid ng konti at duon makitira.

Isa pa, di ganun kamahal ang mga hotels sa Vegas.  Pumunta ko sa website ng MGM Grand at merong rooms for $69  a night, so around 3,500 pesos shared between 2-3 people.  Ayos na ito.

Ang medyo mahal ay ang pamasahe.  Pumunta ko ng website ng PAL and confirmed that they have flights to Las Vegas 5 times a week - passing thru Vancouver. Ang presyo ng mga flights ay around $1,100 dollars.  If we book early (say a year before), makakahanap tayo ng tickets na $800.  So eto ay 36,000 pesos.

Let's summarize:
4-5 Days in Las Vegas, Nevada, US of A

Plane Fare - 36,000
Hotel - 6,000
Food - 8,000  (mura po ang buffet sa Vegas, at isang beses na lang tayo kumain isang araw hehe)
Pocket Money - 20,000 (shopping, playing, shows)
US Visa - 6,000
Airport Expenses - 1,000

Total: 57,000 pesos + pocket money (around 20,000)

Ipon na at kita-kita sa Vegas!



Thursday, June 24, 2010

Jokes from Tito One







(maski mga jokes ni Tito One nagiging high-tech na)


















Earthquake

Earthquake in Canada?  Hmm. yan ang balitang hindi pangkaraniwan.  Eto ang isang kuwentong interesting.


hello po tito ... kwento ko lng po yung maybe wierd feeling n naexperience ko today ... first time ko lng po nkrmdm ng lindol my entire life ngayon hehe its 5.5 earthquake hit parts of cnada and northern usa around 1:45 pm ... akala ko po kung anu lng and then ung buong couch po n inuupuan ko eh gumalaw tpos nung binuksan ko yung news aun nga lindol .... hehehe ganito pala pkiramdam .. prang excited na kinbahn n may kurot ng takot at topping n ibat iba hehehe gud thing wala ako pasok ngayon dahil usually pauwi napo ng mga oras n ito ....

Popoy

Naiyak sa Airport

Marami ang naiiyak o naluluha sa airport.  Tiyak iyan.  Next time nyong pumunta, subukang pansinin ang mga ibang taong naghahatid.  Lalo na yung mga mala-barangay kung maghatid - iyon bang arkiladong jeep para magkasya lahat ng mga maghahatid.  Huwag maging plastic ganyan tayo dati.

Di rin nakakataka na maiyak (o maluha) si Tita Vangie sa pag-alis ni Evot.  Ibang alis naman ito, permanente.  Si Ate Vangie ay beterana na rin sa pag-alis, ang tagal din nyang nangimbambayan.  Ganun din si Tito Jim.  Ang kaibahan siguro, nung sila dati e nagtratrabaho.  Kaya,  alam mong babalik.  Minsan after 1 year, minsan 2 years.  Minsan 5 years.  Pero babalik.

Ang pag-iyak ni Tita Vangie ay walang kinalaman sa pagiging mabait na anak ni Evot.  Hahaha.  That is a separate topic - na huwag na nating pasukan.  (Pero sino kaya ang pinakamabait na anak ni Tita Vangie?  sa palagay ninyo?).  Malamang dahil yun sa di kasiguraduhan kung kelan sila magkikita ulit, next year? in 2012? kelan?  Iyon siguro. 

Kayo, naiyak na ba kayo sa airport?

Wednesday, June 23, 2010

MM Debut Party updates

here is a note from Tita Tetes...

Eto ung list para sa debut ni MM. Pakipost naman sa PB Blog...baka din may comment, suggestion ka or kahit ano, e-mail mo naman sa akin. Medyo mahirap mag-organize ng birthday kasi malayo kami pero sina MM at Alex by July 8 (10:10pm) nasa Pinas na sila. Thanks...tetes




18 Pearls - Message + Gift (Meaningful gift)

1. Nanay

2. Ditse

3. Tyang

4. Lolipot

5. Lola Maam

6. Tito Par

7. Tita Ate

8. Ninang Vicky

9. Ninong Rocky

10. Tita Edith

11. Ninong Boyet/ Tita Rhoda

12. Tita Helen

13. Tito Egay

14. Tita Vangie

15. Lola Rosing

16. Loya Linda

17. Tita Dolor

18.





18 Shots - (Message + Gift... pwede ding CASH)

1. Kuya Evot

2. Kuya JE

3. Tita Bhogs

4. Tito Jim

5. Tita Dang

6. Tito Jorge

7. Tito One

8. Tita Eyan

9. Tito Ayo

10. Tita Che-che

11. Tita Yet

12. Ate Shiela

13. Tyong

14. Tito Edang

15. Tita Ellen

16. Tita Raquel

17. Mang Totoy

18.





18 Leis

1. Kevin

2. Carlo

3. Rap

4. Unyoy

5. Miguel

6. Denniel

7. Gab

8. Carl

9. Joshua

10. Popoy

11. Classmate 1

12. Classmate 2

13. Classmate 3

14. Classmate 4

15. Classmate 5

16. Classmate 6

17. Classmate 7

18. Classmate 8





18 Torch (Candles)

1. Kriza

2. Aika

3. Karen

4. Camae

5. Diane

6. Kathleen

7. AJ

8. Tricia

9. Jullienne

10. Meg

11. Alex

12. Classmate 1

13. Classmate 2

14. Classmate 3

15. Classmate 4

16. Classmate 5

17. Classmate 6

18. Classmate 7

Airport Scene

galing kay Tito Jim:
hinatid namin si evot ,kasama si tyong,jay e ,shela ,2 apos & josh kumain muna kami sa kentucky bago pumunta sa centenial terminal,dumating kami sa centenial 8pm, as usual umiyak uli si tita vangy,
diko nga alam kung bket umiiyak, siguro aalis na si evot o sya ang nagbayad ng kinain namin sa kentucky , ha ha ha

Mwa hahaha.  So bakit nga kaya naiyak si Ate Vangie sa airport?

Monday, June 21, 2010

Happy Birthday Karen

June 22 is Karen's 23rd bday.  Karen is the female panganay ng PB 3G.

Winners from Evot's Despedida

Nung tinatawag na ang mga nagdala ng gift para i-explain, naghalong kaba at hiya ang naramdaman namin sa table. E paano sa mga 10 may gifts - 2 lang ang taga-PB.  Totally forgot about that gift thing. 

Ang kakamangha dito, ang dalawang winners ay ang dalawang taga-PB na nagdala ng gift.  Amazing! 

Congratulations to Winner #1 Tito Jorge.
Playing Cards ang regalo ni Tito Jorge.  Pero grabe na-telenovela moment kami sa explanation niya ha.  Pang-ABS CBN talaga.  Meron kasi sa storya nya na ambassador (ba yon?), tapos may anak, tapos merong fishing.  Tapos ang regalo niya nga ay playing cards =).  Parang pang-Father's Day kasi ang kuwento niya.  Pero sobrang ganda nga ng meaning - about giving time to your loved ones. 

Congratulations to Winner #2 Tita Edith.
Paper plane ang gift ni Tita Edith.  Meron syang binasa na mga greetings na pang-Hallmark card.  Basta tungkol sa mga pag-alis, at mga naiiwan.  Sabagay naisip ko na na si Tita Edith talaga ang mananalo dito - for sure! Nalimutan ko palang sabihin na ang paper plane ay gawa sa Dolyar!  O di ba sure win.  hahaha.

Palace defers SLEX Toll Hike

(galing sa Philippine Star).

Hindi mangyayari ang pagtaas ng SLEX Tool ng x3.  Timing kasi.  Di dahil si Noynoy ang presidente.  Maski sinong presidente di nya syempre papayagan na ang unang eksena sa pagkakaupo nya ay ang 300% increase sa toll - mag-re-rebolusyon ang mga bus and jeepney drivers at pati na ang mga private vehicle owners.

Ang proposal kasi itaas ang singil hanggang 2.73Pesos per kilometer.
Example: Ang Alabang to Calamba na dating 21 pesos ay magiging 77pesos na.  Pambihira naman.  Mahirap ng mag-Poker Party nyan.

Eto ang buong article:
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=586299&publicationSubCategoryId=63

Sunday, June 20, 2010

Despedida Party for Evot

Punung-puno ang Bacci Restaurant kaninang tanghali. Feeling ata ni Evot ay debut niya - lagpas 50 ata ang mga bisita.  Andun ang mga relatives ni Tita Vangie, mga relatives ni Cha at siyempre PB came in full force.

I loved the lunch!  We had Ceasar's Salad, 3 choices of pizza and 3 choices of pizza.  My favorite pizza was the cheese pizza - sarap ng mozzarela.  I also tried the pasta - both the Pesto Verde and the Alfredo sauce.  There was also the Bolognese sauce, pero nag-pass nako. 

Ay ang pinaka-favorite nga pala sa table namin, including Pia ay ang bread na sinawsaw sa Olive Oil at Balsamic Vinegar - sabi ni Pia para raw Sinigang Bread.

Kriza, Aix and Kevin prepared a programme.  Si Tiyong ang biggest victim ng Gimme Gimme game.  Nakipagunahan kasi siyang mag-Bring me ng 150 pesos.  Actually 200 pala ang bibigay niya.  Eh para pala sa Airport Fee iyon - so di na isosoli.  buti na lang wala kaming 10 dollars sa wallet hehe.

Charisse prepared a video for Evot and also for all Fathers - Happy Fathers Day kasi today.

As always, naging program of speech ang despedida party.  Ang daming nag-wish kay Evot - PB, mga relatives ni Tita Vangie at relatives ni Cha.  Ang masasabi ko lang - lahat ng speech ng mga taga-PB lahat merong parinig tungkol sa "pahingi" - medyo nagmukha tayong patay-gutom kanina.  hahaha.  Well, medyo lang naman, kasi nga hindi naman diretsahan - sari-saring parinig lang.

Inaabangan din ng lahat ang announcement ni Tito Jim para sa kanyang 50th bday party.  July 19 daw - wala pa masyado lately - pero pamarkahan na ang mga kalendaryo.

Natapos and despedida party ng mga 2:45pm.  Muli  - Bon Voyage Evot and Safe Trip.

Good Luck and Bon Voyage Evot


Nanay and Tiyang pose for a picture while waiting for lunch to start.  Lunch started at 12:15, pero sila Tiyang maaga pa lang dumating na,




PB Girls



PB Boys



Nice na makita na nakaka-attend na ulit si Ditse ng party.  At parang wala na talaga siyang sakit.  Ibig sabihin ba nito tuloy na Bday ni Tito Jim?  hehehe






RapRap playfully shows his t-shirt design



Of course Tita Vangie was there


Tito Jim with his energetic speech



Friday, June 18, 2010

Di mag-ce-celebrate

Almost 30 pala kami sa PB na di mag-ce-celebrate ng Father's Day - mga wala ng Tatay kung baga.  So huwag malungkot dahil di tayo nag-iisa.  At pasasaan ba't mas dadami pa tayo kesa sa mga nag-ce-celebrate na yan.  Mwa hahaha. 

Golden Party Theme

sabi ni Tito Jim: 
ano naman gagawin kong theme?! inunahan na ko ni tetes sa hawaiian , si edet naman nag pa masquerade party na rin sa sopitel , si ia naman oldies party at ice cream party , si jorge naman pizza party , oh di ba ,iba naman ako ,

Don't worry Tito Jim, sobrang daming theme na puwedeng pagpilian.  Saka baka di rin bagay sa iyo ang Hawaiian at masquerade na yan.  So tutulungan ka namin maghanap ng theme, di ba mga PB?


1.  Puwedeng country theme - like Hawaiian.  Pero since nanggaling ka dati sa Bahrain - baka gusto mong middle-eastern theme.  Parang Arabian?  Astig yun sa costume.
- Merong 150+ sa mundo, puwede kang mamili isa sa mga yun
- Huwag lang syempreng Japanese dahil nagawa na yon.  Chinese ata parang di bagay hehe

2.  Pambata theme.  Katulad ng mga na-suggest na nga.  Puwedeng Circus theme. 
- Nagawa na kasi natin Ice Cream Party. 
- Jollibee/McDo party?

3. Fantasy/Movie Theme?
- Star Wars, Star Trek, Harry Potter?  Lord of the Rings?
- Ano ba favorite mong movie Tito Jim?

4.  Back to the 60's
- Kasi nga 50th birthday

5.  Poker Party?  hehe.

June Bride

Si Lola Maam ay June bride.  She got married on June 25 in the early 70's.  Alam ko si Tita Bhogs din ay June Bride getting married on June, 1986.  May na-miss pa ba tayong June bride sa PB?

Ang concept ng June bride ay nag-originate sa England.  Dahil June nga ay Summer doon.  So mas practical na ikasal as panahon ng tag-init kesa naman sa Winter di ba.  Kaya di talaga sa Pilipinas nag-originate ang June bride na yan.  Kasi naman di ba, pag June sa Pilipinas, simula na ng tag-ulan, simula na rin ng mega-traffic dahil sa pasukan.

Sa Pilipinas, ang wedding month ay hindi na June.  Ito ay December.  2nd place ay January.  Nagsimula itong mabago nung kalagitnaan ng 1990s.  So talaga palang nagbabago ang mga tradition na yan. 

Family earning 2.4Million Year - You're Rich!

Family earning at least P2.4M/year? You’re rich!


WHILE GAINS in poverty alleviation may have been achieved, a government-sponsored profile shows much still needs to be done to bridge the income gap among Filipinos.


(article from BUsiness World online 16June 2010)

"How rich is rich?" asked Romulo A. Virola, secretary-general of the National Statistical Coordination Board (NSCB), in an article posted on the agency’s website yesterday.


NSCB computations using the Family Income and Expenditure Surveys (FIES) and other indicators, he said, showed that as of 2010 a family would be classified as rich if it is earning at least P199,927 a month or P2,393,126 per year.


The amount is higher than the 2006 threshold of at least P166,673 a month or P2 million annually.


Mr. Virola said that as of 2006, the rich comprised just 0.1%, or 19,738 families, of the estimated 17,403,483 households nationwide.


Their ranks, he added, have been dwindling "from 0.3% in 2000 (51,160 families) and 0.2% in 2003 (25,849 families)."

Mr. Virola said this decline "would not have been so bad" if it had led to more middle-income families -- defined as earning from P294,296 to P2,393,125 annually. Instead, those in the low-income class -- earning less than P294,296 per year -- consistently expanded.


As a proportion of all families, the middle class comprised 19.1% as of 2006, down from 19.9% in 2003 and 22.7% in 2000. Over the same period, low-income families increased to 80.8% from 79.9% and 77%.

Mr. Virola said family spending across all classes had increased faster than their average income but the growth pace for the rich had decelerated -- to 18% between 2003 and 2006 from 23% for the 2000-2003 period -- while that for the middle- and low-income classes increased.

For the rich, their average monthly income was at P235,155 as of 2010 from P194,965 in 2006. Their average monthly expenditure was said to be P137,542, up from P114,035 three years earlier, of which P116,141 comprised basic needs such as food, fuel/light/water, and clothing.


The average 2010 monthly income for the middle class was said to be P36,934 compared to an average monthly expenditure of P29,767 (P26,479 for basic needs). For the lower-income class this was at P9,061 versus P8,345 (P7,717 for basic needs).

Limiting the analysis to 2006 and below data, Mr. Virola said the income difference between the rich and the rest of society has been narrowing, to just 6.4 times that of the middle class and 26 times for the lower-income class from 7.2 times and 36.7 times, respectively, three years earlier.


With respect to the rich’s saving pattern, Mr. Virola said their savings ratio fell to 47% in 2006 from 50% in 2003, compared to a stable 20% for the middle-income class and 2%, from 4%, for lower-income families.

"We do not know how it feels to save close to 50% of our income, but let us try to look more closely on how rich families spend," he said.


In 2006, high income families spent 75% of their total expenditures on basic needs, compared to 85% and 90%, respectively, for middle- and low-income families. Of total expenditures, the rich spent 30% on food, compared to 40% and 60%, respectively, for the middle- and low-income classes.

The top four basic expenditure items as of 2006 were food, rent/rental value of dwelling units, transportation and communication, and fuel/light/water.


For non-basic spending, the top three were special family occasions, other expenditures such as insurance premiums, and payments on loans and durable furnishings. Taxes rounded up the top four for both the rich and middle-income families while for the poor it was tobacco.

Mr. Virola noted that while the proportionate share of the rich’s expenditures that went to taxes was high, the median amounts paid were low: P21,634 in 2006, P75,226 in 2003 and P56,182 in 2000.


"This low median amount of taxes paid indicates a low level of tax collection from the high-income class. Indeed, managing the budget deficit may be better addressed through more effective implementation of existing tax laws than by imposing new ones," he said.


But the NSCB chief also noted that in 2006, the rich spent significantly more, or P2,800 monthly, on gifts and contributions, from just P1,300 in 2003 and P767 in 2000.


"[I]f the rich families sampled in the FIES will give a tenth of their savings towards poverty reduction, the family with median savings among the rich would be able to deliver five families from poverty," Mr. Virola said.

The NSCB’s analysis, he said, found three predictors to be consistently significant for the high-income group:

household head working as corporate executive, manager, managing proprietor, supervisor, or official of government and special interest organizations;

owns at least three air conditioning units; and

owns at least three cars/vehicles.

"Sa mga naghahangad maging ‘June bride’ or ‘June bridegroom’ with a good catch, dapat alam nyo na kung sino ang hahanapin! (For those wanting to be a June bride or bridegroom with a good catch, you should now who to look for!)," Mr. Virola said.


Results of the 2009 FIES, he said, are being awaited so that the impact of the global financial crisis on families can be measured.

The full article is available on http://www.nscb.gov.ph.

Thursday, June 17, 2010

199,927

Nilabas kanina ng Business World ang article tungkol sa pagiging mayaman.  Sa Pilipinas daw, malalaman mo kung kabilang ka sa "rich" families, kung ang kita ng pamilya ay 2.4Million sa isang taon.  Na-compute ito ayon sa 4 tao sa pamilya.

Ang halaga nito sa bawat buwan ay 199,927 pesos.  So kung ang kita raw ng buong pamilya ninyo ay lagpas sa halagang yan(i-a-add lahat ng kita - maski suweldo o kita sa negosyo), maituturing na kayong "rich". 

Siyempre sa Pilipinas lang yan.  Iba naman kung asa ibang bansa ka.  At iyon nga 4 na tao sa pamilya.  Nung 2006, ang buwanang suweldo ng mga "rich" ay 166,673pesos.

Wednesday, June 16, 2010

Please explain

Regularly, I read 2 editorials:  Mareng Winnie's piece at the Inquirer and Business World and Conrado de Quiros's Where's the Rub at the Inquirer.

Eto ang sabi ni De Quiros today:

"You may reconcile with enmity, you may not reconcile with iniquity."

Wow!  na-gest ninyo?  PLease explain.



Eto ang contex:
The principle is not to reconcile with enemies, it is to reconcile with principled enemies. There is a difference. Noynoy himself already showed his capacity to discern it during the campaign with a senatorial roster that included Danilo Lim and Riza Hontiveros. Lim was a leading figure in the coups against Cory, while Hontiveros was, and is, an activist and proud to be so. These are people you can, and ought to, unite with. The same senatorial roster did not include Bongbong Marcos and Jinggoy Estrada, beneficiaries of wrongdoing who have yet to show acts of contrition and penance.

3-All

With Laker's win today, the series is now tied 3-3.  Sa LA pa rin ang court for Game 7, bale sa Friday morning Manila time.  Nangyari na syempre ang Game 7 sa NBA dati, di nga lang ganun kadalas.

- Huling Game 7 ay nangyari nung 2005.  Tinalo ng Spurs ang Pistons

- 12 beses ng naglalaro sa Finals ang LA/Minneapolis Lakers vs. Boston Celtics

- Huli silang naglaban sa Finals nun lang 2008.  Pero umabot lang sa Game 6, nanalo ang Celtics 4-2.

- Eto ang ika-limang Game 7 sa Finals between Lakers-Celtics.  Lahat ng beses, Celtics ang nag-kampeon.

- Huling beses naglaban ang Lakers-Celtics sa Finals na umabot ng Game 7 ay nung 1984.  Eto ang taon na naging global ang reach ng NBA.  Kasi nga Johnson-Bird match-up.  Panalo Lakers Game 1, at muntik na ang Game 2, but a crucial steal in Game 2 by Gerald Henderson led to a tie game and the Celtics were able to win in overtime to tie the series. Panalo Lakers Game 3.   Celtics Game 4.  So tabla na 2–2.  Panalo Lakers ulit, tapos Celtics.  So 3-3 na.  Sobrang higpit ng laban pero nanalo ang Celtics at naging 198 Champs.

- Nung regular season series, 2 beses nagharap ang Boston at LA.  Nung January, ginawa ang game sa Boston, panalo ang Lakers 90-89.  Nung February, ginawa ang game sa Staples, panalo ang Boston 87-86.  So para sa season na ito meron silang record na 5-5.  Sobrang dikit.
 
So Lakers ba kayo o Celtics sa Game 7?

Simple

Malamang nasabi na natin sa sarili na gusto natin ay simpleng buhay.  Simpleng pamumuhay simpleng pangarap.  Ano nga ba ang ibig sabihin ng simpleng buhay?  Pag may kotse ka ba hindi na simple ang buhay?  Kasi iisipin mo na ang pang-gas, baterya, aircon at frion, at ang brake pad.  Nagiging kumplekado ang buhay - di na simple.

May kinalaman ata ang pagiging simple sa pagiging mayaman o di mayaman.  Habang yumayaman, mas nagiging kumplekado ang buhay.  Sure yan.  Pero, ang ibig sabihin ba nito ay mas konti ang problema ng mga hindi mayayaman?  Parang hindi rin.

Hindi kaya sinasabi lang natin na gusto natin ng simpleng buhay, pero sa totoo ay gusto nating maging mayaman talaga?  Bakit ka nag-o-opisina hanggang gabi, minsan nag-mee-meeting maski Sabado at Linggo?  Bakit ka merong bagong tanggap na rush, na alam mong uumagahin sa pagtapos para umunlad ang negosyo? 

Which leads us to the main topic of this post?  Di ko na talaga maibalik ang dating format ng blog =(.  Tapos pinili ko na lang ang "simple" template.  Parang mas madaling magbasa - at wala masyadong complikasyon.  For now, simple muna.

Tuesday, June 15, 2010

Should a parent meddle in his child's personal affairs?

Korek! Pati mga ganitong column binabasa ko.  So maski horoscope, recipe di pinapalagpas.  Here is an interesting letter from a mother, and a more interesting answer from Emily Marcelo who has a regular column at Inquirer. 

Do you agree?

****************************************

DEAR EMILY,


I have a daughter who just turned 20 years old. She has a boyfriend she met in high school. They’ve been going steady for five years. I can’t help but feel that my daughter will end up with this boy permanently.

I have reservations about this boy and his family. He is an only child whose parents never required him to get a college degree. I know families with more children and more impoverished background whose goal is to get their kids into college. This says a lot about the kind of parents this boy has.

Though he is currently employed, I hear that he has no savings. I can only guess that he has no plans to get a college degree or has a direction in life.

Should I talk to my daughter about my concerns, specifically their plans in life—together and individually?

I want my children to live full lives and, as a parent, guide them to the right path, though in the end, the choices are still theirs to make.

—H

*********************************************
(here is Emily's reply)
Let me preface my reply to you by quoting a portion of a poem by the poet Kahlil Gibran:

Your children are not your children.

They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.

They come through you but not from you,

And though they are with you yet they belong not to you.

You may give them your love but not your thoughts,

For they have their own thoughts.

You may house their bodies but not their souls,

For their souls dwell in the house of tomorrow,

which you cannot visit, not even in your dreams.


What parent wouldn’t want the best for his kids? As in everything—you can talk to them till you grow feathers— but in the end, children will only listen to their own drummer. They know everything—and nothing. It is only when they get knocked down, so to speak, get bruised or beaten and feel the actual pain—will they grow up and wisen up.

Be the quiet shoulder your daughter can weep on when she needs it. Whisper subtle whiffs of wisdom to her. Tell her snippets of real life stories without pontificating, sounding heavy, judgmental, or knowing it all. That’ll be a bummer! Let her percolate these ideas in her mind. Besides, aren’t parents themselves just students in this continuing education of life?

Allow your daughter to flap her wings and test the winds to freedom. Be there when she fails, and soar with her when she succeeds. She’ll learn how to live life her own way. All your admonitions, your wisdom, your courage will eventually jell in her being, if and when the time she needs them comes— not before.

Balita galing sa Poker Party

1)  Marami na palang estudyante ang pumasok last week.  Which includes Gab who now stays at the Dorm - kasi nga naman ang layo ng Los Banos sa Quezon City (Pisay).

Classmate nga ni Gab ang anak ni Viel (iyong sister nila Noynoy at Kris Aquino) - sosyal!

2)  Nagpa-alala si Evot about his despedida party on Sunday, June 20.  Sa Bacci Restaurant in Makati (please see previous post).  Sabi ni Tito Jim may i-a-announce daw siya. 

Si Evot pala ay nag-punta na ng embassy last week.  Pero meron mga papeles na kailangang asikasuhin.  Ang target departure ay June 22 - 1 week na lang.

3) Sino sa PB ang merong bagong sasakyan?  Parang every 6 months, merong bumibili ng bagong sasakyan sa PB ha.  Ang bagong sasakyan ay ang guwapong-guwapo na Toyota Fortuner.  Alam nyo kung kanino ito?  =).

4) PB = Laker's Fans.  Except Tito Ido, lahat pala ng mga taga-PB ay supporter ng Lakers.  Surprising.  Si Par ay maka-Laker's pero ayaw daw niya kay Odom.

I guess si Tito Ido lang ang masaya sa 3-2 today hehe.

5) Hindi na nakasama, matsitsismis pa.  Bumili raw ng bagong "building" si Pres. JayE - ginagawa kasi niya itong bodega para sa kagamitan niya sa negosyo.  Naglipat siya nung weekend kaya di siya nakasama sa Poker Party.

6) Ayon sa mga kasama sa bahay ng Domingo, sino sa 3 sisters ang pinaka-maganda?  Karen, Camae or Kathleen?

In, Un, Out, Up

Parang salitang 70's at Jejemon nagbabago talaga ang Language.  Nagiging modern ang English at Tagalog.  Di ba nga ang "tweet" ay official word na sa English Dictionary.  Pati nga ang "boondocks" na ibig sabihin ay "mountain" ay nasa Dictionary na rin.

Nag-evolve na rin ang mga gamit na salita lalo na sa Ingles, tignan natin ha.

1)  Tuck-in for example  "Tuck-in mo ng ang t-shirt mo"
Di na po uso ngayon yan.  Ang term ay "Tuck" na lang.  Pag sinabi mo kasing tuck, talaga namang ibig sabihin nun ay "in". 

Tamang Gamit: "Tuck mo ang t-shirt mo".  Kapag aalisin mo ang pagka-tuck ng t-shirt ang tawag ay "Untuck", hindi na po tuck-out.

2) Stand-up for ex "Stand-up when you recite in class"

Tamang gamit: "Stand when you recite in class."  Para rin yang "Sit" instead of "Sit down".  Laos na po yan.

Monday, June 14, 2010

Business

Karen texted last week:  tito suggest ka namn po ng mga gimik na puwede ko gawin sa resto para punthan ng mga customer. kc ung iba nagaalangan pumasok ung iba nmn namumurahan sa pagkain eh naguguluhan ako.

Wala naman akong entrepreneural experience, at lalo na sa food business so tinanong ko na sila Tito Jorge, Tito Egay, Tito Jim - during the poker party.  Sila kasi ang may business e.

Sabi ni Tito Jorge, pumili ka nga raw ng target market mo.  Kasi nga mahirap talagang pagsabayin ang CLass A&B at D&E.  Sabi pa ni Tito Jorge, baka daw mas paboran mo ang A&B market, kasi nga maski konti customers mas mataas ang margin (o tubo).

Sabi rin ni Tito Jorge, mag-all-out marketing campaign ka this month.  Magpakalat ka ng mga flyers at mga posters.

Sabi naman ni Tito Egay, gumawa ka raw ng package meals.  Iyong meron ng ulam + rice + drinks at an affordable price. 

Silang dalawa lang ang nagbigay ng opinyon, kasi maaga silang natanggal sa Poker nung umaga hehe. 

Agree ako sa kanila.  Nagsasalita lang ako as a customer dahil wala naman akong experience sa business.  Pag naka-suot ako ng pang-office ayokong kumain sa mga murang restaurants.  Actually bawal din naman sa amin.  Pero example, kung weekend at naka-shorts puwedeng-puwedeng Tuding at Atoy's.  Gusto ko rin dun, 1x a month siguro - kasi sobrang taba ng pork chops nakakamatay.

Sabi ko rin sa iyo Karen, puwede kayong mag-imbento ng isang natatanging Specialty Dish.  Tulad nga ng porkchop ng Tuding's at ng mabalahibong tapa ng Rodic's (sabi ni Tito Jorge).  O kaya ng Binalot adobo - adobo nakabalot sa balat ng saging with Itlog na Pula.

Tingin ko dapat Pinoy ang specialty dish na ito.  Hindi puwedeng pasta, kasi di naman kayo Italian restaurant.  So isang matinding Ulam Pinoy na hahanap-hanapin ng mga customers dahil sa kakaibang lasa.

Comments pa po kayo ha para matulungan natin ang rising business ni Karen.

Sunday, June 13, 2010

Poker Party Contd.

The good thing - all of us won at least once.  Well, Tito One had to leave real early so he managed to play only 2 games, so exempted na siya.  Dumaan din kasi sila Tita Edith, kasama si Karen, Camae, Kathleen and of course KC.  At nag-meryenda kami ng pansit sama-sama.

Inabot pa kami ng dinner =), after 2 last games.  After dinner nag-kuwentuhan ng konti habang nag-ka-kape.  Umalis kami ng mga 8:45.

So another nice poker party!

 

Poker Party

We are already in Game 9 of the One Bday/Indepence Day Poker Party. 

Nandito kami kila Tito Egay sa Los Banos with:  Tiyong, Tito Par, Tito Jim, Tito Jorge, Tito Ido, BdayBoy Tito One, Evot and of course Tita Dang and Tito Egay.

Evot has won 3 times - winningest so far
Tito Jorge has won 2
Tito Egay has won 2
Tiyong has won once

Tito Ido has placed 2nd 3 times.  Tito Jim is 2nd place 2 times.  Kararating lang ni Tito One Game 9.

Pero parang panalo na rin kami sa lunch.  Inihaw na Tilapia, Sugpo at Alimango na may gulay.

Friday, June 11, 2010

Happy Birthday Tito One

June 12 is Tito One's 27th Birthday


Most awarded PB Male Performer and voted as one of the top as "pinakamabait na pinsan"  (take note pinsan ha hindi anak).  Happy Birthday Tito One.

Happy Birthday Ian

June 12 is Ivan Aaron Neil's 2nd Birthday.





May you grow up to be like your lolo Boyet =).  Except the hair, of course.

Di na mabalik sa dati

Di ba minsan may nasasabi tayong mga masasakit sa kapwa pag galit tayo o naiinis.  Di naman sinasadya.  Gusto mong bawiin pero too late na.  Nakasakit ka na at madalas matagal makalimutan.

Minsan, gusto mo namang mag-scientific experiment sa bahay.  Ano kayang mangyayari pag tinapat mo ang magnet sa TV?  Pagkatapos mong mapalo at masermonan dahil nagka-poknat ang isang parte ng TV mo, magsisisi ka na.  Di na mababalik sa dati.

Dati nilamas na saging, masaya ka na.  Pipila ka pa sa lola mo at makikipag-agawan sa mga pinsan mo para makakain.  Ngayon pa-hotel-hotel ka na lang, nasasarapan sa mga pagkaing gourmet at gawa ng mga kilalang chef.  Kakain ka pa kaya ng nilamas na saging?  Mababalik mo pa kaya ang dati?

Sabi ng BLOGGER, meron daw silang bagong template para mas maganda ang blog. Ginawa ko naman kasi ang ganda nga sa picture.  Anak ng tinapa!  Di ko na mabalik ang dating blog.  hahaha. 

Thursday, June 10, 2010

Sino si Jejomar Binay

Syempre alam na namin ni Diane ito, dahil parehas kami ng binoto for Vice-President e .  Eto si Binay, ayon sa inquirer timeline:


NOV. 11, 1942

Born in Paco, Manila.

Jejomar Cabauatan Binay studies at Philippine Normal College Training Department and at the University of the Philippines Preparatory High School. He earns a degree in political science and a Bachelor of Laws degree from UP.

1968
Passes the Bar exams.

He takes up a master’s degree in public administration at UP and masters of law at the University of Santo Tomas.


1970-1972
Teaches taxation and land reform at St. Catherine’s School of Nursing and Midwifery and management, political science and law at the Philippine College of Commerce.

Co-founds the Lupon ng mga Manananggol ng Bayan (Lumaban), a group of lawyers whose primary task is to extend legal assistance to students and workers arrested during demonstrations against the then Marcos regime.


1973
Detained about a year after martial law was imposed by the dictator Ferdinand Marcos on Sept. 21, 1972.

1985
Becomes vice chair of the lawyers’ group Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism Inc. (Mabini), which he helped found with other prominent human rights lawyers including former Sen. Rene Saguisag.



Feb. 27, 1986
Appointed officer in charge of the then municipality of Makati by President Corazon Aquino through then Local Government Secretary Aquilino Pimentel. He is Aquino’s first appointee in local government.



April 8, 1986
Sworn in as acting mayor of Makati.


March 1987 to November 1987
Appointed by President Corazon Aquino as governor of the defunct Metro Manila Commission.


1988
Runs for Makati mayor and wins in the country’s first elections after the downfall of Marcos.



1992 and 1995
Reelected mayor of Makati.

1998
Appointed by then President Joseph Estrada as chair of the Metro Manila Development Authority with Cabinet rank.

And here is another interesting article from inquirer...
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100611-274985/How-Binay-did-it-Chiz-Mar-seniors-frat-brods

Wednesday, June 9, 2010

Indepence Day Poker Party

All-in tayo sa Sunday, June 13 for the June Poker Party @ Tito Egay's Los Banos residence.  OK ito kasi walang pasok sa June 14, Monday.

Tito Egay says to arrive early, as in 7am for breakfast!  haha.  Kasi daw pag dumating ng 9am merienda na yon, di na breakfast.  Actually, may sense naman.

So as courtesy to Tito Egay, can you please mention kung pupunta kayo at kung oras kayo dadating. Para maihanda na ni Tito Egay ang Bacon, Eggs and Bread (talagang nag-request pa). 

See you!

Tuesday, June 8, 2010

StarStruck

Pinakamagandang celebrity na nakita ko sa personal:  Mylene Dizon.  Sobrang ganda pala nun.  Maganda rin siya sa TV, pero mga 10x pala siya mas maganda sa personal.  Nakita ko na rin sila Heart, Kim, Angel, Katrina.  Di pa si Marian, siguro maganda rin yon sa personal.

Pag lunch kasi sa Greenbelt, daming artistang kumakain.  Kita namin si Maricel Soriano sa labas ng NuVo, nagyoyosi kasi siya e.  Flawless.  One time naman si John Lloyd nag-lunch sa Masas, grabe naman - naka-cap, naka-shades at naka-hood!  Di ko sure kung may trangkaso siya.  Pero sana di niya iniisip na pagkakaguluhan siya ng Greenbelt lunch crowd. 

Once, sa La Scala nakita namin si Madame Imelda Marcos.  Nun ko na-realize kung bakit nananalo pa siya sa eleksyon.  Grabe naman pala ang aura at dating niya sa personal.  Si GMA din na-meet ko nung umattend siya sa Independence Day celebrations ng inoy community sa France.  Ang galing magsalita.


Eto mga StarStruck moments ko, share nyo rin ang sa inyo:
1)  Paris, France. 2001
Nung asa Paris, lagi akong tumatakbo - lapit kasi sa bahay ko ang magandang park.  One time, pagkatapos kong tumakbo ng 5k, nag-CR ako sa McDonalds along ChampsElysees.  And guess what, nakita ko si  Cesar Montano!   Di naman star-struck pero shock!  Nalito nga ako kung asa Pilipinas nga ba ako.  Yun pala nanalo si Cesar ng Best Actor sa isang international awards.  Sinabi ko sa kasama ko at sinundan namin sila dahil hinahanap namin si Sunshine.  Andun nga si Sunshine - malaki nga talaga ang kanyang labi =).

2)  6750 Smoking Lounge, Makati 2004
Yosi break mga 6:30pm.  May nakisindi sa akin - wow si Jett Pangan.  E fans ako ng Dawn mula pa Grade School - so eto ang starstruck moment.  Natulala talaga ako at di ko halos naabot ang lighter. 

3) Manila, 2008
Pag professional meeting, dapat prepared.  And I was very prepared.  Mga 10 minutes na kong nakaupo sa napakalaking boardroom.  Dumating na siya.  Lucio Tan!  Mega Ultra Starstruck.  Tinanong nya ko ng - "do you think the call center location here is OK".  Wala akong naisagot for the first 10 seconds.   Alam nyo yung feeling na alam mo ang isasagot pero dahil sa kaba, takot at shock, ayaw lumabas?  Buti naman nasagot ko ang sagot niya.  At tinawag niya ako sa first name ko - close na kami!

Bagong iPhone

Matapos ng pag-release ng revolutionary iPad, maglalabas naman ang Apple ng bagong iPhone!  ang iPhone4 ay lalabas ng June 24.  Ang matindi dito, ang iPhone4 ay 9mm lang ang kapal, o ang nipis.  Wow!

Paano na ito, alin na bibilihin natin, iPad or iPhone4?


(galing sa CNN)

San Francisco, California (CNN) -- Apple CEO Steve Jobs on Monday introduced the newest version of the company's popular smartphone: iPhone 4.


"We think it's the biggest leap we've taken since the original iPhone," Jobs told an enthusiastic audience at the company's annual developers conference. "We're really proud of it."

The phone will come in two colors -- black and white -- and will go on sale June 24 in the United States and four other countries. It will cost $199 for 16GB of storage and $299 for 32GB.

Jobs said iPhone 4 will be "the thinnest smartphone on the planet" at 9.3 mm thick -- 24 percent thinner than the iPhone 3GS, the company's current model. It's been designed with a glass back and metal around the sides.

The device will have a front-facing camera for video conferencing, and the camera on the back will have an LED flash, Jobs said. The phone will have a 5 megapixel camera with a backside illuminated sensor, which he said is fairly new to smartphones. It also will have a 5X digital zoom.

Jobs drew perhaps his wildest cheers when he used the new phone to conduct a video chat with an Apple staffer using a feature he called FaceTime. The feature will work seamlessly between iPhone 4s anywhere there is a Wi-Fi connection, he said.

"This is our new baby," he said of the phone. "I hope you love it as much as we do."



(galing ang picture sa engadget. kung gustong makita ang pictures during the iPhone launch.  pumunta dito  http://www.engadget.com/2010/06/07/steve-jobs-live-from-wwdc-2010/)

Sunday, June 6, 2010

Quatro Marias

Sina Tita Ate, Sr. Vicky, Tita Edith, Tita Yet  laging magkakasama sa pictue nung 1980's.  Sabagay bukod sa TV, wala naman masyado magawa nun.  Cubao lang ang tambayan, at iilan lang ang sinehan e.  Wala namang Starbucks nun, kaya siguro sila pa-picture ng pa-picture.

Ang date sa likod ng picture ay June 6, 1984.  So ibig sabihin wala talagang okasyon.  Talagang nagpa-picture lang sila.  Bigla kong naisip, sayang wala silang picture na apat sila sa Palawan - makita sana natin ang before and after 26 years after =).

Minsan di naman nila sinasadyang magpa-picture.  Parang nagkataon lang.  Like this picture, taken in 1987 naman.

Saturday, June 5, 2010

Evot's Despedida Party

All set na pala for Evot's Despedida.  It will be at Bacci Ristorante Italiano.  11am, June 20, 2010
Ang Bacci Restaurant ay nasa ground floor - Unit 107,  Legaspi Towers 200, Paseo De Roxas, Makati 

 
 
 
 
Dahil Italianong resturant ito, eto ang kanilang mga specialties:
Yummy-metered Pizza like Eggplant Parmigiana, Quattro Formaggio, Baked Rigatoni with Italian Sausage, Eggplant Roll with Cappelini, and other menu like Risotto, Steaks and Salads.

Sabi sa multiply page nila "We use imported parma ham, fresh mushrooms etc. and we make our own dough, hand-made pasta, biscotti and chili sauce"

 
Paki-enlarge to see how to get to Bacci Ristorante Italiano in Makati

Thursday, June 3, 2010

25 Years Ago

Of course, di ko na matandaan lahat.  Pero 25 years ago buwan ng June, papasok ako ng High School sa Notre.  For sure may halong kaba at yabang.  Kasi di ba galing akong public school tapos pupunta ka sa exclusive school, e di naman ako kagalingan mag-English.  Tapos for sure puro mayaman classmate ko, e di naman kami mayaman nun. 

Ang status ni Aix sa Facebook:  "I miss the time when my biggest problem is deciding the color of a crayon".  Naka-relate ako dito ha.  Kasi ngayon ano ba yan, kelangan kong problemahin ang di ko problema.  Problema ng empleyado, problema ko.  Problema sa Oil Spill problema ko.  Problema sa strike sa France, problema ko.  Problema ng secretarya, problema ko rin.  Haaaay.

Nung makita ko ang PB Picture 25 years ago (June 1985 to be exact), e nawala ng konti ang mga problema ko.  hehe.  Tignan nyo naman kasi ang mga itsura nyo (sinadaya kong piliin yung wala ako syempre dahil yari na naman ako kay Ms. Eeeeeeeedith kung ganun).

Dumating si Tiyong from Saudi for the third time, so may handaan.  Lahat sobrang saya as you can see.  Sobrang simple ng buhay, sobrang simple din ng mga handa.  Syempre may problema ang mga tao nun, pero parang hindi halata.

So ano ba ang point nito?  Actually wala naman masyado, hehehe.  masaya lang tignan ang masayang picture at ang simpleng buhay.