Of course, di ko na matandaan lahat. Pero 25 years ago buwan ng June, papasok ako ng High School sa Notre. For sure may halong kaba at yabang. Kasi di ba galing akong public school tapos pupunta ka sa exclusive school, e di naman ako kagalingan mag-English. Tapos for sure puro mayaman classmate ko, e di naman kami mayaman nun.
Ang status ni Aix sa Facebook: "I miss the time when my biggest problem is deciding the color of a crayon". Naka-relate ako dito ha. Kasi ngayon ano ba yan, kelangan kong problemahin ang di ko problema. Problema ng empleyado, problema ko. Problema sa Oil Spill problema ko. Problema sa strike sa France, problema ko. Problema ng secretarya, problema ko rin. Haaaay.
Nung makita ko ang PB Picture 25 years ago (June 1985 to be exact), e nawala ng konti ang mga problema ko. hehe. Tignan nyo naman kasi ang mga itsura nyo (sinadaya kong piliin yung wala ako syempre dahil yari na naman ako kay Ms. Eeeeeeeedith kung ganun).
Dumating si Tiyong from Saudi for the third time, so may handaan. Lahat sobrang saya as you can see. Sobrang simple ng buhay, sobrang simple din ng mga handa. Syempre may problema ang mga tao nun, pero parang hindi halata.
So ano ba ang point nito? Actually wala naman masyado, hehehe. masaya lang tignan ang masayang picture at ang simpleng buhay.
6 comments:
Nice! And lahat talaga sa pic na to bigat todo ang saya! haha
Masaya talaga nun, esp everytime may uuwi from the middle east, hindi naman sa pasalubong but sa feeling lang na lahat excited talaga. Haha. Oh well sa pasalubong din -- lalo na pag walking/talking doll!
...ano kaya ang sinabi ng litratista para magawa nyang palabasin ang ipin ng lahat ng kasali sa picture na ito! lalo na si one at si egay,,,grabe ang ngisi nilang 2 na parang may inaasar...ha ha!
nakakamiss talaga...grabe ang ngisi ng lahat ng nasa picture, paputian ng ngipi...ha ha ha!!! feel na feel ung saya ng lahat...pati nga ung sumisingit sa picture, kita pa rin ung pagkangisi kahit halos di na sya makita sa litrato, hehehe!!!
ang galing talaga ng memory mo ido ,talagang masaya pag sama sama,...
tama ka nga ido. simpleng buhay, simpleng problema. ganun yata talaga eh. pero sa pb parang kahit may problema ang isa o kahit lahat may problema kayang itago pagmagkakasama. lahat masaya pa rin pagnagsama-sama. yun ang maganda sa atin. d ba nga si edet pag gusto niyang sumaya iniimbita tayong lahat lalol na si jim at jorge.hehehe
Bagong dental propy ako dyan, kaka-enroll lang kasi sa college! Nice teeth!!!
Post a Comment