Tuesday, August 24, 2010

Bakit?

Sa gitna ng mga masasaya at magagandang pangyayari sa ating Pamilya, bumulaga naman ang isang napakasamang balita para sa ating bansa.

Sana lang, di tayo husgahan bilang bansa at bilang mamamayan dahil sa insidenteng ito - kagagawan ng isang taong wala sa wastong pag-iisip.

Kung meron mang naipakita ang insidenteng ito - eto ang pagiging HINDI handa ng military para sa ganitong insidente.

Sobrang nakakalungkot at nakakapanghina ang nangyari. 

No comments: