Highlights:
1) Congratulations and kudos to the 3G Girls. OK ang choreography at ang performance nila ng Modern Hawaiian number. Kami'y impressed! Nagulat kami kay Alex na graceful sumaway. Of course the rest of the 3G girls alam na namin dati pa. Kasi after ata nung 7th Bday ni Karen, di natin sila nakitang sama-sama sumaway. It was a surprise, but a pleasant surprise.
Mahirap din kasi yung dance number, at alam nating konti lang ang practice nila. Good job Girls!
2) Show Must Go On for Leoben Unyoy. Maski na may sakit ang kanyang dancing partner, hataw pa rin si Unyoy at matapang sumayaw ng solo. Mahirap kaya yun at ang haba pa ng kanta - at ang complex pa ng steps. Mabuhay ka Unyoy!
3) Best in Hawaiian Costume. Congratulations to Ditse, Par, Kevin, Tita Edith and Karen. Very nice to look at them on stage. Kasi si Par and Kevin, parang terno ang damit. Si Tita Edith at Karen, parehong may shade of black and fuschia. Very nice. Congratulations!
4) Fashion Show. Iyong impromptu na pagrampa ng costume ay pumatok. As expected riot ang pagparada ng 1G at ng 2G Boys and Girls. Syempre magagaling at kuwela. Pero we were delighted sa pagrampa ng 3G Boys at 3Girls. Dahil matindi ang performances nila. Bigay na bigay talaga at feel na feel ang pagiging models.
So kung ang 2G rampa ay parang Comedy, at ang 1G rampa ay parang Pageant, ang 3G naging Serious na Fashion Show. Love it!
Ayoko na sabihin kung sino di sumali sa pag-rampa. Sabi ko na sa inyo tama si Alakdan, talagang mahiyain sila.
5) In Limbo. Dahil matagal ng naghihintay ang mga guests, naisip ni Tita Edith mag-pa Limbo Rock contest. Kasi nga naman guaranteed masaya yun. The winners were: Tito Eyan, Tito Ido, at guest na friend ni MM.
6) Speeches. Generally, OK ang mga speeches ng mga PB sa 18 Shots at 18 Pearls. Dahil ata maiiikli lang lahat ang mga pagsalita. Saka para atang mas naging natural this time, at di over-prepared. Lumabas ang mga personalities ng mga tao sa speech ano? Explain natin sa ibang separate post later.
No comments:
Post a Comment