Monday, August 30, 2010

PB Outing sa Tag-ulan: IN RETURN Day 2

Breakfast, marami rin.  Merong corned beef, Danggit, pusit, hotdog, eggs, at sinangag.  At syempre ang coffee-all-you-can nila Tito Jorge.  Morning, nagpa-games si Tita Yet at Tito Egay para sa mga kids.  Hapong-hapo ang mga bata matapos ng pool games.  Ang mga PB Boys ay nag-BlackJack, habang ang iba ay kumain at nagkuwentuhan.

Lunch was mostly KFC:  fried chicken, coleslaw, macaroni salad at syempre barbecue, igado, adobo at kaldereta.  Ay meron pa rin palang tinapa.  Dessert naman ay leche flan.

After lunch, nag-start na ang program.  Many thanks to Tita Yet para sa kanyang mga games - mga bago kasi, or at least yung di pa nalalaro ng PB. At ready talaga siya with all the props ha. Ang theme ng ibang games ay tribute to Tita Tetes - very nice.

1) ANIMAL GROUPING
Palabunutan naman, pero parang naka-lamang ang DUCK team - puro mga MAGULANG kasi sila e.  I mean most of them are parents ha =).  Si Kevin lang ata ang hindi.  Ang FROG team mostly teenager or feeling teenager(si Tito Egay yun).  Ang BIRD naman ay well... THUNDERBIRDs dahil asa kanila ang 2 Thunders.  Ang FISH naman ay well, parang mga isda - ang pinaka-tahimik na team.

2) TITA TETES TRIVIA TRIBUTE
Medyo naiskandalo ako sa isang tanong dito =).  Otherwise, it was a nice game.  For sure, marami sa 3G at 4G ang di masyadong may kakilala kay Tita Tetes, so OK ang larong ito.

3) NUMBER GAME
OK itong larong ito - kakaiba at bago.  Bago, at nalito pa nga kung paano laruin.  Pero it was a test of memory and team work.  Congrats sa FROG team for winning.

4) SONG LYRICS GAME
Dahil patok nung 70th Bday ni Lolipot, inulit ni Tita Edith ang game na ito.  Pero mas mahirap ngayon ha dahil ang kanta ay Que Sera Sera at Bakya mo Neneng. 

5) SWAK o LIGWAK
Again, unang beses itong nalaro sa PB.  Trivia contest with a twist.  Ang mga tanong e tungkol sa kung saan-saan - sa PB, sa science, religion, natural science, history, at sa kontrobersyal na MANUGANG hehehe.

Sa dulo, naungusan ng mga BIRDS ang FROG by just 1 point. Ang final score kasi ay:
BIRDS:  2,000,042 vs FROG: 2,000,041.  Grabe naman sa close fight nito.

Sino nga po ba ang members ng BIRDS team?

After the program/games, nag-pa-raffle si Tito Ido.  Ang mga contestants ay sina:  MM, Alex, Ia, Popoy at Tita Tetes.  Ewan nga ba kung masyadong mahirap ang raffle na ito, dahil sa 5 contestants e isa lang ang nag-uwi ng pera.  Congratulations to Alex for winning 20,000!  Siyempre hindi ano, 200 pesos lang, at sya na ang big winner ha.  Tsk tsk - baka di lang pang-balikbayan ang raffle na ito.  Bawi na lang po kayo next time.

After the raffle, nag-HIGH-SCHOOL-MUSICAL dance number si Rap at Leoben Unyoy.  Di ko sure kung sino sa kanila sa Zac.  After nun nag-dance showdown naman ang mga taga-PB.

Mga 4:15 uwian na!  Syempre matapos ng take-home =).  Ang nahakot ko ay Coke Light at ang aking peyborit na Pocky (thanks again Ia).  Ano nahakot ninyo?

Thank u ulit kay Tito Jim para sa kanyang IN RETURN idea.  Patok!

No comments: