Monday, August 30, 2010

Konting Aberya

6pm ng Monday, nakabalik na kami galing sa PB Outing sa Tag-ulan:  In-Return.  Wala namang masyadong traffic kasi.  Magulo lang as always sa bayan ng Calamba, pero pagkalagpas ayos naman.

Si Tito Jim ang unang nagbanggit na medyo may aberya itong outing na ito:

- Una, na-lock-out sila Tito Ayo sa Innova ni Tito Egay.  Hmmm di ko natsismis kung paano sila nakalabas, pero for sure may halong kaba at takot iyon ng biglang nag-lock mag-isa ang sasakyan.
- Next, na-flatan naman ng gulong ang sasakyan nila Tita Edith.  Sabagay ang flat tire ay di naman ganung kakaiba.  Pero naantala pa rin sila dahil nahinto pa sila sa may Silangan exit.
- Tapos aksidente namang nabasag ang isang salamin (?) ng kotse ni JayE - iyong bola kasi e
- Well, iyong bolang yun din ang nag-cause ng pagkadulas ng isang taga-PB/.

Tsk, tsk. Anupaman, nairaos ng masaya ang Outing.  Konting aberya, pero everybody (seemed to be) happy naman ata.

No comments: