Mga kasama ko sa table at ibang mga nakausap ay lubos ang papuri sa pagkain. Hizon's Catering ang naghanda ng pagkain. At pangalan pa lang ng mga pagkain e talaga namang matindi na.
Mahirap sa pagiging blogger, kelangan kong tikman lahat ng pagkain. Kung hindi kasi, ano ang i-blo-blog natin, hehe. So maski di ko favorite, o bawal sa akin, o di ko kadalasang kinakain - kelangan subukan. Eto sila:
Herb Crusted Fish-Fillet with Honey Wasabi Sauce
- ayos ba sa pangalan? Ang problema di po talaga ako mahilig sa fish fillet. Kaya di ako ang makakapagsabi kung ok ba ito. Kung ano pa man, kumain pa rin ako. Sabi ni Tita Yet, da best daw ito. Sabi ni Lola Maam, eto rin ang favorite niya.
Hawaiian Chicken Barbecue
- Paborito naman ito ng mga bata. Kasi nga merong pineapple ang chicken barbecue so medyo matamis ng konti.
Pasta
- Sinubukan ko ang Red Sauce with the Penne Pasta - Panalo!
- Sinubukan ko ang White Sauce with Linguini pasta - Mas Panalo! Partida, bawal pa sa akin ang white sauce dahil may gatas. Pero ayos talaga ito.
Soup
- Sinubukan ko ng konting-konti. Sabi kasi ni Ms. Server ay Chicken Soup with Cream Sauce. Di po talaga puwede sa akin ito. Nasubukan ninyo? OK ba?
Roast Pork with Raisin Apple Sauce
- Eto ang di ko na po na-carry sorry. Nasobrang tamis para sa akin. Pero for sure, panalo ito sa maraming bisita na gusto talaga ang malasang pagkain na medyo matamis.
Roast Beef
- May carving station pa po! And this is my personal favorite sa lahat ng mga dishes - naka-tatlong balik nga ako. Di rin ako usually kumakain na beef na medium o well done. Pero iba talaga ang lasa ng beef na ito. Malinamnam. Masarap talaga.
Dessert
- Favorite ng mga bata ay ang Marshmallows na pinaglaruan nila with Chocolate Fondue. Sinubukan ko rin at masarap nga.
- Ang personal favorite ay ang chococate mousse (yung may chocolate pretzel). Ang sarap talaga.
- Sabi ni Joshua, OK daw ang Almond Jelly
Overall, panalo ang pagkain! Nakitsismis ako at nalaman kung magkano per head ng buffet na yan...Kaya naman pala! =)
No comments:
Post a Comment