Sunday, August 15, 2010

Balikbayan Raffle

Unang pina-raffle ni Tita Tetes ang much coveted Lakers Jersey ni Kobe.  Pinangako na niya ito sa blog dati.  Pero kakaibang raffle ito ha, kasi maski matalo ka panalo ka parin.  Well except kay Kevin.  Ganito kasi, pag nabunot ang pangalan mo kaagad, pipili ka: toothpaste, sabon o  luncheon meat.  Minor prize naman ang kape.

Isang beses sabi ni Tita Tetes walang premyo ang mabubunot, actually si Par ang may pakana nun.  Tapos yun na nga si Kevin pa ang nabunot.  mwa hahaha.  Ako ang unang nabunot, kaya kape ang pinili ko.  Masarap na Nescafe.  Binili na kasi ng Nescafe ang Taster's Choice so eto iyong Rich Version ng Nescafe na dating Taster's Choice, peyborit ni Mommy.  Very nice.  Tenk yu ulit Tita Tetes.

And the winner of the jersey is none other than Tito Jorge.  Si Tito Jim ang second place. So napanalunan nya ang sabon, toothpaste and luncheon meat.  Tito Jorge was very happy.  Si Tito Jim?  Not sure. parang gusto nyang ipagpalit ang napanalunan sa kape hahaha.

2nd raffle - everybody is a contestant.  Jackpot prize ay Cabernet Sauvignon na White Wine + Chardonnay na Red Wine.  (Eto yung dalawang sosyal na wine sa listahan sa ibaba.)  Plus napakagandang lalagyan ng wine.  And the big winner was Lola Maam.  Yehey!  First time daw nyang manalo sa raffle ng 1st prize. 

Pero marami ang masaya.  For example,. si Tita Eyan puwede nang magfranchise ng kapehan.  Pano ba naman tatlong kape ang napanalunan nya.  Si Tito Egay naman 2ng toothpaste. 

Sobrang saya ng raffle na ito - lahat panalo!

In summary, napakasayang araw naman nito mega raffle, sarap ng food (thanks Tita Ate sa mga tatampal, hipon at  at sa lahat ng mga nagdala: Lolipot - Christian's roast pork, Lola Maam - menudo Nanay - chicken), birthday ni Lola Nanay, at siyempre ang pagbabalik ni Popoy at ni Tita Tetes.

No comments: