Saturday, August 14, 2010

Paano uminom ng Wine

Galing ito sa WineExpert.com.

Ang pinakamahal na alak na naibenta sa kasaysayan ay ang Dom Perignon. Naibento ito sa halagang 1,562.50 Pounds (sa UK kasi e).  Sa piso, bale lagpas ng 100,000 pesos!  Grabe, ano!  Ay teka nalimutan kong sabihin - isang glass lang iyon ha, hindi bote ha.

Kung di naman gaano kamahal ang alak, e di inumin, tunggain, o kung anumang gustong gawin.  Kung saan kaya masaya OK lang yan.  Pero kung iinom ng mamahaling wines, ganito raw ang paraan.

- Kung iinom ng White Wine, OK daw itong chilled.  Puwedeng itong i-chill, pero bawal i-freezer ha. 
- Bawal pong lagyan ng yelo ang mamahaling wine.  Hihimatayin po ang wine expert (sommelier), pag nilagyan nyo ng yelo ang mamahaling wine.
- Ang Red Wine naman ay "in-a-air" bago inumin.  Hahayaan mo raw huminga ang red wine, para mabuo ang flavor.  Kaya ilagay ang Red Wine sa canister o basong malaki ang bunganga.  Alug-alugin ang baso bago inumin.
- Ang baso ng Red Wine ay kadalasang malaki, iyong halos pasok ang ilong mo sa baso.  Sadya raw po iyon.

So anong wine ba ang OK?  Well depende raw.

Chardonnay - medyo mahal ang wine na ito. Masarap inumin habang kumakain.  Bagay na bagay sa Beef or Lamb, iyong mga pansosyal.

Sauvignon Blanc - pag kakain sa labas o al fresco.  Ito raw ang Da best inumin

Merlot - tinatawag na "light" ang wine na ito.  Sa bagay itong inumin habang nag-chi-chika, kasabay ng mga pica-pica.

Cabernet - OK habang kumakain ng mga nakakabusog na pagkain

Pinot Noir - pag nakalimutan kung anong wine ang dapat bilhin saan.  Safe bumili ng Pinot Noir - ang wine na all-around.

California/Napa or Australian Shiraz - kinokonsider na regular wines - puwedeng pang-araw-araw.

Anong taon ng wine ang OK?

Mahirap ang tanong na ito.  Kasi depende kung saang bansa ginawa, ibang taon ang OK.
- Pag gustong safe pumili ng wine na gawa nung 1990.  Buong mundo OK ang wine
- Pag galing sa France ang Red Wine, OK ang 1986, 1989, at 1990 nga.  Pag White Wine, OK ang 1989 at 1990 nga ulit.

Muli, kung saan ka masaya iyong ang best na paraan ng uminom ng wine.  Pero kung sakaling mapadpad sa hotel at iinom ng mamahaling wine - puwedeng sundin.

1 comment:

evot said...

pupuntahan namin ni cha kung saan ginagawa yung wine from Napa... magwine tasting at tour kami dun...
anong wine kadalasan ang iniinom sa PB parties?