Sa loob ng dalawang taon, meron tayong average na 4 na speeches - kasal, mga debut, Golden party at dagdagan mo pa ng Silver Wedding. Minsan mahuhuluan na natin kung paano at kung ano ba ang sasabihin ng mga PB.
Mahilig talaga akong mag-analyze ng speech, so tignan natin ha:
Lola Nanay - sa ngayon, bago pa lamang pumunta si Nanay sa stage para magsalita, alam nyo na dapat kung ano unang sasabihin nya. "Wala na akong masasabi pa". hehehe. Dati kasi nag-speech siya after ng mga iba so sinasabi niya na "Nasabi na nilang lahat, Wala na akong masasabi pa". Pero kagabi, una nga siyang nagsalita, ganun pa rin. hehehe.
Tito Jim - "Hello, Hello, Mike Test". Yan talaga ang una niyang sasabihin di ba? Sa Oasis Gardens, sa Sofitel, sa Rock Party, maski na sa Silver Wedding nya.
Tito Par - usually has the longest speech of the 2Gs =). Pero maikli ang speech niya kagabi ha.
Tita Yet - would quote. From the Bible, from a popular saying, from PB Blog etc. OK iyong sinabi nya kagabi na parang "Thank You MM for choosing to celebrate your bday here kesa sa Canada". Nice.
Tito Ido - halata pag di prepared. Pag di prepared ang simula ng speech niya ay "Meron lang akong 3 sasabihin sa iyo". Maski minsan 2 lang ang sinabi niya, minsan naman 4.
Tito Jorge - laging bago. Iba-iba talaga ang format ng speech niya. Minsan formal (Camae), minsan comedy (Evot's wedding). Takes risks kung baga. Madalas OK, minsan #^$^*^E#$^ MINTIS din. At least we are guaranteed na laging kakaiba.
Tita Edith - parang diesel. Sa simula mahinahon at malumanay. Pero habang tumagal grabe naman sa passion itong si Tita Edith sa pagsasalita - very strong na ang tone na medyo nanggigigil na. I guess ganyan talaga siya ka-passionate sa mga ginagawa niya - laging 150%.
Lola Maam - mukhang prepared na prepared everytime mag-speech ha. Remember the "Money, Armani" line sa debut ni Camae. At iyong "Modern/Classics" kagabi. Very nice. Paki-babaan lang po ng konti ng pitch ang boses, perfect na.
Tito Egay - would have a line in his speech introducing himself. Ex. (Evot's wedding) "almost 20 years na akong kasal" o kaya (Camae's Debut) "naka-2 debut na ako sa edad ko(or parang ganun)". Iyong kagabi, sabi niya "Malayo na ang aking narating... taga Los Banos kasi ako". Patok na patok sa audience.
I cannot comment on 3G speeches. Bihira lang kasi sila mag-speech e. And I don't think binibigyan din natin sila ng chance =(. Sa mga susunod na araw.
No comments:
Post a Comment