Friday, August 13, 2010

Boss at Teacher

May bumili sa tindahan ni Tita Rhoda sa Meycauyan.  At sa konting panahon na bumibili ang customer, nasabi pa nya kay Tita Rhoda na ako raw ay Terror na Boss.  hahaha.  Di ko ma-imagine kung paano ang eksena.  Baka ganito:  "Ate, pagbilhan nga po ng Coke at tinapay.  Oo nga po pala, ang pinsan ng asawa nyo na boss sa office namin ay Terror".  hahaha.

Pero strikto talaga ako.  Walang nangangahas na ma-late sa mga meetings ko. Paano ba naman, minsan sa meeting ko e na-late ang boss ko.  So napagalitan ko siya hehe.  Simula nun, wala ng na-late sa meetings ko.  Di ko ma-gets kung bakit ka ma-la-late sa meeting.

Naalala ko din nung College.  Meron kaming teacher sa Math na sobrang bait.  Pero naman grabe sa kuripot magbigay ng grades.  Sa kabilang banda, meron naman kaming teacher na sobrang terror.  Pero pag OK ka, nagbibigay talaga siya ng 1.0 na grade.  So minsan mahirap masabi.  Gusto mo ba ng terror ng teacher pero puwede kang maka-kuha ng mataas grade.  O teacher na mabait, pero 2.0 na ang pinakamataas niyang binibigay?

Mas OK ba ang boss na mabait, pero i-isa o dalawa lang kung mag-promote, at kuripot pang mag-increase?  O iyong terror, pero maramihan namang mag-promote at mataas ang increase?

No comments: