Monday, August 2, 2010

May Pinagdaraanan

Pagkatapos ng binyag ni Chanel, nagkita-kita ang PB sa Santan.  Nung araw na iyon kasi bday rin ni Tita Vangie, so nagluto sila nila Tiyang ng merienda.  Habang naghihintay ng pagkain, eto na po, nag-birahan na naman ang mga walang magawa. 

Para sa mga PB na wala sa Santan, at para sa di napakinggan, let us summarize.

1)  HAPPY SI TITO JIM
2 linggo na ang nakakalipas masaya pa rin si Tito Jim.  Well, kasi may nakita kong nag-aabot pa sa kanya =).  Nice one!

2)  DITSENG BETE
Kelangan ninyong makita sa picture ang Ninang Outfit ni Tita Yet.  Nagsimula si Tita Edith ng pagtawag ng katekista at ispiritista kay Tita Yet.  Nung malaunan, aba naging Ditseng Bete naman.  Kasi raw, ganun din ang sinusuot ni Ditseng Bete tuwing may okasyon. =).

3) MESSAGE in A BOTTLE
Nagbigay na rin si MM ng official invitation para sa kanyang debut.  Sosyal naman.  Inexplain din niya ang ibig sabihin ng 18 Pearls at 18 Shots.

4)  AUG 15
Ramdam na ramdam ang excitement ng PB sa nalalapit na PB meeting.  Inutusan nga ako ni Tito Jim na gumawa ng sistema.  Hmmm, bakit kelangan pa ng sistema?  Hanggang maalala ko ang itsura natin 3 years ago.  Naalala ninyo?  Iyong nag-aagawan tayo ng sabon at toothpaste na asa lamesa.  Mwahahaha.  Nakakahiya talaga.  So tama nga talaga si Tito Jim at kelangang ng sistema.  Isip nga tayo para di naman tayo mukhang patay gutom. 

5) MAY PINAGDARAANAN
Si Tita Yet ang may pauso nito.  Ang intindi ko, eto raw ang sagot sa mga bagay na mahirap sagutin at di kayang ipaliwanag.  For example, bakit di sya naka-costume?  Ah, baka may pinagdaraanan.  Asan siya?  Ah, may pinagdaraanan!

Medyo nahihirapan akong explain ang mga pinagsasabi nila Tita Yet at Ate Edith.    Wala po akong lakas na ulitin dito, i-replay na lang sana nila live next time.   Parang natatakot akong sabihin sa blog, hahaha.  Baka po may pinag-daraanan lang ako =).

No comments: