Sunday, August 15, 2010

Kuwento with Tita Tetes

Maski overwhelming ang pasalubong at ang raffle, at maski aligaga ako sa pag-Computer, naka-kuwentuhan ko pa naman si Tita Tetes. 

1)  Simula pala nung napunta siya sa Canada, sa Spanxx na siya nagtrabaho.  Di maipaliwanag ang reaksyon ni Tita Dang nung marinig ito.  Parang fans pala siya ng Spanxx.  Ang akala raw nya ang Caregiver si Tita Tetes sa Canada.  Halos himatayin si Tita Edith nung marinig ito.  Walang masama sa caregiver, pero di talaga yun trabaho ni Tita Tetes.

2)  Last time umuwi ni Tita Tetes ay nung 2007. Di ba nga nung 2007 tayo nag-agawan ng sabon at toothpaste.  Si Popoy umuwi last year for Nanays 75th bday..  Si MM at Alex first time umuwi simula nung umalis sila. 

3) Di pa pala sila Canadian Citizens.  Green card holders kung baga.  So Pinoy pa rin ang passports nila.  Hinihintay daw ni Tita Tetes ang mga bata, para sabay-sabay na silang magiging Canadians.

O ayan ha, di lang ako basta naaligaga sa ginataang bilo-bilo at di lang namunini sa mga pasalubong at paraffle - may chicka rin. 

No comments: