Monday, August 30, 2010

PB Outing sa Tag-Ulan: IN RETURN Day 1

Sila Tito Jim and JayE ang mga nauna sa Terrazas de Alyssa.  Parang around 5pm pa lang ay andun na sila.  This time, relatively maaga dumating ang mga PB.  Nung bandang 8pm kasi, kumpleto na ang cast.  Merong mga di nakasama sa outing, pero ganunpaman 44 pa rin ang nag-outing.

Ang dinner ay potluck at ang daming pagkain!  Merong Igado, Barbecue, Chooks-to-Go chicken, Tinapa, Itlog-na-maalat-with-mangga-kamatis, Kaldereta.  At meron pa kong nakalimutan for sure. 

As always, bottomless softdrinks from Tito Egay.  At bottomless coffee from Tito Jorge.  Senti din ang isa pang drink - kasi eto ang Sago't Gulaman courtesy of Tita Tetes =).  This time ala-berde buong magdamag.

Si Par naman ay nagdala ng sari-sari store.  Kaya buong gabi hanggang umaga ay may chi-chirya. 

After dinner, kanya-kanya ng gimik ang PB.  Ang mga kids ay nag-swimming, ang mga PB Boys ay nag-poker (everybody won, pero si Tito Jorge ang big winner), ang PB girls (Lola Maam, Tita Ate, TIta Dang, Tita Yet and Tita Tetes) ay nag-mahjong.  Merong nag-videoke.  Merong nag-online games.  Konti lang ang maagang natulog.  Sa katunayan ang mga Pokeristas inabot ng 4am.  Mas matindi, ang mga mahjongista ay mas inumaga pa.  Mga bandang 5am - kumakanta pa si Rap-Rap at Leoben Unyoy.

No comments: