Sunday, August 15, 2010

IN RETURN: PB Outing sa Tag-Ulan

Habang aligaga ako sa ka-adikan sa paglalaro ng Plants vs. Zombie, napagkaisahan pala ng PB na mag-outing sa Aug 29-30. DI ba holiday ang Monday? 

Sabi ni Tito Jim, IN RETURN nga raw ito sa ka-generousan ni Tita Tetes, so mag-ou-outing ang PB.  Actually gusto raw pala talaga ni Alex ang magswimming, so perfect timing.

Maghahanap pa si Tito Egay ng possible venue sa LB.  OK sigurong mag-outing sa Pansol ng tag-ulan =).  Sana walang traffic. 

KKB po itong outing na ito.  Tulad ng nakagawian, i-di-dibay-dibay ang gastos sa mga kasama.  Pero kung meron mang gustong mag-volunteer, e di rin po tatanggi ang PB.  Eto po ang mga na-fo-foresee na gastos:

Place Rental - around 18,000
Dinner
Midnight Snacks
Games
Breakfast
Merienda
Lunch
Chichirya

Di ko na maalala kung magkano ang contribution natin nung last outing.  Pero yun na nga may sumagot kasi nun ng lunch, tapos potluck nga ang dinner.  So parang 500 lang nga ata ang nagastos per person.  Di ko sure ha. 

So merong tayong 2 linggo para mag-ipon.  Go Go go na ito!

No comments: