Sa unang pagkakataon nagpa-Binyag din sa wakas ang Soriano family =). Maraming maraming sa lahat ng mga pumunta, dahil malamang ito na ang una at huling pagpapabinyag ng pamilyang ito. Mwa ahahhaha.
Nakarating kami ng Santan mga 9:45am. Di na ko nakasama sa Simbahan, kasi di naman ako Ninong. At medyo mahirap kasi ang sasakayan. So nagsakripisyo na lang ako para makasakay ang iba =). Habang nag-co-computer, aba may libreng almusal pala ako. Masarap na puto at masarap na juice =). Thanks Aix!
Mga 11:40 ay umalis na kami papuntang Shakey's Valenzuela. First time kong makapunta ng Valenzuela after mga 7 years siguro, dami ng magandang pagbabago.
Merong mga nakakain na kaagad katulad nila Tiyong at Tito Jorge (kelangan pa talaga sabihin), pero meron ding nahuli ang pag-serve. Medyo complex naman kasi ang pagkain, dahil bukod sa meron ng soup, meron pang salad, spaghetti, chicken, pizza, mojo potatoes at butterscotch dessert. Super Platter naman pala ito sa dami.
Nag-speech si Tito Ayo to welcome the guests. Ilang sandali lang, nagsimula na rin ang maikling programa. Nagpa-games si Tito Ayo at Tita Che-Che ng mga games. Syempre BABY ang theme, kay yun din ang palaro.
Para sa 1st game, ang mga contestants ay sina JayE-Shiela, Tito Edang-Tita Ana, Tiyong-Tiyang, Tito Egay-Tita Dang and Tito Jimmy-Tita Vangie. Patok itong game na ito! Kasi papadedehen pala ni misis si mister ng Iced Tea gamit ang bote ng dede ng bata - with matching tsupon siyempre. Akala ng marami ay sina JayE at Shiela ang mananalo, dahil sila ang nangunguna. Pero biglang bigla na nag-come from behind victory si Tito Egay at Tita Dang. At sila nga ang nanalo. Congratulations sa inyo!
Ang second game ay para sa teens. Huhulaan ang baby ng mga animals. Abangan ang picture from Last Sunday's binyag.
Next PB na pagkikita - sa Sunday ulit! Alabang naman.
No comments:
Post a Comment