Sunday, August 15, 2010

Namumugaga

yan ata ang tamang term sa naganap na gift-giving, Linggo Aug 15.  Pambihira naman ang pasalubong na ito, kakaiba.  Parang pinamigay ni Tita Tetes ang kinita niya sa luob ng isang taon.

Personally, sobrang saya ko sa aking natanggap.  Sosyal talaga ang money clip na yun. Salamat TIta Tetes.  Marami rin naman ang lubos na nasiyahan sa kanilang natanggap.  Si Lola Maam ay tuwang-tuwa sa kanyang mga bags, at syempre lalo na sa kanyang Crab Tree and Evelyn, sabon pa lang perlas na.  Si Ditse rin ay masayang masaya sa kanyang Bulgari na pabango.  Si Tita Siony rin daw.  Pati mga 3G teens at mga batang 3G at 4G ay sobrang natuwa sa pasalubong nila.  Si TIto Egay at Tita Dang, siguradong gusto ng laging umulan para maisuot ang kanilang matching GAP na hoodies.

Panalo din ang pasalubong ni JayE, Crocs ba naman.  Tapos yung kay Tito Par naman ay pang-artistang jacket. Exag naman ang natanggap ni Tita Ate, mga bags ha, as in emphasis on the plural.  Kay Tita Eyan din naman ay Guess bag din, lalagyan pa lang ng bag, wagi na.  Kakaiba naman ang natanggap ni Lolipot at Tito Jorge. Nainggit ako sa regalo para kay Ian at Anton, favorite ko ang truck-truckan at mga crayola. Tuwa rin si Tehya sa kanyang Barbie Doll + Disney sandals, at si KC sa kanyang purple skinny + Disney sandals.  Pormatic ang Hollister polo ni Tito One at ni Tiyong.

Totoo po, lahat talaga merong pasalubong, mula 1G hanggang 4G, mula kay Ditse hanggang kay Chanel.  Matindi po talaga.

Sa kabila ng mga labis na kasiyahan, kapansin-pansin talaga ang pagmumukha ni Tita Yet at ni Tito Jim.  (Abangan ang pictures).  Si Tita Yet muna ha.  Nung una, parang OK-OK lang siya sa natanggap na punda ng unan, at nakikipagbiruan pa.  Pero nung makita nya ang mga regalo ng iba, dun na po nagsimulang umasim ang kanyang pagmumukha.  Di na rin sya masyadong nakapagsalita at lalo na siyang naging Sinigang na Ampalaya...  Alam nyo na maasim na mapait pa.

Kaya naman nung natanggap nya ang Bonggang Tommy Hilfiger na bag, talaga namang napahalik pa siya kay TIta Tetes at mega pasalamat.  hahaha.

Si Tito Jim naman e di talaga matatago ang expression sa mukha.  Sabagay sya naman talaga ang pinaka-excited sa buong PB, tapos e screwdriver pala matatanggap nya, haha.  Pero di naman pala screwdriver lang =).  Halata rin na gustong-gusto nya ang pangalawang regalo nya.

As for Tita Edith, what can we say?  You get what you asked for hehe.  Atchaka, ang dami naman kayang sosyal na tuwalya nun at may tsinelas pa.  Panalo pa rin.

Once again, maraming maraming salamat Tita Tetes sa iyong grand homecoming pasalubong.

5 comments:

Evot said...

Wow!!! Inggit ako...hehe
Sosyal ang mga pasalubong!!!

che said...

Wow!!!

Thank you thank you pala sa book Tita Tetes! :D

ayosiony said...

thank you sa "MGA" gifts tita Tetes!

MGA = Magara Ganda Andami

chanel said...

tentyu po Nang Tetet

tito jim said...

maraming salamat tita tetes, in behalf of my family ,kay popoy salamat sa aking anaanak at naalala mo pa b-day ko better late than never, many thanks uli !!!