Tuesday, August 10, 2010

Chanel's Binyag - Story via Fashion

Di ito best-dressed-list ha, bale kuwento lang tungkol sa mga kasuotan ng mga tao - na naging topic during the binyag.  Saka lunch time naman ito sa Valenzuela tapos binyag, so wag na tayong mag-best-dressed list at mang-okray, sa debut na lang ni MM =).

Pero eto ang mga storya sa paraan ng pananamit =).

Black Shoes. Sabi ni Tito Jim, si Chanel ang kanyang pangatlong inaanak sa PB.  So talagang nag-porma siya:  Polo, black pants at black shoes.  Di ko lang tinignan kung puti ang medyas niya hehe.



Preparing for her debut?  Inaalaska ng mga taga-Santan si MM, pupunta raw ng graduation.  I thought it was completely fine, pupunta naman siya sa simbahan e.  so Nice


Santan Babies now Teens.  The Ninoy glasses shirt looks good on camera pala - on Kevin.  Together with Kevin are our well-dressed ka-PBs.  Syempre naman malaki na sila ano, e ang laki na rin ni Kevin.  This is Jason and Elaine, mga anak ni Tito Edang at Tita Ana.


Bulgarisilog.  Marunong palang magkarga talaga ng baby si Karen =).  Sabi ko kay Karen, "pambihira naman, nagtitinda lang ng Tapsilog, Bulgari pa ang hikaw.
Sabi ni Tiyong ang polo shirt ni Tito Ido raw ay 250 pesos.  hehehe
Andrei seemed very happy with another (and even better) Baby Baby performance


200 pesos.  Sabi ni Tiyong, ang shirt ni Egay ay worth 200 pesos=).  Tito Egay mas mahal 50 pesos ang polo ko! hehe


Navy Blue.  "Navy Blue yan, hindi Black".  Yan ang statement ni Tita Edith to describe her FAZHON na damit.  Sabi ko kay Karen, "peke ba ang Chanel na kuwintas ng mama mo?".  Sabi ni Tita Edith, of course not hehehe.


DITSENG. and finally eto na po ang WHITE SHIRT ni Tita Yet.  Sabi nila para raw siyang preacher na sumasampa sa bus kapag traffic.  Pero sabi nila, para raw siyang taga-San Miguel kapag holy week. (Naisip kong huwag ng sabihin ang pangalan, baka may makabasa e asa New York ata sila).

1 comment:

yet said...

ganda naman sa picture ang white blose ko, ah!