Monday, January 3, 2011

Batang Mag-aral

Na-realize nung January na ang dami palang PB 3G na bata nagsimula mag-aral.  Si Gab kasi 13th bday niya this week, e 1st year high school na siya.  So bata siya ng 6 months.  Alam ko si Julienne bata rin nag-start.  Si Miguel din pala, 1 year ahead.  Pero mukhang OK naman sila sa school, mga honor students or section 1.

1 year ahead din kasi ako nag-aral sa school.  At iniisip ko na siguro kung on-time ako nag-aral, naging Summa Cum Laude siguro ako hahaha.  Kasi ang mga classmates, mas matured e, 1 taon ang pinag-uusapan.  Mas OK kaya talaga kung on-time pumasok ang bata sa school?  E di gawin kayang 1 year late?  Palagay nyo?

ADVANTAGES ng Pagiging "Bata"
- Pag medyo magaling ka, iniisip ng teacher at ng mga kamag-anak mo na sobrang galing mo, dahil nga bata ka
- Tingin ng mga tao ang dami mong potential
- Nothing to lose.  Ikaw pinakabata e, kung may talunin kang isang classmate, panalo ka na
- Pag grumaduate ka ng maaga, malamang matanggap ka sa trabaho.  Mali o Tama, bilib ang mga nag-i-interview sa mga batang grumaduate

DISADVANTAGES ng Pagiging "Bata"
- Mas matured usually (di lagi, pero madalas) ang mga classmates mo sa iyo
- Pag Retirement lugi ka.  Ex.  50 years old ang retirement sa amin.  Ako nagsimula mag-work ng 19, iyong mga 22.  Kelangan ko mag-work ng 31 years, sila 28 years lang.  Ang daya!
- Di makakapasok sa bar.  Nung unang suweldo namin, di ako naka-pasok sa bar =(.  Lahat sila kasi 21 na

10 years from now, hingan natin ng opinyon sila Miguel, Julienne at Gab.  Sa ngayon naman kasi, mukhang OK sila.

5 comments:

papa ni joshua said...

si joshua 14 yrs old na pero 3rd HS,
advance din ng 1yr , star sec. din sya sa st james ...

Evot said...

Ako din..19 years old ako nung unang ngwork at ako ang pinakabata grumaduate nung HS sa st. James...

Darwin's Theory said...

ay nakalimutan ko Joshua and Evot. Sorry.

Hmmm. Is this a pattern? Lahat ata ng mga batang nag-aral ay tahimik while in Grade School and HIgh School. Ako tahimik lang naman ako dati, gumulo lang nung College (mga 16 years old).

Gab, Julienne, Miguel, JOshua, Evot - mga medyo low profile, di magulo. May kinalaman kaya ang pagiging bata sa mga ka-batch?

Evot said...

Tahimik nga ako nung elementary at HS kasi nga feeling ko bata pa ko at hindi ako kalevel nila sa maturity pero pgdating sa study eh gusto ko pabibo lage ako at makipagcompete lage sa pataasan ng grades lalo na sa math at computer subject...nung college lang din ako gumulo kasi madami na din ako naging classmate na kasing age ko at naging classmate ko na si charisse nun...

Darwin's Theory said...

Ah oo nga Evot, kasi tahimik ka nga nung bata ka pa pag may PB gatherings