Masayang natuloy ang Despedida Party kanina - Sunday. Sa Seaside Paluto Along Macapagal. Dumating kami ng mga 11:35 at ang dami ng tao. Sa 2nd floor kami ng Aling Tonya's Paluto.
Sobrang dami naming pagkain. Merong sinigang na fish, crabs, shrimps, inihaw na liempo, tuna belly, fried chicken at fruits for dessert. Ang sarap-sarap! OK ang pagkaasim ng sinigang - bagay sa fish. Panalo din ang tuna belly - lalo na kung isa-sawsaw sa toyo with calamansi and sili. Masarap din ang liempo.
Ka-table ko sila TIto Jorge, Tita Yet at Tito JIm. Ang pinaka-sikat sa table namin ay Kanin, at Patak. Korek. Para po kaming karpentero - konting ulam, sagana sa kanin. At di lang Calamansi ang pinipiga sa table namin - pati ang patak ni Tito Jim ay pinag-initan. Pinigilan din nila ako na pigain si Tiyong tungkol sa kalan issue - ano nga ba talaga yun?
Sobrang dami na namin ha (mga 30+ kami), pero sobrang dami talaga ng food. Actually ang daming natira - at ang daming nagbalot.
Bago umuwi, ininterview namin si Lola Nanay tungkol sa nararamdaman niya. Halong, excited, kaba, at konting lungkot daw. Sabagay sino ba naman ang hindi ma-e-excite pagpunta ng Canada. Kaba, dahil ang haba raw ng biyahe (halos isang buong araw), pero buti at kasama niya si EmEm. Lungkot, kasi nanghingi na ng pasalubong si Tito Jim.
Sabi ko nga kay Nanay mag-wheel chair service na siya - para di siya mahirapan at lagi pa siyang una sa pila at sa pagpasok sa loob ng plane.
So mga 2pm na kami natapos. Everybody happy sa despedida party na ito. Ang saya kasi - puro tawanan. At ok na ok ang food.
Many thanks to Par and Tita Ate for the party. At kung sino man ang mga nag-patak pa =)
1 comment:
Wow...sarap naman...nakakagutom yung mga foods...
Yan ang nakakamiss sa pinas...hehe
Post a Comment