Monday, March 7, 2011

XTREME Travel

Pag bata ka pa, feeling mo kaya mong gawin ang lahat.  Lalo na kung asa ibang bansa.  Samahan mo na ng peer pressure, e magagawa mo ang mga di mo iniisip gawin.  At saka, sayang naman.  Ang ibang activities e magagawa mo lang sa ibang bansa.  So go!

#1)  Roller Coasters

Favorite ko ang roller coasters.  Especially yung kahoy na roller coasters.  OK din ang mga metal - na nag-loo-loop the loop.  Kaso kasi corny nung meron kang harness sa balikat na nag-lo-lock.  Nakakabawas ng excitement.  Mas gusto ko iyong lapbelt lang - parang may feeling na pwede kang malalaglag talaga. 

Since asa Ohio kami, favorite namin ang Son of Beast sa Kings Island.  Nung panahong yon, eto ang fastest, tallest at most exciting roller coaster.  Pero malamang natalo na ito nga mga roller coasters sa Six Flags.


Ang pinakanakakatakot na roller-coaster ay ang Colossos sa Germany.  Para kasing sobrang taas nya.  Dahil siguro sa paligid nya na puro gubat.



#2. HANG GLIDING

Para makita ang buong Rio de Janeiro, Brazil, mag-helicopter o mag-Hang Gliding.  E ang mahal naman ng helicopter ano.  Ang hang-glide e yung parang sasakay ka sa pakpak - tatakbo kayo mula sa taas ng bundok at lilipad.  Ang saya din.  Ang ganda rin kasi ng view.


#3.  SKY JUMPING
Sa US naman nito in Virginia.  Marami kasing military bases dun, so one-time nag-tripping kaming mag Skyjump.  Sa lahat ng ginawa ko, eto pinaka-nakakatakot.  Tatalon ka mula sa eroplano, at mag-pa-parachute.  Muntik na kong di tumalon.  Pero wala na magagawa, sayang ang bayad - kung tumalon ka o hindi magbabayad ka =)


#4. BUNGY JUMPING
9 months kasi kami sa Australia at New Zealand.  Medyo naubusan na kami ng gagawin sa Auckland, New Zealand.  So nung last month namin, naisipan namin mag-bungy jump.  Sayang naman ang pagkakataon. 

Madali lang ang bungy jumping.  Pupunta ka sa tulay.  Tapos tatalian ka.  Tapos tatalon ka na.  Iyon na yon.  Hahaha.  Iyong harbour bridge kasi ay 40 meters high.  Parang galing ka ng taas ng 20-storey building.  Pero actually pag andun ka na, parang walang katapusan ang taas.

Pag andun ka sa take-off area - talagang tatalun ka na.  #1) Ayaw mo kasing  matawag na chicken e at #2) Sayang din ang bayad mo =)




Ang wala ako - Water Xtreme Sports. Di ako nakasama mga White Water Rafting - sayang. 

Ang sabi nila:  Hwag ka daw mag-bungee jumping o skydiving kung lagpas 30 years old ka na, o kung meron ka ng anak.  Napaka-iresponsable naman daw =)

2 comments:

Miguel said...

astig ka tito ido..gusto ko ding gawin lahat ng iyan.xD

che said...

may na -reject na pinoy sa Battlestar Galactica sa Universal Studios. Too fat daw for the ride (125 kg). Nagreklamo sya and got 3 day passes :)