# pasaway = 1
# uminit ang ulo = 0
# na-trauma = 5
Mga 10:15 na kami nakapasok sa Universal Studios Singapore(USS). Ang laki kasi ng USS, so sabi ko libutin namin ang area counter-clockwise.
1) Our first stop is at Hollywood Boulevard.
Ang first attraction na pinuntahan namin ay ang Lights, Camera, Action! - eto iyong sound stage/studio ni Steven Spielberg. Tinatanong nga nila ako kung ano raw yon? sine, ride, action? Mahirap kasing i-explain kung ano yon - so sabi ko lahat-lahat. Kasi totoo namang all-in-one yun.
Here is Tito Jorge who turns out to be a very big movie fan.
2) Our next stop was the futuristic section
Sobrang init! Pero naglakas loob pa rin ang iba na sumakay sa Cylon - BattleStar Galactica Ride. Matindi ang ride na ito, kasi suspended ka at grabe ang mga twists, loop and turns. Nangahas sumakay sina Tito Jorge, Tita Helen, Tito Jim, Tito One (meron pa ba). Ang mga iba naman ay pumasok sa souvenir store - ang iba para magshopping, kami para magpalamig hehehe.
3) Next is THE MUMMY
"Para lang yang roller coaster sa Carnival". Yan po ang explanation ni Tito Ido sa "MUMMY: THE RIDE", di naman po kasi niya sinabi kung saang carnival.
So bukod kay Tito Ido, Tito One, Tita Helen at Tito Jorge, sumama na rin si Tito Par, Tita Bhogs, Tita Yet at Tita Tetes. Buti na lang at ako ang nagbayad ng mga tickets - kaya di nila ako binugbog o kaya e pinatay.
Dahil iyong dating ride e ibang-iba na! Sobrang bilis, meron pang paatras, at meron pang matinding drop sa gitna. At lahat ito ay sa dilim kasi nga THE MUMMY e. After the ride, talagang halas isumpa ni Tito Par, Tita Bhogs, at Tita Yet.
4). Lunch time at dun kami kumain sa Jurassic Park Cafeteria
5). SHREK
Yung Shrek attraction ay yung sa Far Far Away land - 4D ride. 3D + sense of touch. So natatalsikan ka ng tubig at nararamdaman ang gumagapang na mga insekto.
6). Waterworld
Etong attraction namang ito ay ang live presentation ng Waterwold movie. Sobrang galing. Sabi ni Tito Par eto raw ang favorite nya (next ang Shrek and then the Spielberg Studios). Sabi ni Tita Yet ang Waterworld ang best attraction sa buong Singapore trip, para sa kanya.
Interactive kasi ang Waterworld e, so merong audience participation. Dahil hinintay ko yung mga nag-CR, pinauna ko na sila para makakuha ng magandang upuan.
Kaso pagdating ko dun - gosh! nakaupo sila sa Splash Zone - yung area na mababasa ka. Sabi ko kung ayaw nilang mabasa lumipat sila sa bandang taas. So naglipatan naman sila lahat...except si...
Tito Jim. So syempre ang buong PB tinawag ang nagbabasa para basain si Tito Jim
At eto na nga ang resulta. Wet King si Tito Jim. At syempre sobrang sikat siya, dahil talagang chineer at pinalakpakan siya ng tao. Sabi ko nga sa kanya, bukod sa bidang lalaki at bidang babae, siya na ang next na pinakasikat - supporting actor kung baga.
Game na game naman si Tito Jim sabi nga nya - "Biruin mo sa dinami-dami ng tao doon, e ako ang napiling basain".
Ayos!
7) Goodbye Universal Studios
Papalabas ng Universal Studios - e di syempre pictures pa rin
Di po ito yung kontrobersyal na bilihan na Popcorn, iba po ito. Oooops, nasabi ko pa, secret ba yon?
3 comments:
ok nga yung the MUMMY ride pero medyo bitin...same lang kaya yung mummy ride sa USS at USLA?
i think parang same lang kung ano meron sa USLA at USS...sa picture ng waterworld sa USS eh same na same sa waterworld sa USLA...
Hi Evot. Yung Mummy sa USS is smaller ang shorter than the one at Universal Studios Florida. Waterworld is the same.
Sorry last time kong asa USLA - Back to the Future, Twister, Jaws at ET pa ang mga attractions!!! hahaha. Mga classic. I heard Spiderman na ngayon.
Post a Comment