Thursday, August 25, 2011

2g@Sing - Night 2, Night Safari

6pm Sat, Aug 20 @ Night Safari

From Clarke Quay, we took the cab to Night Safari.  Eto ang pinakamahal naming taxi, dahil umabot ng $28, aba lagpas isang libo yon.  Sobrang layo kasi ng Night Safari e.






















Dito ang pinakamaraming tao sa lahat ng napuntahan namin.  Pati sa pagbili pa lang ng ticket, sobrang haba na ng pila.  Halos 30 minutes pagkuha pa lang ng tickets.

Pag first time sa Night Safari, sobrang OK.  Pero kung pangatlong beses na ....hmmm, enjoy the company na lang at manakot ng mga katabi. 

After the safari, meron din silang Animal Show.  OK din naman.  Parang mas OK pa ata ang show kesa sa Safari mismo.  Masaya kasi.

We left Safari past 10pm na.  We decided to have a late dinner. 

11:15pm, Peace Center/Hainanese Chicken

Talagang walang katapusan ang araw na ito.  Di na naman kami nagkita-kita!  hahaha.  Merong grupong pumasok sa Peace Center at kami naman as always ay naghihintay sa labas.  Bakit ba kasi kayo pumapasok?  hahaha.  Puwedeng sa labas maghintay dahil mahirap maghanapan sa loob.  hehehe

After mga 15 minutes na hanapan, nag-decide kaming umalis sa Peace Center at pumunta sa Hainanese Chicken across the street.  Kaso, pasara na rin sila at sobrang konti na lang ang pagkain.   Haaaay.  Tinuloy pa rin namin eating 6 orders of Chicken, at yung iba ay Dumpling Soup ang kinain.  Buti na lang nanlibre si Tito Par - very positive for an otherwise chaotic day.

After dinner, nagbalikan na ang marami sa hotel.  Kami bumili muna ng taho sa katabing restaurant.  Kakaintriga kasi ang tindahan, pinipilahan maski alas-dose na ng gabi.

Merong grupong nagpunta ng Marina Bay Sands.  Balita ko may grupo namang nag-inuman at nag"bonding" session.  Ang iba nag-impake at natulog na rin. 

Sobrang kakapagod ang araw na ito. Sobrang init din kasi. At sobrang daming tao wherever we go.

Dahil sa sobrang pagod, sino kaya ang malakas maghilik?  =)

1 comment:

Evot said...

masarap ang taho sa SG at super init nung taho...