Di ko alam kung bakit at paano ako na-adik sa books at sa pagbabasa. Basta. Merong kakaibang enjoyment sa pagbabasa. Enjoy din naman manuod ng TV, sine o manuod ng radyo, pero iba talaga ang pagbabasa. Dati nagbabasa ako ng 10 libro sa isang buwan. Dahil sa trabaho 1 libro na lang every week. Tapos lagi akong merong 10 libro na naka-reserve na di ko pa binababasa. Mahirap maubusan ng yosi, mas mahirap mawalan ng mababasa.
2010 ang record breaking year sa pagbili ng libro. Mga 100 books ang nabili ng taong yon. I know, adik nga e! Sa States kasi, ang sarap bumili ng mga libro na on sale lalo na sa Borders. Tapos nag-book fair naman sa Singapore. So ayun.
Kalahati ng budget sa libro nagagastos buwan ng Agosto - dahil nga sa sale sa National at Powerbooks. Kanina na naman - ang 2nd trip sa National BS this month. Haaaay! sobrang daming librong gustong bilhin.
Dahil sa pagpigil ng sarili - 16 books ang nabili ko. Yes, Alex I found Torment and it was on sale! I got it for you. Together w/ two other titles - which hopefully 1) you still don't have and 2) you will enjoy reading. Papadala natin kay MM, so you will get it very soon.
Wala pa sa kalhati ang buwan ng August...at 2 National pa lang ang napuntahan ko...Abangan.
3 comments:
Hi tito ido, thank you po! Kung " fallen" po ung isang title ng book na nabili nyo...meron na po ako. Pero ung "passion" wala pa po. Tatlo po kasi ung book, parang series ni lauren. Thanks po ulit!
Hi Alx. Hindi "fallen", naisip ko na since may lauren ka meron ka na rin nyang.
1) something related but not
2) something di mo mabibili diyan, pero bagay sa iyo
3) something really different na baka mapunta rin kay MM =)
Ok po Tito Ido...thanks po ulit! Kung magustuhan ni ate, pwede nya hiramin, pero di nya pwede hingin. KasI isasama ko sya sa mga collection ko ng books ko dito. Antayin ko na lang po pagbalik ni ate dito. Thank u po ulit!
Post a Comment