Guwapo naman ako, pero talagang wala akong hilig sa pictures. Di ko sure kung bakit. Maliban sa cellphone, I have never owned a camera in my whole life. Having said that, I have nothing against those who like pictures or taking pictures, well kelangan ko rin kasi yon sa blog.
Habang nag-pi-picture sila (at soooooobraaaaang tagal nun!), e time naman makapag-kuwentuhan sa mga ka-PB 2G. Iyan ang trip ko ang kuwentuhan. So eto ang mga nasagap ko.
TITO JIM/TITA VANGIE - Gusto daw pala ni Joshua na sa Ateneo mag-aral. Nag-exam na rin siya sa UPCAT at sana nga raw makapasa. Pero kung kay Joshua lang - gusto nya Ateneo. Di raw gusto ni Tita Vangie na mag-PMA si Joshua. Sila Evot, Cha at JC daw ay uuwi nga ng Dec 21. Pero kelangan nilang bumalik ng Jan 1 dahil may party naman sa California the next day.
TITO EGAY/TITA DANG - Nasira nga raw ang screen ng laptop ni Gab, kaya nga hataw sa paghahanap si Tito Egay. Actually iyong iba naming napagkuwentuhan ay tungkol sa mahal ng taya sa Baccarat (may tables na 100$ ang minimum) at ang 150 Free Spins ni Tita Dang sa China Shores at ang mga kuwento tungkol ... ay wag na nating ituloy hehehe.
TITA TETES - Ang bilin daw ni Alex ay ang Merlion. Sabi ko nga kay Tita Tetes, mabigat yon. Ang issue ni Tita Tetes sa SIngapore shopping ay, ang mga mabibili sa Sing, mabibili din sa Canada at same price, so bakit pa nya iuuwi. Kaya nga ang naiuwi niya ay ang Cereal Prawn Mix na parang pang-sari-sari store at iyong mantao bun, at least yon mahirap hanapin sa Canada.
TITA ATE - kinailangan nyang magpakita ng maraming dokumento. Kapag ang teachers pala nag-travel abroad kelangan pa ng permission from DepEd. So ayun sandamakmak na papeles kelangan niyang pakita sa immigration. Sabi rin niya, parang konti raw ang na-shopping nya sa Singapore =).
TITO PAR/TITA BHOGS - Syempre tinanong ko sila kung ano ang masasabi nila sa bagong BF ni Kriza. Gusto nyong malaman ang sagot? Kung hindi fine e di huwag na lang. Tinanong ko rin specifically si Par tungkol sa boylet ni Aix at sa gf ni Kevs. Gusto nyong malamang ang sinabi nila? Kung hindi fine din, di huwag. Ngapala, nag-start na ng work si Kevin last Wed, dapat Monday kaso may requirements pa. Sa CDO sya - bagay na bagay. hehe
TITA YET - First International flight pala ito ni Tita Yet. Understandable naman palang excited siya kaka-picture eh =). Marami na raw siyang local trips pero first time nga ito outside the country. Kaya pala nakipagkilala pa sya sa pilot.
TITO JORGE/TITA HELEN - Asa Beijing, China nga si Ia at that day kagagaling daw ni Ia sa FOrbidden City. Nung Sunday balak nyang pumunta ng Great Wall. Pero tapos na ang quick ala-MBA ni Ia at babalik na siya ng Japan. Sobrang OK din daw ng business nila ngayon - especially now that everyone is becoming environmentally-concerned. Christmas Plans: not sure pa.
TITA CHE-CHE - Needs to submit her dissertation before Dec 31. So talagang very busy sya, at definitely di sya mag-Christmas sa Pilipinas this year. Pag di siya nakapag-submit, she has to pay for her own tuition. At sobrang laki nun.
TITO ONE/TITA PETITE - ay meron ng mga singing gigs sa Singapore. Not sure kung naalala nyo, pero songer po talaga si Tita Petite. At yung mga kantang bumibirit pa. Sinadya daw niyang walang show nung andun ang PB at baka ma-conscious pa siya. Isa pa naming topic ay yung tungkol kay manang (yaya ng mga bata) na nag-file ng civil suit about her former employers. At talagang nag-da-dayoff para umattend ng hearing. Scary di ba?
TITA EDITH - wala kaming napag-kuwentuhan na puwede kong ulitin sa blog hahaha. Pero sa kanya naman ang isang quotable quote ng PB trip
JIM: Edith, gusto ko sanang bilhin ang relo na ito e
EDITH: Kung gusto mo e di bilhin mo
JIM: Kaya ba ng credit card mo na bilhin ang relo na ito?
EDITH: Jim, kung gusto bilhin pa natin ang buong tindahan.
hahaha.
1 comment:
January 1 balik namin dito sa states from pinas kasi meron na pasok ng january 2...
Super excited na kami umuwi ng pinas at makaattend ng PB parties...
Post a Comment