Tingnan mo nga naman. Ang topic ng Pinoy Abroad na pinalabas kahapon ay tungkol sa Singapore. Eto yung palabas sa GMA News TV. Eto ang mga pinagsasasabi nila tungkol sa Singapore:
1) Mahal ang pagkain sa Singapore
- Kasi kumain sila sa isang ordinaryong restaurant lumabas na 1,000+ per person
- Mahal din kasi ang drinks e. Regular drinks ay 1.10sgd which is 40 pesos. Mahal nga ano
- Nirekomenda nila na kumain sa mga Hawker places. Sa Pinas, para itong carinderia na turo-turo. Lalabas na 7-12 sgd per person, mga 250 - 400 pesos per person. Medyo may kamahalan pa rin
2) Fine City at Fine City
- Bawal talaga ang chewing gum sa Singapore huwag ng magtangkang magdala nito
- Naku bawal talaga ang magkalat sa Singapore, mapapansin nyong sobrang linis talaga
- 5 pala ang Merlion sa buong Singapore
- Nirerekomenda nila ang pagpunta sa Sentosa. Sumakay nga sila sa Cable Cars. Pwede kaya natin gawin ito? (Tita Che, pa-check naman pls kung mahal nga ito)
3) Pinoys at Domestic Helpers
- Mga 120,000 pala ang mga Pilipino sa Singapore. Kabilang dito si Rico Hizon, ang kauna-unahanag Pinoy News Anchor ng BBC World. Feature din nila yung AVP ng May Bank na Pinoy din
- Mga 80% ng mga Pinoy sa Singapore ay Domestic Helpers.
- Special pala ang mga Pilipinong Domestic Helpers, makikita ito sa mga suweldo nila:
MGA SUWELDO NG DOMESTIC HELPER SA SINGAPORE
Galing India: 210 sgd
Galing Bangladesh/Pakistan: 240 sgd
Galing Indonesia: 280 sgd
Galing Pilipinas: 320 sgd
- O di ba ang galing, dahil daw sa credentials at galing ng mga Pinoy kaya ganito ang presyohan
In Summary, sobrang mahal daw talaga sa Singapore. Tapos sabi ng host, ang Singapore ang patunay na ang isang maliit na bansa ay puwedeng maging isang sobrang maunlad na bansa. Kelangan lang ng disiplina at determinasyon.
4 comments:
Nung nag SG kami ni cha eh sumakay kami sa cable car papunta sa sentosa... Suggest ko magcable car din kayo para kita nyo buong sentosa...
Cable car operating hours
8.30am - 10pm daily
Ticketing
Adult:
S$24 - one way trip
S$26 - two way trip
Medyo mahal nga. Ok lang for me, but baka dahil din sa lagi ko na nakikita ang sentosa kaya hindi ako masyado na excite nung sumakay kami. Pero mataas sya at mahaba, in fairness.
PB, palabas pa ang broadway musical na The Lion King until end of August! Eto yung malaking stage na may napakalalaking props at live kumakanta ang mga performers (parang Miss Saigon)...critically acclaimed, kaso 65 dollars ang pinakamurang ticket. Hmm sabihin ninyo kung interesado kayo. Sa Marina Bay Sands ito. Sa Singapore lang daw meron nito sa Asia =)
Totoo ang price sa pagkain sa restaurant ay usually aabutin ka ng 1000 per person, actually minsan mas mahal pa kasi 17% ang tax. At ang drinks sa resto usually 3 dollars pataas (so magtubig na lang!)
Pero sa hawker naman po ay hindi! Pwede kang kumain ng mga $3-$7 =) Kaso yung lutong ulam na yun (hindi freshly cooked). Roast chicken or duck + rice + soup, for example, $3.50. Pero kapag magpapaluto, for example ng szechuan shrimps or chili crabs (sarap), syempre medyo expensive din. Pero based on our experience at sinasabi din ng singaporeans, ang pinakamasarap na singaporean food ay sa mga hawker talaga, hindi sa restaurant.
Maganda masubukan natin pareho =)
Sa mga mall, yung food plaza nila, di naman mahal, ... yung nga lang parang canteen, pila system
Post a Comment