Wow! ang sho-showbiz nyo naman pala. Dahil ang daming tamang sagot. Pero unanimous winner si Tita Eyan - lahat ng sinagutan niya ay tama - including Jolina/Marvin.
Ang sagot sa no.9: Mark Lapid - Apoy sa Dibdib ng Samar (2006 movie). Di kayo makapaniwala ano? haha. Eto ang ex-Governor with his memorable line: http://www.youtube.com/watch?v=K6cufhldqSU
Ang saging, masustansyang prutas. Pero alam nyo ba kung anong pagkain ang malas sa pelikulang Pilipino? Pansit! Opo pansit nga po. Eto ang example.
Example 1: Uuwi ang ating bida na may dalang pancit sa kanyang inay. Tatawagin nito ang mga bata para kumain, at kakamustahin ng bida ang pag-aaral habang kumakain ng pancit. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng baril ang pamilya! Mamamatay ang nanay, at sisigaw ang bida ng “Inaaay!” at mangangakong ipaghihiganti ito.
Example 2: Ang batang inampon ng lasenggerong amain ay kumita sa pamamalimos. Bumili siya ng pansit mula sa pera ng pagpapalimos, para mapalapit sa puso ng amain. Dahil lasing ang amain, tinabig ang pasalubong na pansit at kumalat sa sala. Sa galit, naglayas ang ating bidang bata. Sa paglalayas, ayun nasagasaan.
Moral lesson: Ang pancit, delikado, puwedeng makamatay sa pelikula.
Pero di lang yan, eto pa ang mga katotohanang sa pelikulang Pilipino nyo lamang matutunan
1. Pag may magkaribal na babae, yung mabait diretcho ang buhok at may bangs. Yung salbahe, laging kulot.
2. Kapag lumulusob ang taong bayan pupunta sa bahaykubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
3. Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro ng bola, mabibitawan at mapupunta sa gitna ng kalsada. Tapos may darating na sasakyan, tapos itutulak siya ng bida. Yung bida naman ang nasa gita ng kalsada. Biglang may sasakyang darating. Ang bida, ico-cross lang niya arms niya covering his face tapos sisigaw yung kapatd ng ‘kuyaaa!’. Next scene nasa ospital na sila. Simula na ng drama.
4.. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida, pero umaaray siya pag ginagamot na siya ng leading lady, at kasunod na ang love scene.
5. Ang bidang babae, pag katulong ang role, siguradong magiging anak ng amo niya sa ending.
6. Ang nanay ng mayaman laging may pamaypay na pangmayaman, at ang nanay ng mahirap laging naka duster.
7. Ang mga bida sa drama, pag nakatanggap ng masamang balita, laging may pinto sa likod nila para puwede silang sumandal habang nagsa-slide dahan-dahan pababa, tapos todo iyak with matching tulo ng sipon.
8. Pag di nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”
9. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
10. Laging mas maganda ang yayang bida kesa sa kontrabidang anak ng amo niya.
11. Malapit ng dumating ang pulis pag patay na si Eddie Garcia. May suot na puting tela sa ulo ang mga pulis.
12. Pag merong love triangle, and hindi sikat na leading man ay mamamatay, makukulong o mag-a-abroad.
13. Kapag nakita mong may bigote si Christopher de Leon sa pelikula, malamang ang role niya ay isang may-asawa na may tinatagong ibang babae.
14. Parating nag-iisip ng malalim si John Lloyd Cruz
15. Ang mga abogado sa pelikula ay nakasakay sa mercedes benz at sila rin ang nagsasabi sa babaeng bida na siya ang nawawalang anak ni Don Ramon.
16. Ang mga kurakot na pulis ay parating nagtatambay sa bilyaran. at dun sila pupuntahan ni FPJ.
17. Kapag may umiinom ng tubig laging may magbabalita sa bida ng nakakagulat o di pangkaraniwang balita. Agad namang ikakagulat ng bida at ibubuga ang tubig sa mukha ng nagbalita.
18. Malalaman mong malapit na ang bakabakan kapag ang nanay ng bida na si Perla Bautista ay umiiyak at sinabi sa anak na bida ang..."Huwag mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay.."
19. Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse ng malaking bahay, at madalas na dito na rin nangyayari yung final bakbakan scene.
20. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
4 comments:
Ido, meron pa ako napuna sa pilipino movies,,,kapag ang anak ng bida ay ginagamot ng doktor, oras na umiling na ito ay alam mo na kung ano ang nangyari,,,tapos ay pipitsarahan ng bidang lalaki sa kwelyo ang doktor at sabay tingin sa malayo at ang asawa naman ay lalapit sa anak n namatay sabay sigaw,,,
hahaha!
isa pa, pag Regal films siguradong me kantahan at sayawan, madalas sa beach ito nangyayari o kaya sa park.
Observation din:
Lahat ng pelikulang pinoy d pwedeng walang kontrabida tapos aapihin ng sobra sobra ung bida na sigurado namang babawi sa huli!
Isa pang very common story ay ung mahirap ang lalaki mayaman ang babae or vice verza. D b pwedeng parehong mayaman o parehong mahirap?
Sometimes gusto ko pang panoorin ung ibang korean films simpleng plot pero lang pero gusto mong tapusin kc d mo alam ang ending.
Post a Comment