Di ko sigurado kung ang mga words of wisdom na ito ay galing sa GAPAN. Pero parang sounds familiar. Hinding-hindi natin makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha natin sa mga nakakatanda.
1. CLEANLINESS :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. RELIGION:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"
3. LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
5. PURPOSE:
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"
6. CONTORTIONISM:
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"
7. DIET:
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"
8. WEATHER:"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. CIRCLE OF LIFE:
"Ikaw na bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. ENVY :
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"
11. ANTICIPATION :
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"
12. RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
13. DETERMINATION:
"Hanapin mo yung pinahahanap ko sa iyo, pag di mo nahanap, makikita mo!"
14. HUMOR:
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita
additional from Tita Che-Che
COURAGE/FEARLESSNESS: "Hindi ba kayo titigil sa kaka-away? Eto ang kutsilyo, magsaksakan na lang kayo!"CREATIVE-THINKING: "Kapag hindi natin dinala sa doktor yang sugat mo, may lalabas na eroplano dyan!"POSITIVE THINKING: "Ang INJECTION,anak, parang kagat lang ng langgam yan! Kayang kaya mo yan!"
1 comment:
Heto pa!
COURAGE/FEARLESSNESS: "Hindi ba kayo titigil sa kaka-away? Eto ang kutsilyo, magsaksakan na lang kayo!"
CREATIVE-THINKING: "Kapag hindi natin dinala sa doktor yang sugat mo, may lalabas na eroplano dyan!"
POSITIVE THINKING: "Ang INJECTION,anak, parang kagat lang ng langgam yan! Kayang kaya mo yan!"
Haay...mga taga-Gapan talaga!
Post a Comment