Interesting naman ang sinabi ni Tita Che-Che tungkol sa kaalaman sa gawaing bahay.
Sabi kasi nya, depende sa henerasyon. Dati kasi maraming nanay na full-time housewife, so posible nga na di ma-puwersa ang mga batang matuto ng gawaing bahay. Pero Tita Che-Che obvious namang counter-argument dyan ay sila Kevin di ba? Sanay kaya silang tatlo sa gawaing bahay.
Siguro, hula lang:
Isa sa mga factor siguro nga ay "yaman". Kung kaya mong kumuha ng kasambahay, lalo na kung lagpas sa isa, e malamang di ka nga matuto sa gawaing bahay. Itago na lang natin sya sa pangalang KJ =). Marunong kaya sya sa gawaing bahay? Nilaglag ko na naman sya dito =). Interviewhin ko nga siya next time hehe. O baka naman ang mga dalahira niyang ate K at C ay puwedeng mag-tsismis dito? hehe.
Pangalawa sigurong factor ay gender. Di ko sinabing nag-a-agree ha. Pero dati kasi talagang prina-practice ang mga babae sa gawaing bahay e, sa ayaw nila't sa gusto. Lalo na ang mga taga-Gapan at mga anak ng taga-Gapan. So ang anak na babae ang default na maglalaba at magluluto. Example, tingin nyo marunong maglaba at magplantsa si JayE at Evot (kung di umalis ng bansa) hahaha. At si Joshua nga pala, marunong kaya sya gawaing bahay?
Pero as always meron laging exception to the rules. Sila Kriza, Ayka, Kevin nga. At si Tito Boyet (dahil Life of Luxury nga pala siya abroad).
Pero ako, nagpapasalamat na natuto ng gawaing bahay. Of course pilit lang at for sure nung bata pa ako pikon na pikon. Mahirap mabuhay ng walang alam sa bahay, asa ibang bansa ka man
5 comments:
Kuya!!!
Marunong ka ng kaunting gawaing bahay, pero hindi ikaw ang taga-gawa-- dahil panganay ka! Naghuhugas ka lang ng pinggan nun dahil di namin kaya ni Ayo (dahil makakabasag kami), nung malaki na kami, kami na. So sa pagkakaalala ko, mula nung may capacity na akong magtrabaho sa bahay, ako na tagaluto, tagahugas, taga saing, tagafloorwax, etc. I think iba talaga ang expectation sa mga lalaki. Although in our case may tindahan so nagbabantay din kayo ng tindahan, halo2x, at rentahan ng komiks. Pero otherwise, abala din kayo na gumawa ng American Top 40 na listahan at mga Quiz bee natin sa bahay, at si Ayo, mag shato at basketball...hahaha
So dagdag sa theory, pag mga lalaki na may kapatid na babae na nakababata, hindi masyado magtatrabaho sa bahay ang lalaki :D
Again exception to the rule na naman sila Kevs, Ayks at Kriza... so bakit nga ba sila magaling sa gawaing bahay?!
A-ha
Kilala ko si K_ _ _ _ _ _ _ _ _ J_ _
at si K _ _ _ _ at C _ _ _ _
ang alam ko ganun din c kevs parang ido tama ba ko kriza? c ayks at kriza lang ang mas nagtatrabaho kc nga panganay n lalaki p c kevs o d b?
marunong ako ng gawaing bahay pati maglaba at magplantsa kaso nagagawa ko lang to pag walang mautusan.hehehehe
me sked kami ni cheche sa paghuhugas ng pinggan nung bata pa kame, MWFSun sya at TThS nman ako hehe
Post a Comment