Tuesday, October 5, 2010

Bili ng Gamot

Mataas lagnat ko kagabi.  Hula ko mga 39, pero walang thermometer so di ko talaga ma-compute.

Kanina pumunta ako ng Mercury.  Di pala puwedeng bumili ng Erithromycin o anumang anti-biotic ng walang prescription.  Tapos merong aleng bumibili ng Acetone, hinanapan siya ng ID.  hehe.  Iba na pala ang mga gamot ngayon.

So, pumunta ako ng Watsons. Doon puwedeng bumili ng isang banig na Erithromycin. Mas mahal nga lang ng 1.20 pesos.


Wala na rin palang iyong sinaunang panahon na thermometer.  Pinull-out down ng DOH ang mga thermometer na merong mercury.  So digital na lang.  Nakaka-miss din dati, kasi pag nabasag ang thermometer, pinaglalaruan namin ang mercury.  Exciting kasi e.  Masama lang naman ang mercury pag kinain, kung paglaruan naman masaya.  Ano ba naman kasi ang mga kabataan ngayon, bakit nyo ba kinakain ang mercury?  Pati iyong mga lead sa laruan, e dati na namang meron na nun.  Bakit nyo ba kasi kinakain ang mga laruan?  hahaha. 

3 comments:

tito boyet said...

Tito ido, pati nga ang watusi kinakain din ng mga bata kaya bawal na rin ibenta sa mga tindahan! he he he

Darwin's Theory said...

oo nga pati watusi nga pala! hahaha

anti-biotic said...

nilalaklak na rin ba ng mga bata ang erithromycin ngayon?

sabagay nakaka-high din ang antibiotic... pero mas nakaka-high ang cough syrup -- pero hindi pineprescribe...