2 bagay ang paborito (at na-mi-miss) sa States: Grocery at Pagtawid.
Nawawala ang pagka anti-capitalism pag pumapasok ako sa Walmart! Actually pati Tar-jey(yan tawag namin sa Target para sa sosyal) din. Mahirap ipaliwanag, basta para kang binigyan pag pumasok ka sa isang Walmart store lalo na yung SuperWalmart. Kid in the Candy Store kung baga. Grabe kasi sa pagka-kumpleto. Practically lahat talaga puwedeng bilhin dun. From diapers, sabon, pagkain, gulay, damit, sapatos, maleta, tennis racket, gulong ng kotse, paper shredder. AT ngayon pati na kotse, insurance, and funeral services! Korek! mula pagsilang hanggang pagkamatay. Haaay I miss Walmart.
Malakas ang karapatan ng mga Pedestrians sa US. Humihinto lahat ng sasakyan pag papalapit sa pedestrian lane. Maski walang tumatawid, slow down ka. Nakaka-miss yan. Kasi alam nyo naman sa atin, para kang nakikipag-patintero kay kamatayan pag tumatawid. Di ko sinasabi yung mga malalaking highway a. Maski na yung maliliit na kalsada sobrang hirap tumawid. Walang karapatan ang pedestrian sa Pilipinas. Well, except sa ibang bahagi ng Makati. Di ba nga Republic of Makati ang tawag dito. May designated Loading and Unloading area at kung-ano-ano pang ka-ONE-WAY-an. Anyway, one-time tumawid ako sa pedestrian lane (I know, madalas kung saan saan lang ako tumatawid e, sorry, tao lang). Anyway, meron ba namang Pajero na halos sagiin ako at hindi huminto. Buti na lang traffic! So tinawag ko ang Pulis Makati at sinumbong ang Pajero. Di ko na alam kung hinuli siya, kinuha lisensya, kinulong, tinorture, ay di pala Manila ito.
Teka ano nga ba point nito. Ah! Pag nag-dri-drive at madadaan sa Pedestrian Lane, please give way. Lahat ng PB walang kotse nung pinanganak. Ibig sabihin, lahat tayo naglalakad at tumatawid. Di porket nagka-kotse na, kakalimutan na ang mga namamasahero at tumatawid. Kung nagmamadali ka, puwes matulog ka at gumising ng maaga =). Di naman tatanggaping excuse yan ng pamilya ng taong nasagasaan mo.
Peace and Love! And Pedestrian Rights.
3 comments:
Punta ka dito tito ido at punta tyo sa walmart.hehe.meron kmi discount lage dun kc dun ngwowork dad ni charisse...
Super correct ka tito ido bout sa pedestrian dito sa states, minsan nga nakakainis yung mga tumatawid kasi para lang nglalakad sa park at super wala silang pakealam sa mga kotse...makasagi ka lng kasi ng pedestrian eh super laki na ng possible mo na magagastos...
Hmm, anti-capitalism pala ang bumibili samin ng 1xx,xxx worth na bag!
tito ido same din dito sa Canada...may right lagi ang pedestrian. kaya nung umuwi ako pinas kahit di masyado matagal na wala ako sa pinas, takot akong tumawid...at saka super dami ng tao sa kalsada. Also, may Walmart din dito na paborito ko, kasi lahat mura at pwede ka magsoli kung di ka satisfied sa binili mo, or full refund. One time nga may binili akong kurtina, ginamit ko for almost a month...then binalik ko sa packaging at nag -refund ako...hehehe...pareho din ba yan ng walmart sa US?
Post a Comment