Tuesday, October 19, 2010

Gawaing Bahay

First time kong makanood ng BANTATAY.  Ang masasabi ko lang:  sobrang galing namang umarte ng aso na yan.  Mas may facial expression pa siya kesa kay Dingdong Dantes.

Isa sa eksena kanina e napilitang magtrabaho sa tindahan ang batang babaeng anak, dahil naulila na nga siya.  Dati di nya alam ang gawaing bahay, dahil medyo mayaman nga siya. 

As you know, di naman anak mayaman ang lahat ng 2G.  So nung bata pa kami, marunong kaming maghugas ng pinggan at maglaba.  Unfortunately, ako yun lang alam ko.  Pero since nangibambansa ako, dun lang ako natutong magluto at magplantsa.  Actually, sa ibang bansa rin ako natutong kumain ng mga ibang gulay. 

Ang iba sa 3G eh anak-mayaman.  So not sure kung marunong sila ng gawaing bahay.  Alam ko sila Kriza, Kevin, Aix, marunong.  Well, baka si Karen din.  Marunong ha, di ko naman sinabing ginagawa hahaha.

Mga 3g, marunong kayong magluto, magplantsa, maglaba?

19 comments:

tita tetes said...

Sina MM at Alex marunong maghugas ng pinggan at mag-saing, kasi assignment nila ung everyday dito.Minsan mag-linis din ng bahay. Si MM sya ang taga laba naming lahat...every week ung laba at pagdala sa mga kwarto namin ng damit nakatupi na, o di ba! Si Popoy, minsan nagluluto, lalo na pag may gusto siyang kainin. I think nung napunta sila dito natuto sila ng gawaing-bahay kasi... dapat lang dahil may trabaho ako.

ido said...

OO nga, Tita Tetes. Kelangan pang mapunta sa ibang bansa para matuto ng gawaing bahay hehe. Parang ako!

Dati di ako marunong magplantsa. Pero pag asa ibang bansa, kelangang matuto. Maski pantalon, kaya ko ng magplantsa =)

che said...

Napansin ko na sa generation natin (not necessarily sa PB ha), madami din ang hindi marunong sa gawaing bahay... kahit hindi mayaman, dahil housewife ang nanay. So yung nanay ang naggawa ng gawaing bahay. May mga kaklase ako na di naman laking mayaman na totally di marunong magluto.

Malas tayo kasi si Ma ay nagtuturo, at si Daddy ay abroad... haha so ako ang taga-luto at taga floorwax, si kuya nagsasaing at naghuhugas ng pinggan. Si Ayo taga-bunot ng sahig. But excuse me kuya, hindi ka naglalaba ano! Meron tayong kamag anak na hi-nire para maglaba.

Kaya nga interesting dahil madami nang mga wives ngayon na working -- so baka mas marunong ang mga bata na maggawa ng household chores?

Although sa Pinas kasi mura lang ang labor, unlike sa ibang bansa, so madali makakuha ng katulong.

Charisse said...

Agree po ako dyan. Like me, dito Lang din sa states natuto maglaba, magplntsa and magluto. Pati si evot din. Kasi sanay sa pinas na may maid. Pero dito you have to do all the household chores on your own kahit na ngtrabaho ka araw araw. Sa ibang bansa tlga matuto ka maging independent.

boyet said...

Sorry na lang sa inyong mga PB na nasa abroad, pero naiiba talaga ako sa inyong lahat, bakit ika nyo?

1. Hindi ako nagluluto ng pagkain ko at lagi iba iba ang ulam ko araw-araw at may mga choices pa ako sa mga desserts, juice atbp. and free of charge lahat yan!

2. Siempre, hindi din ako nag huhugas ng kinainan ko kasi may messboy/man na naghuhugas ng mga plates at mga baso ko.

3. Hindi rin ako naglilinis ng tirahan o cabin ko kasi may tagalinis din ako,,, he he he. (magbibigay nga lang ako ng tip sa cabin stewart, pwede din hindi)

4. Yung paglalaba naman ay madali rin, ihuhulog ko lang sa washing machine ung uniform at mga pang araw-araw na damit/pantulog at okay na(pwede ko yun gawin habang nagtatrabaho ako). Itutupi ko na lng at sa oras din yun ng trabaho...he he he. At take note, libre din ang sabon panlaba at pampaligo (DOVE nga lang he he he! sorry)..Kaya pag nasa cabin na ko ay nood na lng ako ng tv o kaya ay work out sa gym.

Kaya pag nasa abroad ako ay buhay hari ako pero pag uwi naman ng Pinas ay hari pa rin naman kaya lang si Rhoda ang Alas.. he he he kasi ako ang tagaluto, tagalinis pero di mo ako maaasahan sa paglalaba sa Pilipinas...abuso na yan noh!=)

Yun lang po!

papa jim said...

ang tingin ko si evot natututo magluto , maglinis ng bahay mag linis ng kotse at iba pa na gawain bahay nang nasa US na sya . kasi dito sa pinas lumaki yan ng may katulong , spoonfeeding kung baga , salamat naman at nag iba ang sitwatsyon nya sa US ,at mabait daw na anak sabi ng classmate ko sa germany ,nice evot !

concern kay tita yet said...

sana nga si yet mapunta sa abroad !para matuto ng gawain bahay , ha ha ha

evot said...

kahit naman nandyn pa ako sa pilipinas eh marunong ako magluto pero wala lang chance kasi meron na agad lutong pagkain...hehehe... hindi nyo lang alam dyan sa pilipinas na habang nagluluto kayo eh tinitignan at inaalam ko kung paano lutuin ang mga niluluto nyo kaya marunong ako magluto...hehehe
at kayang kaya ko naman din mag-isa ako kasi 6months nga ako sa cebu na mag-isa lang ako at ako naglalaba ng mga damit ko dun at nagluluto minsan... hindi nyo alam yun noh...hehehe

evot said...

wow, sarap naman ng buhay ni ninong boyet...sana makatungtong kami ni charisse dyan sa cruise ship mo...kasi balak namin magcruise pero hindi pa alam kung kelan...malamang after na manganak si charisse...

Darwin's Theory said...

mwa haha. kakatawa yung kay "concern kay tita yet"

@Tito Boyet - astig, naman!

@Che, exag naman. maglaba lang? wala namang skill required sa paglalaba. sasakit lang kamay mo, pero ang dali namang matutunan nyan no. Unlike say pagplantsa o pagluluto, kelangan ng talent.

ninong boyet said...

Evot, sabihin mo lang sa akin kung kailan at anong itinerary ang type nyo ni Charisse para mabigyan kayo ng discount pag nalaman nila na inaanak kita! walang biro yan!

Next year ay nasa canada ako tapos ay magpunta din kami ng alaska, hawaii tapos ay bababa na kami ng australia, new zealand...sana matuloy ung asia namin para maka cruise din ang mga PB!

Evot said...

Sakto,plan namin magAlaska at canada.sige po ninong boyet, sabihin ko po agad sa kung kelan ang plan namin next year...yahooo!!!

tito jim said...

mas natuto ako mag luto nong nasa bahrain ,maglaba , maglinis ng kwarto at iba pa gawain bahay , may style kami sa pag plantsa don , inlalagay namin sa ilalim ng kutson o kama yon mga pants at kinabukasan plantsado na , style yan ng mga indian sa bahrain

tagamasid said...

Jim, alam namin na magaling ka maglaba sa Bahrain! May ebidinsya!!! haha

Inggit said...

Ang sarap naman maging inaanak ni Ninong Boyet!

tita tetes said...

tito boyet saan sa canada ka next year, i hope toronto...para magkita kayo ng inaanak mo...si MM at syempre kami nina Alex at Popoy.

boyet said...

Tetes, sa Vancouver ako sa May hangang September. medyo malayo nga lang sa Toronto pero kung sulit naman yung byahe nyo pag nakarating kayo sa barko ko at bibisitahin nyo ako ng isang araw kasi mai-tour ko kayo sa loob ng Radiance of the Seas..(check nyo sa google kung gaano yan kaganda)saka kain tayo sa dining room para bonga kasama natin ang mga guest!

Evot, eto ung itinerary ng Radiance of the Seas next year. April 2010 ako mag-join dito..Check ko ang price para mapaghandaan nyo ni Charisse.

7days and 7nights cruise ito sa Alaska at ang home port ay Canada
VANCOUVER, BRITISH COLUMBIA
INSIDE PASSAGE (CRUISING)
KETCHIKAN, ALASKA
ICY STRAIT POINT, ALASKA
JUNEAU, ALASKA
SKAGWAY, ALASKA
HUBBARD GLACIER (CRUISING)

Ninone boyet said...

Evot, 2011 na pala next year =)

Ninong boyet said...

Evot, 2011 na pala next year =)