Sunday, October 3, 2010

Ipon

Nung 2008, kumuha ako ng Financial Advisor =).  Wala lang, gusto ko lang malaman kung tama ba ang gastos ko sa buhay, at kung paano ba mas maayos ang kaperahan. 

Eto mga naaalala ko sa sinabi niya:

1. Dati ang IPON = INCOME - EXPENSE
- Ibig sabihin ibabawas mo ang mga gastusin mo sa kita mo.  Kung ano ang matira iyon ang ipon.  Eto ang nakagawian na natin.  Pero iba na ngayon

2.  Ngayon, INCOME - IPON = EXPENSES
- Ibig sabihin automatic na dapat ang ipon.  Ang %, depende sa gusto ninyo.  Karaniwan eto ay 10%.  Ang sabi, ang mga 3G at kanilang mga ka-generation ay mas sanay mag-ipon kesa sa magulang nila.  Sana nga totoo ito =). 

3.  ISULAT ANG PANGARAP
- Bago magsimula ang bawat buwan, ilista nyo raw ang mga bagay na gusto ninyong bilhin.  Ex.  Gusto kong bumili ng iPad by December.  Alamin ang presyo, at idivide-divide kung magkano ang dapat ipunin.  Parang madaling sabihin ano =).

4.  HUWAG I-CREDIT CARD ANG PANANDALIANG PANGARAP
- Kung ang pangarap ay Playbook, iPhone, Bakasyon, ipunin daw muna at iwasang utangin.  Huwag gastusin sa panandaliang pangarap ang hindi nyo pa pera.  Ibang usapan ang PANGMATAGALANG PANGARAP tulad ng kotse o bahay.  May mga OK na loan naman para dito. 

Malayong-malayo akong maging expert sa pag-iipon =).  Pero shina-share ko lang senyo ang mga sinabi sa akin =).  Good luck sa pag-iipon!

1 comment:

Kurips said...

Yung mga intsik kakaiba, 30-40% of income lang ang ginagastos nila. The rest, ipon.

I think madaming bagay na binibili na hindi naman talaga kailangan o hindi nama-maximize ang gamit. Mga damit, anik anik na gadgets... Kasi advertising creates needs, ginagamit ng mga businesses para kumita. Strategy nila na palabasin na kulang ang buhay natin pag hindi natin nabili ang latest na produkto nila.

Katulad ng iPad..haha. Ano naman yun, isang malaking picture frame at laruan. Pamporma lang. Samantalang makakabili ka ng maayos na laptop/desktop for the same amount...Same for the SLR cameras na binibili kahit ng mga wala naman passion sa photography, makaporma lang...

Wala lang. Wala kasi akong iPad at SLR..hahaha