Ang theory: 40% ng mga gamit mo, gamit sa bahay, sa opisina, sa trabaho, sa school - di mo talaga kailangan. Ang tao raw ay may natural tendency na mag-ipon ng mga bagay-bagay. Walang masama, ang problema, nahihirapan daw ang taong itapon o i-dispose ang mga bagay na di kelangan.
Top Bagay na hindi mo maitapon o ipamigay
1) Damit
Pag tinignan mo raw ang iyong cabinet ng damit - 50% ng mga damit mo, di mo naman naisuot nung nakaraang 6 na taon. at 25% di mo naisuot ng 1 taon. Ang matindi, marami rin sa damit ang di mo naman maisusuot sa next 12 months =).
2) Resibo
Oo nga, sa Pilipinas kasi kakaiba. Nagkakaroon ng problema minsan sa mga papeles. So pag tinignan ninyo ang mga resibong tinatago natin - meron pa raw dun mga 5 years hanggang 10 years ago. Tignan mabuti - kelangan ba talaga?
3) Sapatos
Oo nga, ilang sapatos ba ang naisusuot natin palagi. Pero ang dami nating sapatos. Baka dapat ipamigay na ang mga di ginagamit
4) Souvenir
Galing sa wedding, birthday, kasal, parties. Subukan nyo ngang bilangin =).
Garage sale kaya tayo sa PB? Tapos ang kikitain bigay natin kila Sr. VIcky. I mean mga bagay na di naman natin ginagamit at gagamitin pa, baka merong mga taong mas kailangan at mas magagamit nila =).
1 comment:
Go ako sa garage sale!
5S tayo sa bahay!
Post a Comment