Finally, nakakain na ko sa Mang Inasal. So first-time ko lang talaga. Kumain ako kasi nga naintriga ako sa balita. Ang balita kasi, talo na ng Mang Inasal ang McDonalds AT sobrang lapit na nyang matalo ang Jollibee. Wow! Di ko ma-imagine na merong tatalo sa Jollibee.
Ang siste, binibili ng Jollibee ang Mang Inasal. Korek. Pag malapit ka ng matalo ng kalaban, e di bilin mo sila. Ang presyo? 3 Billion Pesos. Wow! panalo.
Kaso sa first time kong pagkain sa Mang Inasal kanina ako'y impressed sa kanilang Business Model at sa dami ng tao.
- 99 Pesos ang Breast+Wing Inasal. So parang 2 piece chicken. Ang mura nga.
- Tapos, matindi Unlimited Rice. Di ako mahilig sa rice, pero maraming Pinoy na mahilig dito.
- May sawsawang pinoy. Major difference sa pagkain Pinoy ito e. Iyon puwedeng suka, toyo o patis with calamansi at sili. Pangkumpleto ng pagkain.
- OK naman ang lasa ng Chicken Inasal. OK din ang Barbecue.
- Ngapala, da best din ang libreng soup! Medyo maanghang ng konti.
Try nyo rin. Pero kung ako si Mang Inasal - di ko muna ibebenta =). Saka na lang pag 10Billion na hehe
3 comments:
Nabasa k ang success story ng mang inasal sa "Entrepreneur Rich before 35". Very young 28 lang cya ng iopen ang mang inasal sa iloilo nung 2003. He did not get intimidated by big players kc nga dami ng nagoofer ng inasal.
SB nya he never used his customers as guinea pigs for new products, he tested it first to family, relatives and friends.
Isa pa putting up business is not just making money its also helping others by providing good compensations and comfortable working conditions.
Ganda 'no!
Nakakatawa naman tong comment sa itaas, pinuri si Mang Inasal, eh maka-Max' naman... hahaha
haha.
Thanks for sharing "Maka-Max's" very comprehensive take on Mang Inasal.
Na-gets ko ang point. Ako rin maka-Max's e. =). Meron atang addictive ingredient sa chicken nila.
Ang problema lang. Mas mahal ang Max's ng 70% kesa Mang Inasal - kasi nga restaurant/sit-down dun.
Pangalawa, since restaurant nga ang Max's kelangan mo siyang sadyaing puntahan, di tulad ng Mang Inasal na sobrang dami - parang McDo at Jollibee na.
Ang alala ko dati sit-down din sa Mang Inasal. Tama ba? first-time ko nga kasi kumain dun e.
Kung totoo, very good strategy in changing their business strategy.
Speaking of proximity and location. Ang pinaka-bago kasing Mang Inasal branch e dito sa kanto ng condo =) branch number 183 daw nationwide. Pag hinatid nyo ko ulit, you will see=)
Post a Comment