Friday, October 8, 2010

Sick

Who takes a picture at the Makati Med Emergency Room?

Me!


Simula nung Lunes kasi ang taas na ng lagnat ko.  Tapos on-and-off ang high-fever ko the whole week.  Naisip ko baka meron akong Dengue =(.  Pero ayoko namang pumunta sa hospital, dahil di talaga ako sanay magpunta ng hospital.

After 4 days, nagpunta na rin ako ng Makati Med - Emergency Room.  Kinuhanan ako ng temperature: 36.8 ayos!  Blood pressure = 120/80.  OK na ok.  Sobra na kong hiyang-hiya dahil wala naman pala akong sakit!  Kasunod ko kasi ang isang batang natadyakan at namimilipit at mga lola na naka-balabal habang naka-suero.  Kakahiya talaga, umuwi na ko kaagad. 

Well siyempre nagpa-picture muna - kasama ang wrist band ko.

Grabe naman pala ang mga nurses ngayon, English speaking.  Nag-Tagalog ako pero English sila, so English na rin ako.  Kaya pala si Kriza in-e-English tayo.

Amazing din, sobrang daming taong sa Emergency Room.  Sabi nga sa akin mga 3 hours pa ko ma-bloo-blood test.  Ganun po karami ang tao sa ER.  Kakagulat.  So lalo ko ng gustong umuwi, at yokong maghintay ng 3 oras para sa blood test.

Tumawag ako kay TIto Jim, para nga kumustahin si Joshua at magtanong na nga rin ng symptoms ng dengue.  Sabi ni TIto Jim - Joint Pains, Abdominal Pains at NoseBleed.  Eh wala naman talaga ako nun.  So dapat pupunta talaga kami sa St.Lukes, pero huwag na lang =)



3 comments:

che said...

Kuya, infernez, mukha ka ngang walang sakit sa picture!!! Haha


Anyway, get well soon pa rin, baka lagnat laki lang yan (laki ng bonus?, laki ng talo/panalo sa casino, laki ng gastos)... :D

tita tetes said...

astig naman na maysakit yang porma mo...pero pagaling ka!

tito jim said...

nice ido ! c u 10 10 10 , laguna