Tuesday, February 17, 2009

GOURMET PARTY

Ay, mayaman naman talaga kami dati. Kaso nagpapanggap lang talaga kaming mahirap. Mahirap na, di ba. Sinasadya nga naming magsuot ng mga pambahay sa party - daster, sando na pambasketball, t-shirt sa school, t-shirt sa office.

Komplikado mag-explain, so let the pictures tell the story

GOURMET PARTY #1 - New Year 1981

Venue: Compound Patio
Main Dish:
Vermicelli Soup with shredded chicken, snowpeas and
Slow-cooked FAT-FREE, LOW-CHOLESTEROL white gluten rice
Sugar-raised donuts

Drinks: Chinese Demi-sec Red Wine

Decor: White, Green and Yellow floral tapestry


Nagpapanggap nga kasi kaming poor, kaya mukhang:
Sotanghon na may itlog, puto. Donut na binili kila Alabe. At Vino Kulafu Shoktong.

Ang sasaya namin dahil di halatang nagpapanggap lang kami. Yes!

GOURMET PARTY #2 - Tiyong's Bienvenida 1982

Venue: Reyes Carpark
Main Dish:
Sausage-Marshmallow Kebab
Deep Fried Anchovies in Coconut Cider Sauce
Long-life Slim Noodles with garlic and onion shallots

Decor: Au Naturel



(tinuhog na hotdog, dilis na may sawsawang suka, at pansit bihon. With special ingredient - kalawang from the mesa na walang takip)

GOURMET PARTY # 3
Venue: Compound Foyer (pronounced: fwa - yey)
Main Dish:
Steamed Jasmine Rice
Grilled Seafood Feast
Char-grilled aubergine with fish caramel dip with a hint of lime



(kanin, inihaw na dalag, inihaw na bangus, inihaw na talong na may sawsawang bagoong with calamansi)


MOST SOSYAL GOURMET #4
Venue: Reyes Gardens
Main Dish:
Braised Pork cutlets in tomato sauce
Fresh vietnamese spring rolls with bamboo shoots glaze with garlic-peanut sauce
Worcesteshire char-grilled pork

(kanin, menudo, lumpiang sariwa, at barbecue, hehe)

4 comments:

Anonymous said...

Pic#2: Kuya! Sobrang pangit mo, haha. Si tiyong sobrang kamukha ni Erap! Si Tito Egay... Obama! Ako lang ang hindi masaya dito ah -- natabunan kasi ako sa picture!

Anonymous said...

Yung pic # 4: Parang wala naman gaanong pagkain pero andaming taong kakain, puro bulaklak..plastic pa ata!

Anonymous said...

sa 3rd pic naalala ko yung salamin na nakasabit sa ding-ding. ang nakalagay dun "Maboboteng Usapan", naalala niyo pa?

Anonymous said...

ang sasaya no kahit konte lang pagkain. hehe