Maraming scholastic achievements ang PB ha. Meron tayong valedictorian, salutatorian at honorable mention o medalists nung elementary pati high school. Meron din tayong dean's listers o college at university scholars nung college. Meron pa nga sa ting honor students maski sa post-grad (Masters at Doctorate). Marami rin tayong mga scholars sa loob at labas ng bansa.
Example A. Matindi ang achievement ni Tito Egay nung 90's. Topnotcher lang naman siya sa board para sa veterinary medecine. Isa talaga siyang hayup na doctor. Napakahirap nun, kasi pumasa nga lang sa board e mahirap na, maging Top 10 pa kaya.
Example B. Marami sa PB ang honor students nung Elementary at High School. Alam ko rin na si Tita Che-Che ay 2nd honor sa Masters at si Lola Maam ay may honor sa doctoral. Pero sa pagkakaalam ko ay 4 ang merong Latin Honors (mga Laude ba) nung College. (Pakitama na lang ha kung mali ang aking ala-ala, at sorry sa mga nakalimutan ko)
Sr. Vicky - MAGNA CUM LAUDE at SCHOLASTICS AWARDEE. Accountancy ang course ni Sr. Vicky from GAUF. Malaking achievement yan siyempre, dahil ang hirap kaya ng accounting. At saka, kung meron kang grade na 2.0 e mababa na yon para sa running for MAGNA.
Tito Par - CUM LAUDE. Agricultural Engineering ang course ni Par from GAUF. Kakagulat ano? kasi di naman siya nagsasaka. Pag engineering ang course mo, grumaduate ka lang e accompishment na, ma honor pa kaya!
Tita Che-Che - CUM LAUDE. Political Science ang course niya from U.P. Alam naman natin na mahirap makapasok sa U.P. at mahirap din ang turo. Kaya karangalan na maging honor graduate talaga from the state university.
Tita Edith - MAGNA CUM LAUDE at SCHOLASTICS at LEADERSHIP AWARD. Accountancy din ang course ni Tita Edith from GAUF. Astig ang accomplishment na ito, kasi nga 3 awards. Konti lang ang MAGNA CUM LAUDE, mas konti ang merong SCHOLASTICs award, pero isa lang ang LEADERSHIP AWARD.
Kailangan mo bang maging honor student para maging successful? Siyempre hindi. Pero silang 4 ay successful at na-capitalize nila ang kanilang mga awards para umasenso. Iyon ata ang mahalaga.
So sana maging inspirasyon sila sa lahat ng taga-PB. At sana humaba pa ang listahan na ito.
EXAMPLE C. Kung di umubrang motivation ang mga nasa itaas...baka ito na ang kelangan. Marami ang di nakakaalam na honor student si Tito One nung elementary. KOREK! Siya talaga yun!
10 comments:
Hoy Kuya pa humble epek ka pa! Hindi mo pa sinabi dito na may 20 na medalya (yes, di po sya makalakad nun mula morning breeze pauwi dahil suot nya) nung gumradweyt ka sa Morning Breeze as Valedictorian...1st honor, best in math, science, english, pilipino..pati yata best in music nakuha mo!
Si Tito Ayo din may honors gumradweyt dun!
Sa mga hindi nakakaalam, sosyal talaga ang morning breeze. Highly prestigious. Hindi ka makakapasok dun kung hindi magaling magluto ng pansit at ginataang bilo bilo ang nanay mo! heheheh...
Ay marami palang galing sa morning breeze, na mga mahuhusay kong pinsan! Joke lang po!
sikat naman talaga morning breeze, lalo na nung nag champion ako ng math quiz bee nung grade 5 hehe =)
uu nga, pahumble pa si tito ido...eh isa ka sa mga kolektor ng mga medal nung nagaaral kpa...kawawa nga ung mga kabatch mo na matatalino din kasi d nila nakukuha ung mga medals kasi kinukuha mo...hahaha...
Wow naman wala me ma-say sa mga nakuhang awards ng PB. Ito yata ang pamilya na kailngan mong ipagmalaki talaga. Bukod na sa makukulit, talented, maka-diyos?, mababait eh matatalino pa silang lahat. All in one talaga kaung lahat...Saludo ako!
Saan yung morning breeze? Naku bka nalugi yung school na yun dahil sa kakabili ng medals para kay Tito Ido. Kahit na hindi man kilala ang school na yan eh pinatunayan pa din ni ni Tito Ido na hindi sya papahuli sa lahat. Mukha naman matalino talaga si Tito ido eh itsura pa lang...hehehe...
nax nman...nagpapalakas si charisse kay tito ido...hahaha...
Yung morning breeze ay matatagpuan malapit sa santan. ito ay isang malaking iskwelahan dahil madami itong classroom (eh lahat nman ng iskwelahan madaming classroom)...hehehe... balita ko, wala ng medal maibigay ang morning breez sa mga honor student nila kasi naubos na ni tito ido.hehehe
Ano kayo? C Tita Edet and Tito Egay nangolekta din ng medals sa Morning Breeze!
Generous talaga yang skul na yan eh he he he...
Oo nga po, marami kasing junkshop/tibagan ng bagal sa may likod ng morning breeze... heheh
alam ko si Tito Egay ay Valedictorian sa Morning Breeze. At maliban dun ay naging little 'Carlos P. Romulo' pa siya nung United Nations Week.
Si Ate Edith. Tita Ate, Tito Ayo, Tito One, Tita Eyan, Tito Boyet (ata)mga taga-MOrning Breeze.
Tito Ido i-exclude ba ang sarili nya...Dapat po be proud kau kasi isa kau sa mga nagpa-hirap sa Morning Breeze dahil kakabili ng medals for you...hehehe...
Post a Comment