Tuesday, July 21, 2009

Pamahiin

Kagabi, papauwi sa bahay, nakasagasa si Ayo ng pusa. Natatakot siya kasi may pamahiin daw na masamang makasagasa ng pusa. Actually, nun ko lang narinig ang pamahiin na yon. Sabi ko sa kanya, di naman talaga mabuting pumatay ng pusa, lalo na kung sinadya mo. E pero kung aksidente naman at di mo sinasadya at iniwasan mo pa, ewan lang kung paano magiging malas yon.

Naalala ko lagi ang Ditse, siya ata ang walking dictionary ng lahat ng pamahiin sa buong Pilipinas. Nung una akala ko ayaw nya lang magpautang at ginagawang dahilan ang Lunes o BIyernes. Pero inferness to her, sobrang consistent siya sa mga pamahiin. Wala talagang pinapapalagpas.

Eto ang ilan sa mga naalala kong pamahiin ng PB?. Sinusunod nyo ba ang mga ito?

1) Huwag maglabas ng pera pag Lunes (wala ngang nagpapasuweldo ng Lunes sa Pilipinas)
2) Bawal magwalis pag gabi
3) Bawal maggupit ng kuko pag Friday
4) Bawal maglaro/magtrabaho/kung anu-ano pa kapag Holy Week
5) Huwag kumanta habang nagluluto
6) Huwag maglipit ng pinagkainan pag di pa tapos ang lahat
7) Pag nahulog ang kutsara/tinidor -may darating na bisita
8) Lalawayan ang mga bata, para di mausog

Ano pa nga ba ang mga iba?

9 comments:

JIM said...

PAGNALILIGAW KA RAW BALIGTARIN ANG DAMIT , PARA D MALIGAW

Che said...

Kapag natinik, ipakamot sa pusa ang lalamunan...

Kapag may kuliti sa mata, talian ng parang singsing ang middle finger (dapat opposite yata sa affected eye ...

Ayos!

Boyet said...

Eto pa ang famous na pamahiin ng PB,,,pag may pusang naghihilamos sa harap ng bahay mo o kaya ay may butiki na nag titik-tik sa kisame ng bahay nyo, mayroon daw kayong darating na bisita. Pero ewan ko huh, parang naniniwala ako diyan kasi mas malamang sa hindi ay may bisita nga kaming dumadating pag may butiki sa bahay namin na tumi- tiktik sa kisame... o pwede rin naman na nagkakataon lang!

ayo said...

bawal daw isukat ang damit pangkasal, baka daw hindi matuloy...

lalong di matutuloy yun kung di kasya sa kanya diba?

yet said...

1.)Kapag aalis at kumakain pa ang iba, paikutin ang pinggan ( para di madapa.)

2.)'Wag iiwan ang patay kapag pinaglalamayan. (baka umalis.)

3.)'Wag magkukuto sa gabi, lalong dadami.

4.)Kailangang mauna ang may birthday kumain ng handa bago ang iba.

5.) Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng mga itim na langgam ay nagpapahiwatig na magiging mayaman ang may-ari.

6.)Lagi kang maglagay ng barya o pera sa loob ng bag. Kapag hindi mo ito nagastos, ikaw ay magkakaroon ng pera sa buong taon.(tama naman)

7.)Dapat na palitan ang pangalan ng isang sakiting bata. Ito ay upang lituhin ang mga espiritu na naghahatid ng sakit.

Ginawa yata kay Ido ang #7.

Che said...

Haha, parang Joke Joke Joke naman ang mga pamahiin na 'to!

Anonymous said...

parang joke pala talaga pag binasa mo ang mga pamahiin.

Anonymous said...

Ano kaya mangyayari pag yung nakasagasa sa pusa ko ay dere deretso walang walang sorry sorry umagang umaga ng nangyari yun halos mahimatay kami kaiiyak tas nakailang sigaw ako sa kotse walang pake, iniwan lang ang pusa ko na nakahandusay kinuha ng nanay ko sobrang nakakaawa ang itsura labas mata at bituka. Ang bait pa naman ni Tom at sobrang sweet. Sana kung anong nangyari kay Tom ay MAS MALALA ang mangyari sa NAKABANGGA sa kanya. SUMPAIN SYA NG MATA NG PUSA KO. P*TANG *NA NYA NATURINGAN VETERINARIAN SINAGASAAN ANG PUSA KO HINDI MAN LANG TUMIGIL KAHIT HINARANG NA NG MGA NAKAKITA��������

Anonymous said...

our cat also died:( super sweet and sobrang lambing, range is our family, big part na sya ng family namin. unexpected morning, nasagasaan ng motor:( walang awa:( 2 days suffering sa pag iiyak, my mom & lola can’t accept it, and whole fam nasasaktan sa nangyari:( karma is a karma, mabait po yung pusa namin huhu, hindi nya deserved sagasaan:( he’s gone but he’s always in our hearts!!<3 love your cats habang anjan pa sila, but also our cat will give that person/s a lesson:))!