Saturday, October 31, 2009

Gusto nyo nito?





Sleek and Portable Design

No PC required, you may view images direct from the built in card reader

Slideshow mode, multiple transition options

Rechargeable battery built in

Zoom and Rotate

3.5” Colour LCD Screen

4:3 Aspect Ratio

400:1 Contrast Ratio

320 x 240 resolution

Supports: SD, SDHC, MMC memory card formats

Internal memory for up to 45 images (depending on quality/file size)

In the package:

3.5” Digital Photo Frame

User Manual

Ac Adaptor

USB Cable

Halo-Haloween Thoughts

1)  Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng gayang kalakas ng bagyo.  Kalampagan ang mga yero sa bubong, at naririnig mo talagang tinutumba ng malalakas ng hanging ang mga puno.  Mahirap matulog dahil ang hangin parang sumisipol na pagkalakas-lakas.  Malakas din ang ulan.  Di nakapagtatakang maraming tuloy ang bumigay at maraming mga bahay na maliliit ang tinumba.

Tingin ko mas malakas ito kesa kay Milenyo.  Kaso nga (at mabuti na lang), sobrang bilis ng bagyo.  Six to Eight hours tapos na.  Pero ayan, walang kuryente sa buong SOuthern Luzon at pati sa ibang lugar sa metro manila (asa Starbucks kami hehe.  Even ang KFC at Jollibee sarado). 

Naisip ko na napaka-temporary lang ng existence.  Parang ang mga tao sa mundo ay talagang nakikitira lang.  Baka dapat talagang i-enjoy na ang buhay =).  Baka kung meron kang gustong bilhin na gamit na medyo mahal na gustung-gusto mo talaga.  E bilhin mo na.  Tulad ng Ferragamo bag, shoes at wallet o kaya ang LV bag.  Hehe.  speaking of...

2)  Mas marami pang bumati kay Karen kesa sa ibang may Bday.  Hahaha.  Sabagay ang birthday taun-taon nangyayari, ang graduation ni Karen muntik pang hindi mangyari mwa hahaha. 

Maski gaano kaarte si Karen, e mabait naman talaga siya. Mahirap mainis sa kanya. 

Natawa talaga ako sa motorcade na ipapagawa ni Tita Edith para sa graduation ni Karen. Ayos yun!  Malamang magpa-celebrate si TIta Edith, abangan na lang natin ang announcement sa celebration.  Speaking of...

3) Ayaw ni Par sa Fernwood.  Kasi nga di ba dahil sa food.  So malamang hindi dun gagawin ang kanyang Golden Bday.  Saka para ngang hindi bagay ang Bday dun ng lalaki.  Unless, parang Wish Ko Lang ang gagawin niyang Theme.

Wala pala ako sa bansa ng first week of December.  Pero 2nd wk naman ang bday ni Par.  So carry yan.  May costume-costume kaya?  May programme-programman kaya?  (Sayang di na rin ako puwedeng mag-host, pero puwede naman si RapRap). 

Scariest Movies of All Time

Kung walang magawa sa Halloween weekend, at mahilig manuod ng mga horror movies, bakit hindi subukang mag-renta (meron pa bang Video City) o bumili ng mga CD/DVD ng mga horror movies.

Cinompile ko ang listahan ng mga Top Horror movies (o yung Scariest HOrror Movies) sa ibaba.  Bakit hindi subukan...

1. The Exorcist (1973 )-  Ito na marahil ang classic horror movie.  Talagang nakakatakot at di mo makakalimutan ang image ng na-possess na si Linda Blair.  At siyempre ang kanyang ulo at leeg =).  At ang boses na yan!  Kelangang panuorin.
2.  The Shining (1970) - Galing ito sa libro ni Stephen King (na aking favorite growing up).  Hindi ito horror in a traditional sense - but more pyschological.

3. Halloween (1978) - "he is still not dead".  Juice ko die.  You have to see.

4. The Ring (1998) - Kung di nyo pa kilala kung sino si Sadako, aba e saan kayong nagtatagong kuweba.  This is Japanese horror in its finest.

5. The Texas Chainsaw Massacre (1974) - Unang eksena pa lang...

6.  The Sixth Sense (1999) - Personally, I really like this movie.  Definitely a must see.  Kung di nyo pa sya napapanood, please huwag ng makipagkuwentuhan muna about the movie. Or else, baka makakita kayo ng "dead people"

7. Psycho (1960) - The "Mother" of modern horror.  Di sobrang nakakatakot pero nakaka-shock.

8.  The Evil Dead (1982)
9.  A Nightmare on Elm Street (1984) -
10.  Ju-On (The Grudge) - Panuorin nyo yung original version ha.  Huwag yung Hollywood version dahil naging corny na.

Happy Halloween

1) Bakit walang lasa ang kape?  Baka asa ilalim ang asukal.  Halloween mo kasi.  mwa ha hahah

2) Our Father Who art in Heaven Halloween thy name. nye hehe.

Ano nga ba ang Halloween, at saan ba nanggaling ang pangalan na ito? 








Ang Halloween ay ang annual na pagdiriwang na ginaganap tuwing Oct 31.  Ito ay sinasabing nanggaling sa isang Celtic (sa gawi ng Ireland) festival ng Christian holiday ng All Saints.  Nung una ang celebration na ito ay sinasabing 'celebration ng simula ng dilim'.  Well, kasi usually pag Nov 1 simula na ng Winter.  So literal translation ito at walang halong kamultuhan.

Pero malaunan ito ay naging festival of the dead.  Ganito pala yun.  Naniniwala ang mga Celts (iyon ngang Celtics) na halos walang paggitan ang mundo ng mga patay at mundo ng mga buhay.  So iniimbitahan nila ang mga spirito ng patay nilang kamag-anak sa bahay nila pag October 31.  Kaso, pati ang mga masasamang spirito ay sumasama sa mga spirito ng mga kakilala nila.  Kaya nagsimula na rin ang pagsusuot ng maskarang nakakatakot ng mga tao, sa paniniwalang matatakot nila ang mga masasamang ispirito (actually ang labo di ba?  kasi matatakot ba ang mga ispirito sa maskara hahaha).

Ang salitang Halloween ay nanggaling sa phrase na "All Hallow's Evening", na napaikli na ng napaikli.  Sa buong mundo, iba-iba ang level ng celebration.  Syempre merong mga religious at tinitignan ang halloween bilang spiritual holiday.  Mero ang mas nakakarami ay nag-ce-celebrate ng halloween sa commercial na paraan.

Friday, October 30, 2009

Signal no. 3

So Santi has arrived.  The whole day was actually sunny.  Sa katunayan sobrang init.  Well, hanggang 8pm - tapos nagsimula ng umulan.  Malakas ang ulan at malakas ang hangin.  Oh no, sana huminto na ito soon.

Signal no.3 sa Metro Manila, Laguna, Cavite actually buong Central Luzon.

Ingat!

Thursday, October 29, 2009

Sa hinaba-haba ng prusisyon...






Sa graduation din ang tuloy!


Halos maiyak ako dahil sa natanggap kong text 5 minutes ago lang.  Ang isa sa pinakamimithi ni Tita Edith at malamang ng buong PB ay natupad na.  Clearance na lang ang inaasikaso ni Karen.  Officially Graduate na siya!

Mabuhay si Karen!  Kaso, balak din daw niyang mag-Masters, tapos mag-PhD.  After that gusto daw niyang mag-medicine and then law.  So 40 years pa sya mag-aaral.  hehe

CONGRATULATIONS ATE KAREN!  We are all proud of you.  Sana'y maging insiprasyon sa mga taong nawawalan na ng pag-asa  =).





Final Thoughts on the Evot-Cha Wedding

Ganyan naman madalas, ang ilang buwan mo pinaghandaan, natatapos ng bigla-bigla.  Again, it was a really nice wedding - hindi exag, hindi sobrang madrama - ayos lang.


1)  PAGBANGON

It was really nice to see Tita Rhoda again.  Kasi di ba nga nasalanta sila ng Ondoy.  A week after, na-hospital naman si Dianne.  So really good na nakapunta si Tita Rhoda.





And here is Dianne, obviously OK na siya. After more than a week long battle with Dengue at kung anu-ano pa.  Kung meron mang positive na nangyari - aba e pumayat siya ng malaki (mga 6 na kilo at 3 guhit).  Sino ang makakaisip na mas maliit ang braso ni Diane kay Kr_ _ _?



The Mean Girls.  Kasama ni Kat ang mga Meycauayan beauties na si AJ at Patricia.  Hanep sa posing.





2) TUSONG TUCSON

Pinangalan ng Hyundai ang mga bago nitong sasakyan sa mga Cities in the Southwest US.  Example ay ang Santa Fe, at iyon ngang TUCSON.  Dahil dun, ang tamang pronunciation nito ay HINDI  "TAK - SON".  Hindi rin "TUC- SON".  Ito ay "TU-SON", so yes, parang silent 'C'.  Game practice-in natin ha.

Ano mang pronunciation, ang TUCSON ang bagong SUV ni Kuya JayE.  Very nice, pampamilya, at poging-pogi ang sasakyan.  Wala naman akong nabalitaang intriga, maliban sa pagkontra ni Tiyang hehe.   Para sa mga nagtatanong, ayoko namang mag-tsismis ng presyo ng sasakyan ano.  E di tignan nyo na lang: 





Sa ngiti pa lang ni JayE alam nyo ng parang jumack-pot.  Ayos J, COngratulations!




3.  QUIZ

Dapat pala ang pina-quiz natin ay kung magkano ang kinita sa Money Dance.  Look, ang dami talaga, at may hawak pang sobre ang groom.  Sana nga nakabawi sila maski konti.





4)  NEXT

Ang next event ay ang Birthday Celebration ng ating Golden Boy, Tito Par.  Di ko lang sure kung meron na siyang announcement. ...Tito Par?




4.


Wednesday, October 28, 2009

3 Kwento

May isang teacher na laging nagjojogging around the campus.   Tapos sa kanyang pag-jogging may nakasalubong siyang co-teacher nya na nakabarong.   Tinanong nung teacher kung bakit siya nakabarong. Sabi nung teacher eh kc may party daw para sa kanya.  Tapos niyaya nung teacher na nakabarong yung teacher na nagjojogging na pumunta sa isang simbahan para umattend ng party.  Tapos pagpunta nung teacher dun sa church nakita niya may lamay. Burol pala yon nung co-teacher na nakasalubong niya.

Ilang buwan pagkatapos mangyari yon,  yung librarian naman ang naglalakad-lakad sa campus.  Nakasalubong naman niya iyong teacher na nagjojogging.  Pero ngayon nakasuot na siya ng all white na gown. Tapos tinanong niya kung saan pupunta yung teacher sabi nung teacher eh pupunta siya sa isang party sa isang church (yung church din na tinukoy ko kanina). Niyaya niya rin yung librarian na pumunta tapos pagpunta dun nung librarian nakita niya binuburol yung teacher na nakasalubong niya.

Isang araw, naglalakad.......














   

Tuesday, October 27, 2009

3 Kakaibang Kuwento

1) 

isang araw, may batang babae na nagsusuklay sa CR ng school nila.  malaki yung salamin sa CR kaya kita niya buong sarili nya, pati iyong mga pumapasok sa CR.  Nung huminto syang magsuklay, nagulat sya.  Iyong reflection niya sa salamin patuloy pa ring nagsusuklay.  Nagsimula na syang kinabahan.  Di nya sigurado kung namamalik-mata lang siya.  Kaya ang ginawa nya, nagsimula na syang magdasal..."hail mary full of grace, the lord is with you". 













































Biglang bigla, nagsalita ang reflection niya  at sinabing..................





















































.........................

BEST DRESSED

Siyempre hindi papatalo ang PB Girls sa kasuotan pag formal ang occassion.  Maski na nga yung mga inokray na natin, bongga pa rin.  Marami talaga ang umeffort sa pananamit, pagmake-up at pag-aayos ng buhok.  Pero parangalan natin ang mga nag-standout.

Actually dapat may special award din tayo para sa Energy-Serving gowns.  Iyon bang mga environmental gowns - meaning mga recycled.  Pero huwag na nating sabihin at baka mabugbog na talaga ako.  Itago na lang natin sila sa pangalang:  D and K.  hahaha.

BEST DRESSED HONORABLE MENTION

Juice ko Die!  For the first time in the history of PB, masasama si Tita Yet sa honorable mention.  47 years niyang hinintay ang moment na ito, buti naman at nangyari din.  Andito siya sa listahan kasi nga Ninang sya, yung damit nya ay ang pang-sosing Ninang. 

Kelangan lang nyang mag-aral ng posing at facial projection, balang araw puwede na siyang best dressed.




Lola Maam is also on the list because of her unconvential gown.  Parang pang-Project Runway.  Simple, elegenta at bongga.




Julienne also makes it to the list for the first time.  Kasi nga wedding naman ito, so OK lang naka-gown.  Bagay sa kanya ang damit dahil mas gumanda pa siya. Pero Julienne, huwag mong isuot yan sa mga ordinary occassions ha. 





Parang markana ni Tiyong, ang damit ni Tita Edith ay double-purpose din.  Tignan nyo, parang dalawang magkaibang damit - isang pang-Church at isang pang-Reception.   Complex ang design nyan pag tinignan nyong mabuti - kung baga sa rice terraces masinsin ang pagkakatahi ng mga tiniklop-tiklop na tela.

Actually dapat ookrayin natin ito.  Kasi nung makita mo siya live, mukhang green talaga.  Aba pag na-picturean nagiging Blue-Green.  So Triple purpose talaga, daig si Tiyong.

Kung di lang sa ating winner, puwede talagang si Tita Edith ang ating Best Dressed.









BEST DRESSED

Hay, buti na lang at nakabili si Charisse ng gown last minute (last Tuesday lang).  Kasi medyo pumalpak daw ang gown na pinatahi niya 8 months ago ata yun.  Kasi parang nakakahiya naman na ikaw ang bride tapos di ka best dressed.  hahaha.

Bagay na bagay kay Cha ang gown.  Nagmukha siyang mataba ng konti.  Astig din ang design, at tama lang ang drama ng trail at design.  Sulit na sulit ang 40,000 mo.  Haha, binisto ba.













Best Dressed Male

Inferness, nag-exert talaga ng effort ang mga PB Boys para sa wedding na ito.  OK naman ang suot ng lahat, pero i-mention na rin natin ang mga stand-out.  Sayang, wala akong picture ng sarili, alam nyo namang ililista ko sarili ko as runner-up kung meron hahahaha.

BEST DRESSED  RUNNERS-UP

Sabi ni Tito Egay, sayang daw at hindi gabi ang wedding, kasi kumikintab pala ang kanyang suit sa gabi.  Hard to believe, ano?  Pero here is Tito Egay na Sputing na sputing, na parang delegate sa United Nations (uy Oct 24 din yon di ba).





Sige na nga i-mention na rin natin ang dalawang ito na feeling model sa Billboard sa Guadalupe.  Di kelangang maging super-formal para maging best dressed.  Lalo na kung carry naman.




BEST DRESSED MALE

Tingin ko daya lang ito e (hahaha, bitter).  Di naman kasi talaga sobrang ganda ang damit.  Pero, iyon nga ang pagiging best-dressed - How you carry the dress.  Sabi nga...ASA PAGDADALA Yan.

Congratulations sa pinaka-astig magdala ng Formal Attire.







See you Soon Tita Che-Che

For the first time in history, hindi bumagyo ng dumating or umalis si Tita Che-Che.  Asa Singapore na ulit siya to complete her comprehensive exams for her PhD.

See you soon Tita Che-Che at sana pumayat ka na!





Monday, October 26, 2009

Evot Cha Wedding Part 5 - MGA TANONG

Since di naman ako makakapunta sa Nov 1, e gawin na natin ito.  By the time na magkita tayo ulit, nalimutan nyo na mga pinagsasasabi dito.  Peace to all PB!


**************************************************
1)  Sino na naman ba ang nag-imbita kay Nora Aunor?



Walang Himala!

2.)  ERAP o Paquito Diaz?



 

Oh no, bakit naging Charlie Chaplin?


3.  Bakit ba ang tagal naman ng deadline ng contest?

E kasi mahirap e.  Iyong akala mo siguradong tama, baka yun ang mali. 

4.  Pag ba may tama ng lahat, sasabihin na?

Hindi.  Di ko pa nga natitignan mga entries e.  Pero maski nakita ko na at meron ng perfect score, di ko pa rin sasabihin.  Hahaha.

5.  Kulay Green kaya ang Ribbon sa invitation niya?





6.  Bakit po kayo nalulungkot?

  Si Tita Vangie nga naiyak sa Church e.  Baka kaya si Lola Tiyang din nalungkot.  Pero teka, di pa nagsisimula ang ceremony nito a.  Puwede bang sa sobrang papungay ng mata, nagmukha siyang umiiyak?  Haha, talagang di na ko dapat pumunta sa Nov 1.



6.)  Bakit di na lang kaya kayo nagpalit?

Kung ang asymetrical na left-shoulder gown ay nakakapagpalaki ng braso at nakakataba, tapos ang robe-like gown naman ay nakakapayat..........HMMM, bakit di na lang kaya sila nagpalit?





Sunday, October 25, 2009

Evot and Cha Wedding Part 4 - The Reception

ENTRANCE

I thought the pica-pica was really thoughtful.  Kasi nga ang aga ng church ceremony, at maraming malayo ang pinaggalingan.  So the morning 'cocktails' was very welcome.  OK din ang mga canapes (iyong small sandwiches).

Natatawa lang ako sa mga naghahanap ng sinangag, bagay daw iulam sa tuna sandwich. 





PROGRAM

Tingin ko medyo mahaba lang ng konti ang program.  Sana nabawasan ng konting-konti lang.  Pero apart from that, enjoy naman.  Nakakainis minsan sa mga reception programs yung sobrang exag at sobrang arte.  Pero ang reception nila sakto lang.  Merong drama, merong comedy, merong children's party, at merong musicale.

Medyo disappointing ang prayer siyempre.  Start ng program, tapos parang ang gulo ng prayer.  Pero baka kinakabahan din siya.

HOSTS

OK din naman ang mga hosts.  Lalo na nung nag-Money Dance.  Ang hirap i-host nun e, so carry naman, without being imposing sa mga magbibigay. 

FOOD

Very vocal si Par sa pag-express ng konting disappointment with the food.  Hindi naman kasi mura ang binayad dun nila Evot and Cha e.  Actually pag tinignan mo ang food, lalo na yung sa Buffet Table, di ba parang sobrang sarap!  Lalo na ang mga desserts, sosyal pati ang mga arrangement.  Tinikman ko iyong parang Pavlova (meringue with grapes) - ayos naman.

Di ko sure kung parehas lang kami ng kinain ng mga common people ha, hehehe, kasi nga VIP kami e.  We had a creamy soup and salad for starters.  Tapos for entree meron kaming braised porkloin, chicken roulade, seared fish, pasta and beef.  Maraming may favorite dun sa beef.  For dessert, sinervan kami ng chocolate crepe at saka fresh fruits.  OK din naman. 

Naka-apat din akong Cheese Sticks - 3 sa table naman at isa sa kabilang table. hehe

SPEECHES

Na-mention na rin ang mga touching speeches ng Dad ni Charisse at ni Tito Jim.  Medyo ang dami lang ata ng sponsors na nagsalita, pero may katuturan din naman ang mga sinabi nila so OK na rin.  Ang gusto ko lang sanang nagsalita ay si JE o kaya si Joshua, parang interesting na marinig ang masasabi nila kay Evot, hehe.

VIDEO

Mahirap talaga kasi magpalabas ng videos with venue.  Iyong unang video malinaw, at saka talagang interesting ang mga pics dun sa montage.  Ironically, kung alin pa ang gawa nung professional videographers iyon pa ang medyo sumabit.  Sabagay ala-una na rin siguro nun, so tirik na ang araw.

MUSIC

OK ang mga wedding singers!  One-time nga iniisip namin nila Rap-Rap na plaka e. 

GAME

OK din ang garter and bouquet game.  Enjoy ang mga kabataan, at parang ang saya-saya nila.  So, nice.

Overall, ang reception sakto lang.  Ang daming memorable highlights, including iyong dance nga ni Cha at ni Evot.  Merong seryoso merong light.  Merong pang-matanda at meron ding pang-bata.  So definitely a reception to remember.

Evot and Cha Wedding Part 3 - Church Scenes

You will be very proud of PB.  Kasi di ba ang call-time ay 8:15.  Pero everyone from PB was there and some were really really early.  Of course really early were the Lising family.  May picture taking pa kasi sila before the wedding ceremony




Outside the church were the groom's parents, Tita Vangie and Tito Jimmy.  Tita Vangie wore a light blue V-necked gown, with tapis-tapis to make a ribbon on her left pige.  Her necklace looks expensive.  Her hairstyle is what you call the - Lioness Look (yung parang hintak palikod ang buhok tapos merong spraynet sa gilid).  Tito Jim wore a blue coat na terno sa blue tie.  He also wear black pants na terno sa black shoes.  He also wore a white polo shirt na terno sa kanyang white socks.

Of course Lola Tiyang and Lolo Tiyong were there to welcome the guests. Lola Tiyang wore an almost-off-shoulder light blue gown, na binili nya, dahil wala siyang time magtahi.  Tiyong is wearing his double-purpose attire - puwede pa nya kasing isuot ito sa iba pang solemn na okasyon.  Ano kaya ang sini-signal ni Tiyong? Laban ba yun?  o You're such a Loser?





Konting seryoso muna.  Ang liit lang ng church sa loob ng Fernwood.  Ang ikli nga ng nilalakaran e.  Pero it is really elegant and a little dreamy.  Simple nga lang siya e, pero maganda sa picture.  Mataas kasi ata ang bubong, at ang altar, so naka-focus ang mata mo sa itaas na OK nga ang dekorasyon. 





At pag Church ang pinag-uusapan, mawawala ba ang Love Offering especially for the Ninongs and Ninang.


PB Blog Contest October - WEDDING DA WHO?

Matindi ba kayong taga-pagmasid?  Meaning, napapansin nyo ba ang mga tao sa paligid nyo, lalo na kanina sa wedding?  Kung ang sagot sa tanong ay oo, aba e di madali ninyong mapapanalunan ang PB BLOG CONTEST FOR OCTOBER.  Yes, muli itong nagbabalik.

Eto ang rules:
1) Deadline ng Entries ay sa Nov 1, 1pm
2) Ilagay ang entries sa comment section ng post na ito.  Hulaan lang kung sino
3) Isang entry lang per person (ang una nyong entry ang i-co-consider)
4) Mapapanalunan ang pinakamagandang premyo sa kasaysayan ng PB Blog Contest
5) Dahil maganda ang premyo, meron tayong 20 questions/puzzles
6) Ang unang magkaroon ng perfect 20 score ang mananalo.  Pag walang naka-perfect ang merong pinamataas na score by the deadline will win


EXAMPLE:  Sino naman ito?  Naka-MARCANA nga at formal.  Tapos white socks naman?!?!?!  hahaha



Answer:  Tito Jimmy =).

**************************************************

SIMULA NA NG CONTEST

Persons #1, 2 & 3.  Kaninong mga braso ito?




Perons 4, 5, 6 & 7.  Sino ang mga ito?




Persons 8 & 9.  Kaninong shoes ito?



Persons 10, 11, 12 & 13.  Kaninong damit?



Persons 14, 15, 16 & 17.  Sino sila?



Persons 18, 19 & 20.  Sino sila?




Enjoy, Have fun and Good Luck!

Happy Birthday Carlo

Maski na sobrang excited pa ang lahat sa kasal, huwag nating kakalimutan ang birthday ng isa sa mga pinaka-magalang na 3G ng PB.  Sabi nga ni Tita Che-Che isa rin siya sa pinaka-ampogi. 

Alam na rin natin na si Carlo ay magaling na performer.  Di ba nga't pinagtatalo niya ang mga veterans to win the Best Supporting Actor award in the 2006 Pamilya Banal Film Fest.

Ang wish ko lang kay Carlo ay huwag munang aligaga sa babae at huwag maagang mag-asawa.  Carlo, alam mo bang ang pari ay nagagalit sa mga nag-aasawa ng 25 years old.  Ang bata pa raw!  Kita mo na.

Happy Happy Birthday Carlo!  sana mataas ang grade mo sa finals mo kanina.

Evot-Cha Wedding - Part 2

2 things:
1) Uso na talaga ngayon na ang couple ay nag-pe-perform.  Puwedeng kanta o sayaw. 
2) Salamat naman at hindi tayo pinahiya ni Evot sa pagsasayaw.  Si Cha kasi mukha naman marunong sumayaw.  Pero si Evot?????  Inferness, ayos naman ang sayaw niya.  Kaya pala umabot ng alas-2, dahil sa kaka-practice magsayaw.













Sabagay, kung ikaw na ang merong sabit na libu-libo, at dollar, sobre, at cheke, di ka rin kaya gaganahang sumayaw. 

Saturday, October 24, 2009

Evot-Cha Wedding #1

It was a really nice wedding.  It is one of those occassions where everything seemed to fall in place.  It is impossible to document what transpired in just one post.  Sobrang daming mga "ka-blog-blog" na moments.  Kaya hihiwalay-hiwalayin natin into sections.

To start of...my personal favorite memory of the wedding...happened during the reception.  Usually, eto yung part na tinatawag nating "standard", ibig sabihin laging kasama pero madalas hindi naman napapansin.  Pero this part of the program was really special today.  The father of the groom and of the bride, almost stole the show.

Siguro, basta heartfelt kasi, maganda ang kinakalabasan.  So ang speech ni Tito Jim was probably the most applauded part of the program.  The speech was very Tito Jim - masaya, maraming jokes, honest, at medyo nagmamadali (hehe).  Bagay na bagay talaga sa kanya.  Kinabahan lang ang mga taga-PB (sabi nga ni Tita Edith) na baka kelanganin niya ng Blood Transfusion dahil sa kaka-Ingles.  Pero carry naman ni Tito Jim ang mga English.  And of course the very typical Tito Jim, pagkatapos ng speech, talagang pinuntahan niya ang mga taga-PB para sabihing..."Ang ganda ng speech ko ano?".  haha.

Ang speech naman ng Dad ni Charisse, I thought was heartfelt and sincere.  Diretso at tagos sa puso kung baga.  Parang medyo mahirap ding sabihin ang mga sinabi niya, kasi personal e, tapos ang dami ng audience.  Marami ngang naiyak e.  Ang ganda kasi ng pagkakasabi niya ng mga challenges ng pagiging magkahiwalay ng lugar ng family, sa Pilipinas at sa US.

So ayun ang aking unexpected favorite part ng wedding:  The speeches of the Fathers.



Pasensya na kayo ha, di masyadong nag-prepare si Tito Jim



Pag pinanood nyo ang video, advise ko huwag nyo tignan si Tito Jim, para hindi halatang binabasa pala niya ang speech hehehe






Mom and Dad of the bride, giving a heartfelt speech.



Ito yung part na kinukuwento nya na si Mrs. Tan had to leave for the US when Charisse was 1 year old.  Brought tears to many people in the audience.