Tuesday, October 6, 2009
Happy Birthday Tita Edith
It's very difficult to pay tribute to Tita Edith, kasi where do we start? She has very good qualities na puwedeng pamarisan at gawing role model ng PB.
- Very generous is an understatement. Talagang amazing how she helps with everyone in PB (at maski sa opisina nila). Minsan nga hindi ka pa nagtatanong o humihingi, binibigyan ka na. Siguro sensitive din kasi siya, so alam niya kung sino ang meron kailangan kelan.
Di na kelangang humingi pa. Pag merong kelangan ng sasakyan, lagi siyang willing magpahiram. Pag merong nabaha (o naputikan?), di na kelangan siyang tawagan, pupunta kaagad siya at magwawalis sa labas - que se jodang mapagkamalang kasambahay. Actually, maski merong kelangan ng POSO, e tutulong talaga siya. Kaya siguro di siya nauubusan dahil lagi siyang nagbibigay.
- Mabait na Pamangkin, Tita, Pinsan at Nanay. OK, dito talaga bordering on kunsintidor sa pagiging Nanay. Gosh! witness kaya kami kung paano niya bilhan ang Karen at Camae na yan ng pang-246 na Havaianas nila. Pero sabi nga niya, gusto niyang ipatikim sa anak niya ang mga di niya natikman, so how can you argue?
Feeling ko imposible siyang merong makagalit na Tita/Tito o pinsan. Sobrang pasensyosa at matulungin nga kasi. She is a role model bilang Cousin, because of her regard for the family. Marami siyang tinutulungan pero una ang family lagi. Di sya mapagtanim ng galit o nag-iisip ng masama sa kapwa. Naghahanap sya ng magandang katangian ng tao, at yun ang iniisip nya.
- Give it All. Idol ko si Tita Edith sa kanyang todo-todo attitude. Lagi siyang todo-bigay kung mag-perform. Ilang beses ko ng sinasabi, pag nag-perform si Tita Edith, parang walang bukas at parang WALANG PERA! Kung may gagawin ka na rin lang bakit hindi mo pa itodo?
- Successful sa School at sa Trabaho. Well, Magna Cum Laude nga siya di ba, plus Scholastics Awardee and Leadership nung College. You can be good sa academics, pero isa talaga siyang Leader. Na-translate din niya yun sa work. She started as an accountant, and worked at several companies. Ang magaling na talent at ang mahusay na tao hindi maitatago, so due to her hard work, naging CEO nga siya ng malaking kumpanya. Sobrang nakakabilib at nakakamangha.
Tama na at baka limpak-limpak ang ipapila niya sa akin, at mainggit pa kayo lahat. Tita Edith, I am very proud and humbled at the same time na member ka ng PB at ikaw ay PINSAN namin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
Gusto ko sanang tumula ngunit ako’y napatulala
Sa mga katangiang nabanggit na sadya namang tama
Kaya kay edet na lubos nating hinahangaan, ako na lang ay babati
Nang isang Masaya at Mapagpalang Happi Bertdi !
Mama happy birthday!!
Happy birthday Tita Edith!
...advance Merry Christmas too! Yahoooo!!!!
Hi Edet, happy birthday sa yo.
Parang najustify ni Ido ngayon yung sagot ko sa Lakeshore nun na ikaw ang pinakamabait. Di lang sa tatay, nanay, mga anak, kapatid, pamangkin, hipag, bayaw, tiyahin, tiyo, pinsan, asawa ng pinsan..at nalaman ko katrabaho pa..very generous ka nga at walang masamang tinapay sa 'yo. No wonder sobrang-sobra ang blessings mo.
Wish ko lang sa birthday mo, sana maging maligaya ka rin lagi at hindi lang ikaw ang laging nagpapaligaya. :)
HAPPY BIRTHDAY DET
may you have more more birthdays to come !!!
Sa kaarawan mo, pinsan ko
Sana mag relax at stress talikuran mo
Dahil talaga namang deserve mo
Ang maging masaya sa birthday mo
Dahil madami ka nang napaligaya
sa kabaitan mo!
Hapi bday Ate Edith! :-)
p.s. ang tumula lang daw ang may pila sa pasko ;)
HAPPY BIRTHDAY EDITH!
I know over and above your material blessings you still wish for something for your self.I hope GOD answers your prayers.
I also wish:
Very good health, and sana...
GUMRADUATE NA SI K A R E N !!!
hAppY BiRthdaY !!!!!
...to the greatest sis in the
world...
napaisip ako sa sinabi ni tita eyan about greatest sis. Oo nga pala, isa lang ang sis nya. mwahaha. pero inferness, ang gandang pakinggan. hihiramin ko na yan next year para kay CheChe
si Ate Edith, aking pinsang mahal
laging andyan kapag kailangan
mga me sakit di nya pinapabayaan
susuportahan ka di pa nya ipaaaalam
di lang materyal kaya nyang ibigay
sa oras ng kalamidad mga paa nya'y maputikan man
titiisin nya makatulong lang.
ibang klase ka talaga mahal kong pinsan
malapit sa Diyos, makatao kahit mayaman
kaya biyaya sa'yo walang mapag-lagyan
pagpalain ka pa ng lubusan at ganap na kaligayahan nawa'y makamtan.
happy birthday edith...
we all love you...
Tito Ido said, it's difficult daw to pay tribute to me,pero eto ko ngayon,in front of the computer, na hindi ko malaman ang sasabihin ko sa inyong lahat.
Sobrang napaka-gandang mga salita at greetings ang sinabi nyo. Sa totoo lang kanina sa office inabutan ako ng secretary ko na umiiyak.
Pag yata nagkaka edad eh nagiging ma-drama. sobrang na touch ako sa mga sinulat ni Tito Ido. Ang mga sinabi ni Tita Helen. Naalala pa niya nun sa Lakeshore na nagbotohan kung sino pinaka mabait. At siya nga lang ang bumoto sakin.Slamat sa wish mo na maging happy ako. Happy ako pag magkakasama tayo.
Si Lola Maaam, parang nahuhulaan niya ang wish ko pa.(hehe)Thank you sa prayers.
Si Tito Jorge at Cheche na tumula pa. Che, kahit bday ko stressed out pa rin ako eh.At si Ayo, salamat ha. Di ako magsasawang isama ka sa prayers ko.
JIm, ty sa pagbati. Si Pia, at mga tumula, may bonus sa pasko!
Ang Mesina family, thank you din sa inyo, love you too. Eyan, nadito lang ako! Sa mga hindi nakabati, alam ko busy kayo. Sa canada pala, thank u sa inyo.
Salamat, salamat sa inyong lahat!!! Sana, magkita kits tayo
2G!
Ate, salamat sa pagbati. Nakita ko batian box and also sa taga southville, thank you.
Happy Birthday po!!! Sorry for the late greetings. Kasi po wla internet sa Pasig. Take care po! God bless you always!
Post a Comment