You will be very proud of PB. Kasi di ba ang call-time ay 8:15. Pero everyone from PB was there and some were really really early. Of course really early were the Lising family. May picture taking pa kasi sila before the wedding ceremony
Outside the church were the groom's parents, Tita Vangie and Tito Jimmy. Tita Vangie wore a light blue V-necked gown, with tapis-tapis to make a ribbon on her left pige. Her necklace looks expensive. Her hairstyle is what you call the - Lioness Look (yung parang hintak palikod ang buhok tapos merong spraynet sa gilid). Tito Jim wore a blue coat na terno sa blue tie. He also wear black pants na terno sa black shoes. He also wore a white polo shirt na terno sa kanyang white socks.
Of course Lola Tiyang and Lolo Tiyong were there to welcome the guests. Lola Tiyang wore an almost-off-shoulder light blue gown, na binili nya, dahil wala siyang time magtahi. Tiyong is wearing his double-purpose attire - puwede pa nya kasing isuot ito sa iba pang solemn na okasyon. Ano kaya ang sini-signal ni Tiyong? Laban ba yun? o You're such a Loser?
Konting seryoso muna. Ang liit lang ng church sa loob ng Fernwood. Ang ikli nga ng nilalakaran e. Pero it is really elegant and a little dreamy. Simple nga lang siya e, pero maganda sa picture. Mataas kasi ata ang bubong, at ang altar, so naka-focus ang mata mo sa itaas na OK nga ang dekorasyon.
No comments:
Post a Comment